Ang Pilipinas ay isang likhang dayuhan,
isang produkto ng kolonisasyon na Espanyol sa ikalabing-anim na
dantaon. Ibinigay ng mga Espanyol ang kanilang titik Romano sa mga Pilipino kapalit ng Baybayin, bagong uri ng
pagkain, at relihiyon na Katolosismo. Dapat bigyan ng diin ang mga “indio” sa prosesong ito. Hindi totoong
tinanggap nila nang walang-tutol ang kultura na Espanyol.
Pinayagan nila ang pamamalagi ng kultura. Sa kabilang dako ibinigay naman ang mga
Amerikano ang sistema ng gobyerno. Importante rin
bigyang-diin ng papel ang mga Filipino. Kaya posible na akalain
na ang bansa ay produkto ng impluwensiya ng mga kolonisador.
Kahit na merong bakas ng ibang kultura sa buhay-buhay
Pilipino, meron ding bakas ng katutubong kultura. Ang
paghahalo ng ibang kultura sa katutubong kultura ay isang
napaka-Pilipinong ugali.
Ang
panintikang Filipino ay kinapapalooban ng pagbabago ng kulutra, dayuhan at
katutubo. Hangad nitong sanaysay na talakayin ang katutubong
katangian sa kapuluan. Gagawin ko ang isang pagbasa ng ilang mga
pinakamahalagang akda ng Pilipinong panitkan. Bago hanapin ang
mga bakas ng katatubong kultura bago ng kolonisasion ng Espanya, tatalakayin ko ang
ilang aspekto ng katutubong panitikan.
Ibang-iba
ang sistema ng pagsulat ng mga Espanyol sa sistema ng mga Pilipino bago
dumating si Magallanes. Ang mga sistema ng pagsulat sa Katluran
ay batay sa alpabeto. Ginamit ng mga tao sa Sulu at Mindanao ang
isang alpabetong batay sa wikang Arabe sa ikalabing-anim na dantaon.
Sa Luzon at Visayas, ginamit ng mga tao ang baybayin.
Para itong isang abakada, pero walang titik na indibidwal.
Dito ay baybayin. Ngayon ay ginagamit pa rin ito ng ilang mga artista, historyador, grupong etniko sa Pilipinas, at iba pa.
Iba’t-iba
ang gamit ng panulat. Sumulat ang mga Espanyol para sa maraming
pangangailangan: para gawin ang isang libro, para talakayin ang
mga batas, para magtala ng kalakalan, at iba pa. Ginamit din ng
mga Austronesyano, at samakatuwid ng mga tao sa Pilipinas sa panahong
iyon, ang pagsulat para itala rin ang kalakalan—ang Laguna Copperplate
ay isang halimbawa. Waring hindi nila nagsinulat ng mga libro o
nagtalakay ng mga batas. Sumulat ang mga tao sa Sulu at Mindano
para itala ang linyang pinagmulan ng kanunu-nunuan. Tarsila
ang tawag sa uring ito ng panulat. Waring sumulat lamang sila sa
dahon at hindi sa papel, para tulungang mamemorya ang mga awit.
Ginawa nila ito sa Luzon at Visayas.
Iba’t-iba
rin ang anyo ng panitikan na Espanyol. Merong napakalaking
kaibahan ng karamihan ng panulat na Kanluranin sa panulat na
Austronesyano. Ang tuluyan ay pinakamakapangyarihang anyo para sa
mga Europeo, subali’t para sa
lahat ng mga Austronesyano ang tula ang pinakamakapangyarihang anyo. Ang Don Quijote (c. 1600) ay isang halimbawa ng unang uri at Florante at Laura (1838) ay halimbawa naman ng ikalawa.
Itinala
ko itong ilang halimbawa ng mga kaibahan ng dalawang uri ng panitikan
para ipaliwanag ang kanilang katangian bago naghalo. Walang duda,
merong bakas ng katutubong kultura sa kontemporanyong
panitik. Halimbawa, merong relasyon ang tao sa kalikasan sa
tulang Kon
(1936) na sinulat ni Gardeopatra Quijano. Importante rin na
mapansin ang wika ng akda (Cebuano) at anyo (tula)—dalawang
katangian ng panitkan bago ng panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Mahirap ng kilalanin ang katutubong ugali o katangian.
Si
John Leddy Phelan ang unang awtor na nakapansin ng katunayan ng
pagpapaniwala sa Kotolosismo sa mga tao sa Pilipinas sa kanyang aklat
na The Hispanization of the Philippines: Spanish Aims and Filipino Responses, 1565-1700
(1959). Nadiskubre niya ang kahalagahan ng papel ng mga katutubo. Ang mga kasunod na historyador ay nagpaliwanag nang mabuti
ng kanyang tesis. Salamat sa kanya, mas malinaw ngayon ang bakas
ng katutubong kultura sa Katolikong relihiyon.
