Neurological Diseases: Stroke (hemorrhagic and embolic), Seizures, Meningitis

 
 

MD: Mr/ Mrs____________, am I pronouncing your name correctly?


Tagalog: Mr./Mrs. __________, (two ways:)


Younger or same age – Tama ba ang pagkakasabi ko sa pangalan mo?


Older/More Respectful – Tama ho ba ang pagbigkas ko ng inyong pangalan?


MD: What is the phone number of someone we can call to help translate?


Tagalog:  Ano ang numero sa telepono ng isang kakilala mo (ninyo) na puwedeng tumulong magsalin ng pag-uusap natin?


MD: The nurse mentioned to me that you had a problem with ________________. Can you tell me more about that?


Tagalog:  Sinabi ng nars sa akin na may problema ka (kayo) sa______. Puwede (po) bang ipaliwanag mo (ninyo) ito sa akin?


MD: So about the headache, point to the area of your headache.


Tagalog:  Tungkol sa sakit ng ulo, ituro mo nga sa akin kung saan. 


MD: On a scale of 1 to 10, 10 being the worst, like the pain of giving birth (if the patient is a women), how bad is your headache?


Tagalog:  Kung gagraduhan natin ang sakit, isa hanggang sampu, at sampu ang pinakamatindi (o pinakamasakit) tulad ng sakit ng panganganak (kung babae ang pasyente), gaano katindi ang sakit ng ulo mo?


MD: For how long have you had the headache?


Tagalog:  Gaano katagal nang sumasakit ang ulo mo?


MD: Did your headache start out bad, and then, over a period of minutes, hours, or even days, get even worse?


Tagalog:  Nagsimula ba ang sakit ng ulo mo na matindi at saka pagkatapos mas lumala pa pagkalipas ng ilang minuto, o mga oras, o mga araw?


MD: Does the pain from your headache move anywhere else, for example, to your neck?


Tagalog:  Lumilipat ba ang sakit ng ulo mo sa ibang bahagi ng katawan mo, halimbawa sa leeg mo?


MD: Does the headache get worse with any position, for example, lying down?


Tagalog:  May mga posisyon ba na nagpapatindi ng sakit ng ulo mo, halimbawa, kapag humiga ka?   OR Lumalala ba ang sakit ng ulo mo kung magbago ka ng posisyon, halimbawa, kapag humiga ka?


MD: Are you paralyzed or weak in one side of your body? Where? How long has this been going on?


Tagalog:  May nararamdaman ka bang panghiihina  o pagkawala ng pakiramdam sa kalahati ng katawan mo?  Saang banda (usually they will tell you sa kaliwa - left or sa kanan - right).  Gaano katagal nang nangyayari ito?


MD: Are you numb in part of your body? How long has this been going on?


Tagalog:  May namamanhid bang parte ng katawan mo?  Gaano katagal na itong nangyayari?


MD: Do you feel like throwing up?


Tagalog:  Nasusuka ka ba? / Pakiramdam mo ba parang masusuka ka?


MD: Do you feel dizzy, specifically, is the room spinning (vertigo), as if you are on a merry-go-round?


Tagalog:  Nahihilo ka ba?  Iyon bang parang umiikot ang kuwarto, iyong  para kang nakasakay sa tsubibo?


MD: Has anyone told you have had a seizure in the past?


Tagalog:  May nakapagsabi na ba sa iyo na nagkaroon ka na ng kumbulsiyon?  OR May nakapagsabi na ba sa iyo na kinumbulsiyon ka na?


MD: Did you have any urinary or fecal incontinence?


Tagalog:  May mga pagkakataon ba na tila hindi mo mapigil ang pag-ihi mo o pagdumi?


MD: Do you know if you passed out? When you regained consciousness, was your thinking normal or was it a little fuzzy? <trying to assess for post-ictal state>


Tagalog:  Alam mo ba kung nawalan ka ng malay?  Noong magbalik ang malay mo, maliwanag ba ang pag-iisip mo o parang medyo malabo?


