Mula sa UCLA

 

Ang Aking Bayani

Sinulat ni Vanessa Houseman

           Ang aking bayani ay si Michael Jon Houseman. Si Michael ay tatay ko. Siya ay napakagaling na tatay sa mundo. Tinuruan niya ako kung paanong mamingwit. Ibinili niya ako ng unang Nintendo system ko. Siya ay magaling na asawa ng nanay ko. Nagsasayaw lagi sila ng nanay ko sa kusina. Siya ay matalino, malakas, at maalaga. Tinutulungan niya ako palagi sa mga gawaing bahay ko. Ang aking tatay ay bayani ko kasi siya ang pinakamatapang na tao na kilala ko.

[English Translation]

               My hero is Michael Jon Houseman. Michael is my dad. He is the best dad in the world. He taught me how to fish. He bought me my first Nintendo system. He was a great husband to my mom. He always danced with her in the kitchen. He is smart, strong, and caring. He always helped with my homework. My dad is my hero because he is the strongest person I know.




Ang Matalik kong Kaibigan

Sinulat ni Azsa Manio

Si Farrah Moos ang aking matalik na kaibigan.  Nagkakilala kami ni Farrah sa hayskul.  Noon, lumipat siya mula sa India at tumira siya malapit sa akin.  Matiyaga siyang makinig.  Nandoon siya parati para makinig tuwing may problema ako at kailangan ko ng pangaral  kahit na nasa Berkeley na siya.  Siya ay marunong at matatag.  Maasikaso siya sa kapwa.  Hinahangaan ko siya kasi determinado siyang tulungan ang mga mahihirap na bansa.  Tumulong siyang magplano ng “Stand Up Against Poverty” sa UC Berkeley.  Masigasig siya sa lahat ng gawain niya, mula, sa pagsaklolo sa daigdig at pagiging kaibigan ko.

[English Translation]

My hero is my best friend Farrah Moos.  We met when we were both in high school.  She had moved from India then and lived up the street from me.  She is a good listener.  She is always there to listen when I have problems or need advice, even though she moved to Berkeley.  She is very intelligent and strong-willed.  She is also very caring of other people.  I admire her because she is determined to aid underdeveloped countries.  She helped plan an event called Stand Up Against Poverty at UC Berkeley.  She is very passionate in everything she does, from saving the world to being my friend.




Si Sonic the Hedgehog

Sinulat ni Carlo Bugayong

            Ang aking kathang-isip na bayani ay si “Sonic the Hedgehog.”  Pandak siya pero malakas at matalino.  Si Sonic ay isang hayop.  Asul ang balat niya.  Ang isang kaanib niya ay si Tails.  Nilalabanan nilang dalawa ang krimen, tulad ng terorismo.  Gusto ko siya dahil siya ay atletiko at listo.  Mabait siya at alam niya ang tama at mali.  Gusto ko siya dahil siya ay tapat at may dedikasyon.  Puwede siyang tumakbo nang mabilis.  Iyan si Sonic the Hedgehog, ang aking kathang-isip na bayani.

[English Translation]

            My fictional heroine is Sonic the Hedgehog.  He is short in stature but he is strong and intelligent.  Sonic is an animal.  His skin is blue.  Tails is his partner.  The two of them fight crime, like terrorism.  I like him because he is athletic and clever.  He is good because he knows right from wrong.  I like him because he is loyal and has dedication.  He can run fast.  That is Sonic the Hedgehog, my fictional hero.




Heto na si Captain Planet

Sinulat ni Sheryl Parsons

            Ang aking fictional na bayani ay si Captain Planet.  Siya ay nagliligtas sa buong daigdig mula sa polusyon.  Siya ay masaya, matapang, at magiting.  Siya ay may kasamang grupo na ang tawag ay “Planeteers.”  Sila’ y mga bata at puno ng pananabik.  Si Captain Planet ay aking bayani kasi gusto kong magligtas sa buong daigdig.  May malasakit siya para sa planeta.  Nagtuturo siya sa mga bata ng tungkol sa mga bagay na makakasama sa kapaligiran.  Gugustuhin din nilang magligtas ng buong daigdig.  Siya ay nagbibigay inspirayson.

[English Translation]

            My fictional hero is Captain Planet.  He saves the whole world from pollution.  He is cheerful, courageous, and heroic.  He has a group to help him called the “Planeteers.”  They are young and eager.  Captain Planet is my hero because I want to save the whole world.  He cares about the planet.  He teaches children about environmental hazards.  They will want to save the world too.  He is an inspiration.




