Diabetes and High Blood Pressure
(Diabetes at Mataas na Presyon ng Dugo)
Diabetes and High Blood Pressure
(Diabetes at Mataas na Presyon ng Dugo)
Effects of Diabetes
Epekto ng Diabetes
Patients that have blood sugars (glucose) that are too high are determined to have diabetes.
Ang mga pasyente na may sobrang mataas na glucose sa kanyang dugo ay may karamdamang ang tawag ay diabetes.
If your blood sugar is higher than normal, but not high enough for diabetes, you still have pre-diabetes, which also has bad health effects.
Kung ang iyong glucose ay mataas sa normal, pero hindi gaanong mataas para sa diabetes, mayroon ka pa ring pre-diabetes, na may masamang epekto din sa iyong kalusugan.
Blood sugars are determined by tests of your blood done by a lab or by fingersticks machines you can use
at home.
Ang glucose sa dugo ay malalaman sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo sa pamamaraan ng lab o sa fingersticks machine na pwede mong gamitin sa bahay.
As a result of diabetes, you are at increased risk of heart attacks, strokes, kidney failure, infections, blindness, and amputations.
Ang maaaring resulta ng Diabetes ay mas mataas na panganib na magkaroon ka ng atake sa puso, pagbabara ng mga ugat, malalang sakit sa bato, impeksyon, pagkabulag at pagkaputol ng bahagi ng iyong katawan.
In addition, if your blood sugar gets too high, you can die from a diabetic coma.
Dagdag pa rito, kung ang iyong glucose sa dugo ay napakataas, ikaw ay maaaring mamatay sa pagkakaroon ng diabetic coma.
If your blood sugar gets dangerously low, less than 60, you also may get really sick.
Kung ang iyong glucose sa dugo ay sobrang baba, mababa pa sa 60, ikaw din ay maaaring magkasakit.
The problem with a lot of the diseases that happen as a result of diabetes is that you will feel completely fine until it is too late.
Ang problema sa lahat ng sakit na dulot ng diabetes ay maayos ang pakiramdam mo hanggang sa malaman mong huli na ang lahat.
For example, if your blood sugar is too high for a long period of time, you may feel okay until you have a heart attack or stroke or need dialysis.
Halimbawa, kung ang iyong blood sugar ay napakataas sa mahabang panahon, maaaring maging maayos ang pakiramdam mo hanggang sa magkaroon ka ng atake sa puso o pagbabara sa ugat o kinakailangan mo na ng dialysis.
If you get a heart attack, you still have a risk of dying or being permanently injured, despite the best treatments we can provide. The best option is prevention by controlling the diabetes.
Kapag inatake ka sa puso, malaki pa rin ang posibilidad na mamatay o habang buhay na may kapansanan kahit na maibigay namin ang pinakamahusay na lunas. Ang pinakamagandang solusyon ay iwasan ang pagkakaroon ng diabetes.
Seeing the doctor, taking your medications, and doing lifestyle changes such as watching your weight or level of exercise, are the best ways to control your diabetes and make it less likely that you will have any of the above complications.
Ang pagpapatingin sa doktor, pag-inom ng gamot at pagpapalit ng paraan ng pamumuhay katulad ng pagbabantay sa timbang o pag-eehersisyo ay pinakamagandang paraan para makontrol ang diabetes at mabawasan ang pagkakaroon ng tulad ng mga nabanggit na komplikasyon sa itaas.
Effects of High Blood Pressure
Epekto ng Mataas na Presyon ng Dugo
Patients that have very high blood pressure are determined to have hypertension.
Ang mga pasyente na may napakataas na presyon ng dugo ay may karamdamang tinatawag na hypertension.
If your blood pressure is higher than normal, but not high enough for hypertension, you still have pre-hypertension, which also has bad health effects.
Kung ang iyong presyon ng dugo ay mataas sa normal, ngunit hindi gaanong mataas para sa hypertension, mayroon ka pa ring pre-hypertension, na may masamang epekto rin sa iyong kalusugan.
Blood pressure is measured using a sphygmomanometer (blood pressure cuff).
Ang presyon ng dugo ay masusukat sa paggamit ng sphygmomanometer (blood pressure cuff).
As a result of hypertension, you are at increased risk of heart attacks, strokes, kidney failure, and heart failure.
Ang maaaring resulta ng hypertension ay mas mataas na panganib na ikaw ay magkaroon ng atake sa puso, pagbabara ng mga ugat, malalang sakit sa bato at paghina ng puso.
In addition, if your blood pressure gets too high, you can die from a hypertensive emergency
Dagdag pa rito, kung ang iyong presyon ng dugo ay napakataas, ikaw ay maaaring mamatay sa pagkakaroon ng hypertensive emergency.
The problem with a lot of the diseases that happen as a result of hypertension is that you will feel completely fine until it is too late.
Ang problema sa lahat ng sakit na dulot ng hypertension ay maayos ang pakiramdam mo hanggang sa
malaman mong huli na.
For example, if your blood pressure is too high for a long period of time, you may feel okay until you have a heart attack or stroke.
Halimbawa, kung ang iyong blood sugar ay napakataas sa mahabang panahon, maaaring maging maayos ang pakiramdam mo hanggang sa magkaroon ka ng atake sa puso o pagbabara sa ugat.
If you get a heart attack, you still have a risk of dying or being permanently injured, despite the best treatments we can provide. The best option is prevention by controlling the blood pressure.
Kapag inatake ka sa puso, malaki pa rin ang posibilidad na mamatay ka o habang buhay na may kapansanan kahit na maibigay namin ang pinakamahusay na lunas. Ang pinakamagandang solusyon ay ang pag-iwas at pagkontrol ng presyon ng dugo.
Seeing the doctor, taking your medications, and doing lifestyle changes such as watching your weight or level of exercise, are the best ways to control your blood pressure and make it less likely that you will have any of the above complications.
Ang pagpapatingin sa doktor, pag-inom ng gamot at pagpapalit ng paraan ng estilo katulad ng pagbabantay sa timbang o pag-eehersisyo ay pinakamagandang paraan para makontrol ang presyon ng dugo at mabawasan ang pagkakaroon ng tulad ng mga nabanggit na komplikasyon sa itaas.
Isinalin ni Anthony Ocampo