Ang
Katolosismo sa Pilipinas ay ibang-iba kaysa sa Katolosismo sa ibang mga
bansa. Tumubo ang isang singkretikong anyo ng relihiyon na
tinatawag na “Folk Catholicism.” Ngayon, makikita ang
halimbawa nito sa pista, sa loob at sa labas ng mga simbahan, at sa
relihiyosong buhay-buhay ng mga Pilipino. Meron ding ebidensiya
ng Folk Catholicism sa panitikan. Ang “Itinatwa ni Pedro si
Hesus” ay isang kabanata ng Katolikong akda na napakabantog, Casaysayan nang Pasiong Mahal ni Jesucristong Panginoon Natin na Sucat Ipag-alab nang Puso nang Sinomang Babasa
(1703?). Kahit na ang aklat ay tungkol sa isang dayuhang
relihiyon, napakaloob ito ng katutubong kultura. Sa isang
saknong, halimbawa, ipinahayag ang pagtitiwala sa wika ng kamag-anak.
Huwag kang sumalawahan
niring aking kalayawan,
dati mo nang namamasdan
ang tiis ko’t kaawaan,
hanggang kita’y nagsambahay
Merong discourse
sa katawan sa Pilipinas bago dumating si Magallanes. Hindi
naparam ito pagkatapos ng pagsakop. Patuloy na nabubuhay ito,
halimbawa, sa Pasyon.
Ay aba, huwag kang malis,
ako’y iyong ikahapis
natatali kang masakit
sa puso ko’t aking dibdib,
na di ko ibig mapaknit.
…
Lumuluha araw-gabi
sa mata’y nalalabi
inibig niya’t kinakasi
maayop, maruwahagi
katawan niyang sarili
Kaya
itong mga ugali ay nasa puso ng relihiyon ng karamihan ng mga Pilipino.
Ito ay tinawag ni Phelan na “Filipinization” ng Katolisismo.
Samantalang
halos lahat ng Asya ay sinakop ng mga kolonisador, lumaban ang ilang mga
Pilipino para sa kalayaan sa wakas ng ikalabinsiyam na dantaon.
Si Jose Rizal (1861-1896) ang pinakamarunong na pigura nitong
henerasyon. Pamoso siya para sa kanyang dalawang aklat na
anti-kolonyal: Noli me tángere (1887) at El Filibusterismo
(1891). Ang dalawang libro ay paghahalo ng mga genre na satirikal
at romantiko-realista at ang wikang ginamit sa pagsulat ng dalawang
nobela ay Espanyol, pero meron ding Tagalog, Pranses, Italyano, at
Latin sa mga akda. Ang mga bungang-isip ng Kanluraning
nasyonalismo ay nakaimpluwensiyan kay Rizal. Hindi kong
ibig sabihin na “Europeanisado” lang siya; kundi masalimuot ang pagkakosmopolitanoan niya. Si Cristostomo Ibarra, isang pangunahing
tauhan ng Noli, ay isang mabuting halimbawa ng Kanluraning nasyonalismo ni Rizal. Ipinapaliwanag ni Ibarra:
Hindi
siya rebolusyonaryo, o hindi pa. Dahil ang kanyang (si Ibarra, at
siguro si Rizal, pero mapagdududahan ito) pinakamahalagang layunin ay
itayo ang isang eskuwela. Sinusubukan niyang mapabuti ang
lipunang Pilipino; hindi gawin ang lubusang pagbabago.
Ang
iba pang mga halimbawa nitong uri ng nasyonalismo ay sa huling akda ni
Rizal, ang tulang
“Último Adiós” (1896):
Adios, Patria adorada, region del sol querida
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Edén!
A darte voy alegre la triste mustia vida,
Y fuera más brillante, más fresca, más florida,
También por ti la diera, la diera por tu bien
…
Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pensar
El sitio nada importa, ciprés, laurel or lirio,
Cadalso o campo abierto, combate o cruel martirio
Lo mismo es si lo piden la Patria y el hogar
Importante
na mabatid ang pagsasaoras ni Rizal at ng mga kapwa-propagandista.
Lumikha ang mga propagandista ng unang kilusan na nasyonalista sa
buong Asya. Kahit na ginahis ng Estados Unidos ang Unang
Republika, dapat nating lahat pahalagahan ang mga sakripisyo ni Rizal
at ng mga propagandista. Namatay siya para sa kanyang mga
paniniwala. Rebolusyonaryo ang kanilang laban para sa Rebolusyon.
Pagkatapos
ni Rizal, ang ikalawang pinakamahalagang pigura ng Pilipinong
nasyonalismo ay si Andres Bonifacio (1863-1897). Katulad ni
Rizal, ginawa niya ang mga akda tungkol sa nasyonalismo. Pero
merong malaking kaibahan ang mga panulat ni Bonifacio kay Rizal.
Menos ang impluwensiya kay Bonifacio ng Kanluraning bungang-isip
na uri ng nasyonalismo. Merong katutubong katangian na Tagalog sa
mga akda na nasyonalista ni Bonifacio. Ang konsepto ng
“katuwiran” ay isang halimbawa.
