Preventive Screening For Patients Age 50+ (Para sa mga Pasyenteng 50 Taon Pataas)
Preventive Screening For Patients Age 50+ (Para sa mga Pasyenteng 50 Taon Pataas)
1) Diabetes, high blood pressure, cholesterol, colon cancer (simgoidoscopy, colonoscopy, stool cards)
1) Dayabetis o may mataas na bilang ng asukal, mataas na presyon ng dugo o alta presyon, mataas ang bilang ng taba sa dugo o kolesterol, kanser sa kolon (pag-eksamen ng sakit sa pwet, paraan para siyasatin ang sakit sa bituka, pag-iiksamen ng dumi na gamit ang kapirasong karton)
2) Blood work, blood pressure, finger sticks
2) Pag-eeksamen ng dugo, presyon ng dugo, pagkuha ng dugo sa daliri
3) Male: prostate cancer (rectal exam, blood test)
3) Lalake: kanser sa prostate (iksamenasyon sa puwet, iksamenasyon sa dugo)
4) Female: breast cancer (breast exam, mammogram) , ovarian cancer/cervical cancer (vaginal exam and pap smear)
4) Bababe: kanser sa suso (iksamenasyon sa suso, mammogram), kanser sa obaryo/kanser sa matris o sa cervix (iksamenasyon ng ari o puwerta ng babae, pagkuha ng sample sa loob ng ari ng babae)
Average time of Recommendation depends on your doctor and health care practitioner.
Ang karaniwang panahon ng Rekomendasyon ay ayon sa iyong manggagamot o tagapangalaga ng kalusugan.
---
FACT SHEET ABOUT HEALTH & ETHNICITY
Mga Kaalamang Pangkalusugan at Etnisidad
Being Filipino places you at increased risk for many of the above diseases.
Dahil ikaw ay Pilipino mas malamang na magkaroon ka ng mga sakit na nakatala sa listahang ito.
The goal of preventive screening is to catch diseases that you have or may be at risk for before you have bad health consequences from them. Many of the times, you will not feel the effects of these diseases at early stages. You may only feel them when the disease is very advanced and you are at risk for significant health problems or even death.
Ang layunin ng mga preventive screening o mga eksaminasyong pangkalusugan ay upang maagapan ang anumang karamdaman bago pa ito lumala. Madalas na hindi mo mararamdaman ang epekto ng sakit sa kalusugan sa umpisa. Mararamdaman mo lang ito kung ito ay malala na at nasa panganib ka na o nabibingit ang iyong buhay sa kamatayan.
In your age group (50 and above), the diseases that are common and preventable are diabetes (high blood sugar), hypertension (high blood pressure), hyperlipidemia (high cholesterol), and colon cancer. In addition, if you are male, you are at risk for prostate cancer. If you are female, you are at risk for breast, ovarian, or cervical cancer.
Sa mga edad na limampu (50+) pataas, ang mga sakit na karaniwan at maiiwasan ay dayabetis (mataas na bilang ng asukal), alta presyon (mataas na presyon ng dugo), mataas na lipidimiya (mataas na kolesterol sa dugo), at kanser sa kolon. Dagdag dito, kung ikaw ay lalake, mataas ang panganib mo na magkaroon ng sakit na kanser sa prostate. Kung ikaw naman ay isang babae, mataas ang panganib mo na magkaroon ng kanser sa suso, obaryo, o sa cervix.
If we can diagnose and treat diabetes, high blood pressure, and high cholesterol, you will have less chance of having heart attacks, strokes, or kidney failure requiring dialysis.
Kung masusuri at magagamot natin ang dayabetis, alta presyon, at mataas na kolesterol, mas mababa ang panganib mong atakihin sa puso, istrok, o sakit sa bato na nangangailangan ng paglilinis sa dugo o dialysis.
Average time of Recommendation (depends on your health care practitioner and your specific situation): every visit (usually at least once a year)
Ang karaniwang panahon ng rekomendasyon (ay ayon sa iyong manggagamot at sa iyong partikular na katayuan o kalagayan): kada bisita o pagpapatingin (kadalasan di kukulangin sa isambeses sa loob ng isang taon)
For diabetes and cholesterol, we check your blood by drawing blood from your vein, after you have fasted a period of 12 hours or more (overnight). If we are just checking for diabetes, the fasting period may be shorter and we may just take blood from a fingerstick.
