Abdominal Disease: Bleeds, Infections, Surgical Cases
(Sakit sa Tiyan: Pagdurugo, mga Impeksyon, mga Kaso ng Operasyon)
Abdominal Disease: Bleeds, Infections, Surgical Cases
(Sakit sa Tiyan: Pagdurugo, mga Impeksyon, mga Kaso ng Operasyon)
Isinalin ni Frances Borgona
MD: Mr/ Mrs____________, am I pronouncing your name correctly?
MD: Magandang umaga/hapon/gabi ho Mr./Mrs. _________, tama ho ba ang pagsasabi ko ng pangalan ninyo?
MD: What is the phone number of someone we can call to help translate (explain to you in Tagalog)?
MD: Ano po ang telepono ng tao na puwedeng magsalin (magpaliwanag sa inyo sa Tagalog)?
MD:
The nurse mentioned that you had a problem with <abdominal
pain, bleeding, nausea, vomiting, diarrhea>. Can you tell me more
about that?
MD: Ang sabi ng nars <sumasakit ang tiyan mo/ po ninyo, dinudugo ka/ po kayo, naduduwal ka/ po kayo, nagsusuka ka/ po kayo, nahihilo ka/ po kayo, nagtatae ka/ po kayo>. Ano pang masasabi mo?/ Ano pa
pong masasabi ninyo?
MD: So about the abdominal pain, point to the area of your pain.
MD: Ituro nga po ninyo kung saang banda sumasakit.
MD: On a scale of 1 to 10, 10 being the worst, like the pain of giving birth, how bad is your abdominal pain?
MD:
Sabihin po ninyo kung gaano kasakit ang tiyan ninyo.
Gamitin natin ang isa hanggang sampu, isa para sa konting sakit
hanggang sampu na pinakamasakit (o grabeng sakit) katulad ng sa
panganganak (kung babae).
MD:
For how long have you had the abdominal pain? Is this your first
episode? How many times have you had this before? What is the maximum
duration of each episode?
MD:
Gaano katagal nang sumasakit ang tiyan ninyo? Ito ba ang una?
Ilam beses na hong sumakit ang tiyan ninyo nang ganito? Pag sumasakit
ang tiyan ninyo, ilang oras ninyo nararamdaman? Gaano po katagal ang
bawat pagsakit?
MD: Have you ever seen anyone for this before? What did they think it was caused by?
What did they do for it?
MD: Nagpakonsulta na ho ba kayo para dito? Ano ho ang sa palagay nila ang sanhi nito?
Ano
ho ang ginawa nila para dito?
MD: Does the pain in your belly move anywhere else, for example, to your back?
MD: Yun ho bang sakit sa tiyan ninyo, lumilipat sa ibang parte ng katawan, tulad ng likod n'yo?
MD: Does the pain get worse with any position, for example, lying down? Does the pain get worse with eating?
MD: Mas tumitindi ho ba ang sakit pag iba ang posisyon, halimbawa, nakahiga? Tumitindi ho ba ang
sakit kapag kumakain? (Mas masakit ba ang tiyan ninyo kapag iba ang katayuan ninyo?)
Mas sumasakit ba ang tiyan ninyo ‘pag kayo’y kumain?
MD: Do you feel like throwing up? Have you thrown up? Is there any blood or black sticky
(coffee ground-like) material when you throw up?
MD: Pakiramdam ho ba ninyo parang masusuka kayo? Nagsuka na ho ba kayo? Meron ho bang
dugo o itim na malagkit (kapareho ng kulay ng giniling na kape) kapag nagsusuka kayo?
MD: How many times have you thrown up in the past day? How many total times have you thrown up?
MD: Ilam beses ho kayong nagsuka noon nakaraang araw? Lahat-lahat po ilam beses kayong nagsuka?
MD: How many cups of blood have you thrown up? (If the patient is throwing up blood)
MD: Ilang tasa ng dugo ang isinuka ninyo? (Kung sumusuka ng dugo ang pasyente)
MD: Do you have any blood in your stool? Is it red, dark red, or does it look more black, like tar?
