Ang Kahulugan ng mga Balikbayan Box sa mga Pamilyang Pilipino


Ipinapadala ng Pilipinas ang maraming mga manggagawang Pilipino sa buong mundo. Umaalis ang


mga Pilipino na trabahador patungo sa ibang mga bansa kahit na may pamilya sila sa Pilipinas. Ginagawa


nila ito dahil lubhang mahirap ang buhay sa Pilipinas, at wala silang mahanap na trabahong makakatustos sa


kanilang mga pangangailangan sa lipunang iyon.


Ayon kay Rhacel Parreñas, isang propesor sa Unibersidad ng Brown, maraming mga pamilya sa


Pilipinas ang nagkakahiwa-hiwalay. Ang mga magulang ay nagtatrabaho sa Middle East, Estados Unidos, o


sa Asya, at naiiwan ang mga anak nila sa Pilipinas. Kahit na minamahal nila ang mga anak nila, kailangan


silang umalis para masuportahan ang kanilang mga pamilya.


Ang metodolohiya ko ay ganito. Nagtrabaho ako sa isang opisina ng balikbayan box na ang pangalan


ay “Manila Express.” Sumama ako sa mga nagmamaneho, at kinausap ko ang mga ibang kliyente ng Manila


Express. Nakaabot ako sa mga 20 pamilya sa Los Angeles. Pagkatapos ng 6 na buwan (Hulyo hanggang


Disyembre ng 2009), isang buwan ako sa Maynila (Marso ng 2009) para mag-interbyu sa mga tao na


tumatanggap ng mga kahon. Nag-interbyu rin ako sa mga ibang pamilya doon—sa kabuuan, napuntahan ko


ang 14 na pamilya sa Pilipinas.


Dahil sa pagkakawalay nila, nagpapadala ang mga imigrante ng balikbayan box sa mga kamag-anak


nila. Ginagawa nila ito para mas bumuti ang buhay ng mga pamilya nila sa Pilipinas. Pero medyo iba ang


kahulugan ng balikbayan box sa isip ng mga nagpapadala at ng mga tumatanggap.


Para sa mga imigranteng Pilipino, ang pagpapadala ng kahon ay isang simbolo na mabuti ang


desisyon nila na paglipat sa ibang bansa. Mahirap ang paghiwalay sa pamilya, at kailangan ng isang


mabuting dahilan kung aalis sila sa Pilipinas at iiwanan ang pamilya. Sa aking pananaliksik dito sa Amerika,


nakita ko ang maraming mga Pilipino na napapangiti sa pagbibigay ng balikbayan box sa akin. Halimbawa,


may isang matandang nars na nagpadala sa anak niya ng kahon. Ang pangalan niya ay Marie Castillo. Heto


ang ilang sipi mula sa pananaliksik ko:


Maraming mga damit at ibang mga gamit sa kama. Kinuha ni Marie ang mga gamit at inilagay niya sa dalawang balikbayan box kahit na puno na. Umupo siya sa ibabaw ng kahon at tumalon siya sa ibabaw ng mga gamit. Kung pagmamasdan mo ang mukha ni Marie, parang bata siya na tumatalon sa kama. Talagang masaya siya sa pagpapadala nitong mga gamit sa anak niya.


Samantala, sa pananaliksik ko naman sa Pilipinas noong nakaraang Marso ng 2009, iba naman ang


pakiramdam ng mga tumatanggap ng balikbayan box. Sa isip nila, ang kahulugan ng mga kahon ay iba.


Sinasabi sa akin ng mga pamilya sa Pilipinas na yung balikbayan box ay simbolo na hindi sila


nakakalimutan ng mga kamag-anak nila na nasa ibang bansa. Alam nila na kahit wala na ang kamag-anak sa


bahay nila, nasa puso pa rin sila araw-araw kahit nasa ibang bansa na ang kamag-anak nila. Sinabi sa akin ni


Freddy Garcia, isang trabahador sa isang restawran sa Makati, “Alam ko na mahal na mahal ako ng Daddy


ko kasi nagpapadala siya ng mga gamit para sa akin, at para sa mga anak ko.” Kahit na nagkahiwalay silang


mag-ama noong bata pa si Freddy, malapit pa rin ang relasyon nila dahil sa balikbayaan box.


Kahit na Spam o damit ang nasa loob ng mga balikbayan box, hindi talagang gamit lang ito. Simbolo


ito ng pag-ibig ng mga imigrante sa mga kamag-anak nila na nasa Pilipinas. Nagkahiwalay nga sila, pero


magkaugnay pa rin, kasi may koneksyon sila sa anyo ng balikbayan box.


 

Balikbayan Box.

 
Home Page