Sa sakit na dayabetis at kolesterol, tsinetsek namin ang iyong dugo sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo sa ugat, pagkatapos ng labindalawang oras o higit pa (magdamag) na walang pagkain. Kung para sa dayabetis lang ang pagsusuri, ang hindi pagkain o pag-aayuno ay mas maikling panahon at maaring gawin namin ito sa pagkuha lang ng kaunting dugo sa daliri.
Average time of Recommendation (depends on your health care practitioner and your specific situation): every visit (usually at least once a year)
Ang karaniwang panahon ng rekomendasyon (ay ayon sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at sa iyong kalagayan): tuwing magpapatingin (kadalasan di kukulangin sa isambeses sa loob ng isang taon)
For high blood pressure, we take your blood pressure on two different visits using a sphygmomanometer, or blood pressure cuff.
Sa sakit na alta presyon, kinukuha namin ang presyon ng dugo mo sa pamamagitan ng instrumentong pangkuha ng presyon ng dugo o sphygmomanometer.
Average time of Recommendation (depends on your health care practitioner and your specific situation): every visit (usually at least once a year)
Ang karaniwang panahon ng rekomendasyon (ay ayon sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at sa iyong partikular na sitwasyon): tuwing magpapatingin (kadalasan di kukulangin sa isambeses sa loob ng isang taon)
For cancers, detecting them early can enable the medical team to use treatment that are either less toxic or have a shorter duration than if they detect them later. In addition, if surgery is required, the surgery will be less extensive and have a higher chance of cure if the cancer is detected earlier rather than later.
Sa sakit na mga kanser naman, ang maagang pagkaalam ng medikal na nagsisiyasat at nangangalaga ng kalusugan ay nagpapahintulot sa kanilang, makagamit ng paraan na hindi masyadong nakakalason o mas napapadali ang paggamot kaysa kung lumaon pa na mas malala na ang sakit. Isa pa, kung kailangan ng operasyon, ang operasyon ay hindi masyadong malawakan at mas may malaking tsansa na mapagaling ang kanser kung naagapan ito kaysa sa madiskubre nang huli.
For stool cards, you will receive some cards from your practitioner. You will take some stool on different days and apply this stool to the card. You will turn the card into the lab so they can check for blood, which may indicate cancer.
Sa pag-iiksamen ng dumi na gamit ang kapirasong karton, ikaw ay makakatanggap ng ilang karton mula sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Kukuha ka ng kaunting dumi mo sa magkaibang araw at ipapahid mo itong dumi sa karton. Dadalhin mo ang karton sa laboratoryo para maiksamen kung may dugo sa iyong dumi, na ang ibig sabihin ay baka meron kang karamdaman na kanser.
For colonoscopy or sigmoidoscopy, you make an appointment, usually with the gastroenterologist (specialist), who will place a special camera into your colon to check for cancer. You will likely have to fast the day before and take some form of laxative to make sure the colon is clean so the camera can have clear pictures and thus be able to tell if you do or do not have cancers. The procedure is usually painless, but you will be given anesthesia. Most patients actually do not even remember the procedure itself.
Para sa “colonoscopy” o “sigmoidoscopy,” kadalasan, mag-aapoyntment ka sa “gastroenterologist” (espesyalista), na maglalagay ng isang espesyal na kamera sa loob ng kolon mo para matsek kung mayroong kanser. Malamang na kailangan hindi ka kumain at uminom ng laksante o pampurga para masiguro na malinis ang kolon para makakuha ng malilinaw na letrato at sa gayon makapagsabi kung mayroon o wala kang mga kanser. Hindi masakit ang paggawa nito, pero bibigyan ka ng pampamanhid. Karamihan sa mga pasyente sa katunayan ay hindi man lang naaalala ang paglalagay nito.