MD: Do you have a fever?


Tagalog:  May lagnat ka ba? OR Nilalagnat ka ba?


MD: Do you have pain in your neck or back?


Tagalog:  May masakit ba sa leeg o likod mo?


MD: Have you had any of these symptoms before? Is it different in some way than what you are having now?


Tagalog:  Nagkaroon ka na ba ng mga sintomas na ito noong mga nakaraang panahon?  May pagkakaiba ba iyon sa nararamdaman mo ngayon?


MD: We need to take some blood from your vein for some tests and we need to get some X-rays (CT scan) of your brain.


Tagalog:  Kailangan naming kumuha ng kaunting dugo sa ugat mo para sa mga pagsusuri at kailangan rin naming kumuha ng mga x-ray (CT scan) ng utak mo.


(Even ordinary patients in the Philippines understand the term "x-ray" but the formal translation which is rarely used or heard in conversation is "rayos ekis")  OR  Kailangan naming........at kailangan din namin eksreyin (x-ray-in) ang utak mo.


MD: We need to get some fluid from inside your back using a long needle. It should not be very painful and I will give you some numbing medication to make sure it is not painful. We can give you more if you feel any pain. It is important during this procedure to be very still.


Tagalog:  Kailangan naming kumuha ng likido sa loob ng iyong likod at gagamit kami ng mahabang karayom upang gawin ito.  Hindi ito dapat masyadong masakit at bibigyan ka namin ng pampamanhid para masigurong hindi masakit.  Puwede rin naming dagdagan ang pampamanhid kung makakaramdam ka pa ng sakit.  Mahalagang hindi ka gagalaw habang ginagawa ito. 


MD: <IF an MRI is needed> We need to do an MRI. You will have to be in a small chamber where they can take really sharp pictures of your brain. This usually takes around 20-30 minutes and it is important to be really still. If you need any medications to help keep you calm, we can give you some.


Tagalog:  Kailangang magsagawa ng MRI.  Kailangan kang mapasok sa isang maliit na kamara kung saan maaari silang kumuha ng malinaw na malinaw na litrato ng utak mo.  Kadalasan, tumatagal ito ng mga 20-30 minutos at mahalagang hindi ka magalaw o malikot habang ginagawa ito.  Kung kailangan mo ng gamot para matulungan kang maging kalmante, puwede ka naming bigyan ng gamot. (Describes the look and shape of the machine versus “small chamber"


Kailangan din natin ng isang espesyal na X-ray. Ang tawag dito ay MRI. Ihihiga ka sa isang kama na medyo makitid sa bandang balikat mo, pero bukas sa bandang ulo at dibdib mo, upang makunan ng litrato ang utak mo. Tatagal ito ng mga 20-30 minutos at muli, napakahalagang hindi ka magalaw o malikot habang ginagawa ito. Puwede rin kitang bigyan ng gamot para hindi ka masyadong kabahan habang ginangawa natin ang pagsusuring ito.) 


MD: <For treatments> We need to give you some medications by mouth and through the vein.


Tagalog:  Kailangan ka naming bigyan ng gamot na iinumin mo at ang iba naman ay kailangang padaanin (or "iiniksiyon") sa ugat mo.


MD: <For treatments> We need to do a special procedure on you that involves placing a tube in your leg or arm that can go up to your brain and give special medications there to treat your disease.


Tagalog:  Kailangan naming magpasok  ng espesyal na tubo sa binti o braso mo upang makapagpadaan kami ng espesyal na gamot patungo sa utak mo upang magamot natin ang sakit mo.


MD: <For treatments> You need surgery on your brain now. The surgeon will speak with you more about this.


Tagalog:  Kailangan mo ng operasyon sa utak mo ngayon.  Kakausapin ka ng siruhano para maipaliwanag sa iyo ang gagawin niya. / Kakausapin ka ng siruhano tungkol dito.

Home Page

 

Scenario:  Inpatient hospital with on-call doctor


Isinalin ni Leslie J. Cruz