Ano
ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuwiran sa Silanganan,
ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan, ang
landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya’y tanaw sa ating mga
mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na
asal. Itinuturo ng katuwiran, na wala tayong iba pang maaantay
kundi lalo’t lalong kaalipinan.
Importante
na mapansin na sinubukan ni Bonifacio lumikha ng isang konsepto ng
“Silanganang” nasyonalismo. Ginawa niya ang isang pagtatangi ng
Pilipinas sa Kanluraning daigdig na intelektuwal.
Napakalinaw
ng kaibahan ng nasyonalismo ni Bonifacio kay Rizal sa pagpapaliwanag ng
pangangailangan ng “ginhawa.”
Itinuturo
ng katuwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa
ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari…
Kaya, O mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at
kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na
pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan.
Mas
malaki ang layunin ni Bonifacio kay Rizal. Hindi niya
sinubukang itatag ang isang eskuwela; hindi niya hinanap ang kalayaan
sa loob ng pampulitkang sistema. Sinubukan niyang baguhin nang
lubusan ang lipunan.
Isang
huling halimbawa ng kaibahan ng pag-iisip ni Bonifacio kay Rizal ay
tungkol sa kanilang mga paggamit ng kawikaan ukol sa sakit. Una,
wika ni Rizal:
Regístrase
en la historia de los padecimientos humanos un cáncer de un carácter
tan maligno que al menor contacto le irrita y despierta en él
agudísimos dolores. Pues bien; cuantas veces en medio de las
civilizaciones modernos, ya para compararte con otros países, tantas se
me presentó tu querida imágen con un cáncer social parecido
Deseando
tu salud que es la nuestra, y buscando el major tratamiento, haré
contigo lo que con sus enfermos los antiguos: exponíalos en las gradas
del templo, para que cada persona que viniese de invocar á la Divinidad
les propusiese un remedio.
Y
á este fin, trataré de reproducir fielmente tu estado sin
contemplaciones; levantaré el velo, que cubrío tus llagas,
sacrificiando á la verdad todo, hasta el mismo amor propio, pues, como
hijo tuyo, adolezco también de tus defectos y flaqueras.
At wika naman ni Bonifacio:
Sa kapuwa Ina’y wala kang kaparis…
ang layaw ng ng anak: dalita’t pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo’y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit
Walang
dudang isinulat ni Rizal ang ukol sa sakit katulad ng pagsusuri ng
isang doktor. Sa katotohanan, doktor siya. Nag-aral siya
para maging optalmologo sa Europa, at natuto siyang mag-isip at
sumulat sa wika ng panggagamot. Sinulat niya ang
tungkol sa “padecimientos humanos”—itinuturo nito ang pagkakaroon ng
kaalaman na unibersal (at siyentipiko) at ng “civilizaciones
modernos”—ibang Kanluraning konsepto.
Ibang-iba
ang konsepto ng “sakit” para kay Bonifacio. Walang bakas ng kaalaman na
panggagamot para sa kanya. Taal ang kanyang mga diwa ng
sakit, galing sa kapuluan at hindi sa Europa. Ibang-iba rin ang
papel ng kamag-anak. Ang dalawa ay anak, pero hindi dahil sa magkatulad
ang magulang. Si Rizal ay halimbawa ng paggiging “hijo” ng isang nasyon, pareho ng paggiging “hijo” ng Kubanong nasyon
ni José Martí (1853-1895).
Dito, ang kahulugan ng “hijo” ay buhat sa isang diskurso
na moderno at Kanluranin ng nasyonalismo. Si Bonifacio ay anak
ng Inangbayan, ang taal na pigura na babae ng Pilipinong nasyonalismo.
Samantala hindi "hijo" si Bonifacio; walang ganoong konsepto ng
nasyonalismo. Nag-iisip si Rizal ng Europa, samantalang
si Bonifacio ay nag-iisip lamang ng kapuluan.
Mahirap
ipaliwanag ang pagkabuo ng Pilipinas. Ang bansa ay paghahalo ng
mga kultura, ng mga wika, at ng mga tao. Ito ay hindi nagsimula
sa ikalabing-anim na dantaon nang dumating ang mga Espanyol.
Mayroon ding paghahalo sa kapuluan noong unang panahon.
Mayroon, halimbawa, ng maraming taal na relihiyon—anitismo, ang
hinduismo, at, noong panahong iyon, isang bagong relihiyon—ang Islam.
Waring palaging mayroong pagbabago sa kapuluan—noong panahon ng
Srivijaya (c. 700s-1300s), noong panahon ng Madjapahit (1293-1500s),
nang dumating ang unang mga Muslim, nang dumating si Magallanes, nang
sinakop ng mga Ingles, nang sinakop ng mga Amerikano, nang sinakop ng
mga Hapones, at nang sinakop ng “Imperial Manila” pagkatapos ng 1946.
Noong mga sandaling iyon, merong maraming pagkilos ng mga tao,
dayuhan at Pilipino. Itong mga pagbabago ay malinaw na
mababakas sa panitikang Pilipino, kahapon, ngayon, at bukas. #