Average time of Recommendation (depends on your health care practitioner and your specific situation): every 10 years for colonoscopy and every 3-5 years for sigmoidoscopy (may be sooner depending on your symptoms, family history, or results of last test)
Karaniwang panahon ng rekomendasyon (depende sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at sa iyong partikular na kalagayan): tuwing ikasampung taon sa colonoscopy at tuwing ikatlo hanggang ikalimang taon para sa sigmoidoscopy (maaaring mas maaga depende sa mga sintomas mo, sakit ng kapamilya, o resulta ng huling eksaminasyon)
For prostate cancer, we take some blood from your vein for a test. In addition, we also perform a rectal exam. The rectal exam is done in the doctor’s office, takes only a minute or two, and is usually painless. It involves the doctor placing his finger into the rectum to check for any cancers on the prostate.
Para sa kanser sa prostate, kumukuha kami ng dugo sa ugat mo para sa iksamen. At saka, nagsasagawa rin ng iksamen sa tumbong. Ang pag-eksamen sa tumbong ay ginagawa sa opisina ng doktor, madali ang iksameng ito, isa o dalawang minuto, at kadalasan ay walang nararamdamang sakit. Inilalagay ng doktor ang kaniyang daliri sa rectum o tumbong para tingnan kung may mga kanser sa prostrate.
Average time of Recommendation (depends on your health care practitioner and your specific situation): every year
Karaniwang panahon ng rekomendasyon (depende sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at sa iyong partikular na kalagayan): taon-taon
For breast cancer, there are to exams. a breast physical exam to feel for bumps and a mammogram are performed. The breast exam is performed in the office and involves the practitioner feeling for any lumps or bumps on the breast that may indicate cancer. In addition, a mammogram is performed in the radiology area. It is a special kind of X-ray that can look for cancers in your breast.
Para sa kanser sa suso, may dalawang iksamen. Pisikal na pagkapa para sa mga bukol at isang mamogram ang isinasagawa. Sa opisina ng doktor, isang iksameng pisikal ng suso ang isinasagawa ng tagapangalaga ng kalusugan para matsek ang suso kung may bukol o namuong laman na maaaring kanser. At saka, isinasagawa ang mamogram sa departamento ng radyolohiya. Isang espesyal na uri ng “x-ray” ito na nakakakita ng kancer sa iyong suso.
Average time of Recommendation (depends on your health care practitioner and your specific situation): every year
Karaniwang panahon ng rekomendasyon (depende sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at ng iyong partikular na kalagayan): taon-taon
For ovarian and cervical cancer, two exams: a vaginal exam and pap smear is performed. A vaginal exam is performed by the practitioner in the office. To do a PAP smear, a speculum, brushes, and swabs, are used to get some cells from the cervix to send to the lab to test for cancer.
Para sa kanser sa obaryo at sa cervix, may dalawang iksamen: pag-eksamen sa puwerta at pap smear. Ang pageksamen sa puwerta ay ginagawa ng tagapangalaga ng iyong kalusugan sa opisina o klinika. Para maisagawa ang PAP smear, kailangan ng “speculum,” mga brotsa, at pamanhid o swabs para kumuha ng mga selula mula sa “cervix” na ipapadala sa laboratoryo para sa pagsusuri kung may kanser.
Average time of Recommendation: Consult with your health care practitioner
Karaniwang panahon ng Rekomendasyon: Kumunsulta sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Itanong mo sa doktor mo.
SPECIAL ADDITIONAL INFO FOR SMOKERS: Smoking places you at increased risk for nearly all of the above diseases, particularly heart attack, stroke, and cancers. Stopping smoking is often the single most important thing you can do to improve your health. Please ask your health practitioner about ways they can help you to stop smoking.
NATATANGING KARAGDAGANG IMPORMASYON PARA SA MGA NANINIGARILYO: Ang paninigarilyo ay naglalagay sa iyo sa mas higit na panganib na magkaroon ng halos lahat ng sakit na nabanggit sa itaas, lalo na ang maatake sa puso, istrok, at mga kanser. Ang paghinto ng paninigarilyo ang natatanging pinakamahalagang magagawa mo upang mapabuti ang iyong kalusugan. Mangyaring itanong mo sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga paraang matutulungan ka nilang tumigil sa paninigarilyo.
Isinalin ni Aaron Cunanan