Fever and Fatigue [Contagious Diseases]

[Lagnat at Pagkahapo (Mga Nakakahawang Sakit)]

 
 

MD: How can I help you today, Mr./ Mrs. ____________?

Ano pong maitutulong ko sa inyo?


Pt: I have been feeling really tired lately.

Madali po akong mapagod ngayon.


MD: How long has this been going on?

Gaano na katagal itong nangyayari?


MD: What are your other symptoms?

Ano pa po ang ibang nararamdaman ninyo?/

<For child> Ano pa ang ibang nararamdaman mo?


MD: Have you had any chest pain or coughing? Difficulty breathing? Pain in your abdomen? Pain when

you urinate? Any blood in your urine or stool? Diarrhea or constipation? Weight loss or weight gain?
Nakaramdam ka ba ng sakit sa dibdib mo o umuubo ka ba? Nahihirapan ka bang huminga? May

masakit sa iyong tiyan? Masakit ba kapag umiihi ka? May dugo ba sa ihi o sa tae mo? Nagtatae

o matigas ang tae o tinitibi? Nangangayayat o bumibigat ang timbang?


MD: Have you had any new wounds or punctures? (thorn puncture, nail puncture, bites)

May mga bagong sugat ka ba? (galing sa tinik, pako, mga kagat)


MD: What are the activities that you are normally able to do that you are unable to do now? (flights of stairs, distance walked).

May mga ginagawa ka ba noon na hindi mo nagagawa ngayon? (Pagakyat ng hagdanan,

malayong nilalakad).


MD: Have  you had any fevers? Did you take your temperature with a thermometer or did you

(just) feel hot?

Nagkaroon ka ba ng lagnat? Kinuha mo ba ang temperatura mo sa pamamagitan ng termometro o naramdaman mo lang na mainit ka?


MD: How high have the temperatures been?

Gaano kataas ba yung mga temperatura mo?


MD: Have you noticed yourself feeling cold or shaking?

Nalalamig ka ba paminsan-minsan o nanginginig?


MD: Do you find it difficult to think clearly? Are you always sleepy?

Nahihirapan ka bang mag-isip nang malinaw?  Parati ka bang inaantok?


MD: Do you usually have these symptoms? <For example, having a fever every 6 hours.>

Parati mo bang nararamdaman itong mga sintomas na ito? <Halimbawa, may lagnat kada anim na

oras?>


MD: Have you traveled outside the area lately?

Nagbiyahe ka ba sa ibang lugar kamakailan?


MD: Have you had any bug bites lately, particularly ticks or mosquitoes?

May mga kagat ka ba ng surot nitong nakaraan, sa partikular ng mga pulgas o ng mga lamok?


MD: Do you have any pets?

Meron ka bang mga alagang hayop?


MD: Have you eaten any new foods?

Kumain ka ba ng mga pagkain na hindi mo dating kinakain?


MD: Do you know anyone who is sick? Have you been with that person lately? Do they have

symptoms similar to yours? What are they?
May mga kilala ka bang may sakit? Nakasama mo ba yung taong yun kamakailan?

May mga sintomas ba sila na kagaya ng mga sintomas mo? Ano-ano?


MD: Have you experienced anything like this before? If yes, how is this episode different?

Did you see a health professional for this? What was the disease that you were diagnosed with last time?

How were you treated (medications)?

Narandaman mo na ba ito dati? Kung oo, anong pagkakaiba sa ngayon? Nagpatingin

ka ba sa tagapagalaga ng kalusugan para rito? Ano ang nadayagnos na sakit mo noon?

Paano ka ginamot (mga gamot)?



Home Page

 

Isinalin ni Kathleen Cruz