MD:
Meron ho bang dugo sa inyong dumi? Pula ba, madilim na pula, o mas mukha bang itim tulad ng
alkitran?
MD: How many times have you had bloody stool in the past day? How many total times have you had
bloody stool?
MD: Ilam beses ho kayong dumumi na may dugo kahapon? Lahat-lahat po ilam beses na ho kayong
dumumi nang may dugo? (mula noong kayo’y may
nararamdaman?)
MD: How many cups of blood have you had in your stool? (If the patient is having blood in the stool)
MD: Mga ilang tasa po ng dugo ang nasa inyong dumi? (Kung may dugo sa dumi ang pasyente)
MD: Do you have a fever?
MD: Mayroon ho ba kayong lagnat?
MD:
Do you have constipation or
diarrhea?
MD: Tinitibi ho ba kayo o nagtatae?
MD: How many times did you have diarrhea stool in the past day? How many total times have you had diarrhea?
MD: Ilam beses ho kayong dumumi/tumae kahapon nang malambot? Lahat-lahat po, ilam beses na ho kayong nagtae?
MD: How many cups of stool come with each episode?
MD: Ilang tasa ang itinatae ninyo sa tuwing kayo’y dumudumi?
MD: Have you had any of these symptoms before? Is it different in some way than what you are having now?
MD: Naranasan na ho ba ninyo ang mga sintomas na ito dati? Mayroon ho bang pagkakaiba ito sa nararamdaman ninyo ngayon?
MD: We need to take some blood from your vein for some tests and we need to get some X-rays (CT scan) for your abdomen.
MD: Kailangan hong kumuha ng kaunting dugo sa ugat n’yo para sa ilang pagsusuri at kailangan hong
kunan ng mga X-ray (CT scan) ang inyong tiyan.
MD: <For treatments> We need to give you some medications by mouth and through the vein.
MD:
Kailangang bigyan namin kayo ng ilang gamot na
iinumin at ng gamot na idadaan sa ugat.
MD: <For treatments> We need to give you some blood back because you have lost too much.
MD: Kailangan ho namin kayong salinan ng dugo dahil nawalan kayo ng masyadong maraming dugo.
MD: < For treatments> We will need to do an endoscopy, which is where a long camera goes down your throat to find out what is causing your disease and treat it. You will not feel any pain because we will give
you pain medications. Most people do not remember the procedure because
of the medications.
MD: Kailangan naming isagawa ang “endoscopy” kung saan ang isang tubo na may kamera ay ipapasok sa inyong bibig pababa sa lalamunan para malaman kung ano ang nagdudulot ng inyong karamdaman
at malunasan
ito. Wala ho kayong mararamdaman na sakit dahil kayo’y bibigyan
ng pampamanhid. Maraming tao ang hindi nakaaalala kung anong
nangyari dahil sa mga gamot.
MD: <For treatments> We will need to do a colonoscopy, which is where a long camera goes into your
colon to find out what is causing your
disease and treat it. You will not feel any pain because we will give
you pain medications. Most people do not remember the procedure because
of the medications.
MD: Kailangan naming magsagawa ng “colonoscopy” kung saan ang isang tubo na may kamera ay
ipapasok sa inyong puwet para malaman kung ano ang sanhi
ng karamdaman at gamutin ito. Wala ho kayong mararamdaman na sakit
dahil kayo’y bibigyan ng mga pampamanhid. Maraming tao ang hindi
nakaaalala kung anong ginawa dahil sa mga gamot.
MD: <For treatments> You need surgery on your abdomen now. The surgeon will speak with you more about this.
MD: Kailangan po n’yong maoperahan sa tiyan ngayon (sa lalong madaling panahon.) Kakausapin pa ho
kayo ng siruhano tungkol dito.
Use information also from the Chest Pain Scenario to assess for associated cardiac disease, if any.
Scenario: In-patient hospital with on-call doctor