Ang Aking Bayani: Kanye West

Sinulat ni Emily Bautista

           Si Kanye West ang bayani ko.   Si Kanye West ang aking bayani kasi   isang matalinong manunugtog at artista siya.  Si Kanye West ang aking bayani kasi isang maunlad na producer at rapper siya.  Tagagawa siya ng mga beats para sa mga rapper at manganganta sa United States.  Hindi siya nagtapos ng kolehiyo at ngayon ay milyunaryo siya!  Nais kong magkaroon ng talino sa musika kaparis niya.  Si Kanye West ang aking bayani dahil dito.


Ang Avatar na si Aong

Sinulat ni Charlene Shin

Ang aking fictional na bayani ay si Aang.  Avatar si Aang.  Batang lalaki siya.  Mababa siya pero malakas at matalino.  Ipinanganak siya para i-save ang mundo.   May lakas ng Lupa, Hangin, Tubig at Apoy siya.  Siya ay tanging tao na merong lahat ng apat na lakas.  Ginagawa niyang balanse ang apat na bansa.  Ang mga bansa ay Lupa, Hangin, Tubig, at Apoy.  May mga kaibigan si Aang.  Sama-sama silang lumalaban sa mga makakasalanang tao.  Mabait siya.  Siya ay mapagbigay.  Batang lalaki si Aang kung kaya gusto niyang maglaro.  Si Aang ay aking bayani dahil isa siyang ulirang bata.  Mayroon siyang lakas at malaking responsibilidad na iligtas ang mundo.

[English Translation]

            My fictional hero is Aang.  Aang is an Avatar.  He is a little boy.  He is short but he is strong and intelligent.  He was born to save the world.  He has the power of Earth, Air, Water, and Fire.  He is the only person that has all 4 powers.  He keeps balance within four nations.  The nations are of Earth, Air, Water, and Fire.  He has a group of friends.  Together they fight evil people.  He is nice.  He is generous.  He is a little boy so he likes to have fun.  Aang is my hero because he is a model child.  He has a lot of responsibility and power to save the world.




Ang Bayani Ko

Sinulat ni Ashley Pulido

            Ang aking mga tunay na bayani ay ang aking mga magulang. Sila ay parehong ipinanganak sa Pangasinan, Pilipinas. Noong 1986 sila lumipat sa Estados Unidos upang magpakasal at magkaroon ng isang mas mabuting buhay. Buong buhay ko, nagpakasakit sila para  sa ikabubuti ng aking kapakanan at tinuruan nila ako ng magagandang halagahin at pag-uugali. Ang aking mga magulang ang aking mga bayani dahil masikap sila sa trabaho nila at inaalala pa rin nila ang aming mga kapamilya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta. Nagmamalasakit din sila sa aking tagumpay sa buhay at lagi nila akong tutulungan na matamo ito. Sila ang pinakamapag-alagang mga taong kilala ko. Iyan ang mga dahilan kung bakit ang aking mga magulang ang aking mga bayani.

[English Translation]

       My real heroes are my parents. They were both born in Pangasinan, Philippines. In 1986 they moved to the United States to get married and for a better life. All my life they sacrificed for my well-being and taught me good values and morals. My parents are my heroes because they work hard and still care for our family in the Philippines by giving support. They also care about my success in life and will always help me with that. They are the most supportive people I know. That is why my parents are my heroes.




Ang Bayani ng Ate Ko

Sinulat ni Lorenzo Perillo

           Si Ate Sherry ang kapatid ko.  Ang fictional na bayani niya ay si Superman.  Ipinanganak siya sa Krypton pero nakatira siya sa Metropolis.  Siya ay malakas, matalino at magaling.  Tumutulong siya sa mga mahihirap. Asawa niya si Lois Lane.  Clark Kent ang ibang pang pangalan niya.  Mabait siya dahil inaalagaan niya ang mundo.  Grupo niya ang “Superfriends.”  Sila ay lumalaban sa krimen.  Si Superman ay aking bayani din dahil ang dami niyang kapangyarihan.  Lumilipad siya at mabilis at magpakumbaba siya.  Iyan si Superman, ang bayani ng Ate ko.

[English Translation]

Ate Sherry is my sibling.  Her fictional hero is Superman.  He was born on Krypton but lives in Metropolis.  He is strong, intelligent, and an excellent person.  He helps those in need.  His spouse is Lois Lane.  Clark Kent is his other name.  He is good because he takes care of the world.  His group is the Superfriends.  They fight terrorism.  Superman is my hero too because he has many powers.  He flies and is fast and humble.  That is Superman, my older sister’s hero.




Ang Bayani ng Aking Nanay

Sinulat ni Crystal Maranan

           Ang bayani ng aking nanay ay si Dorotea Lajeras. Noong ika-20 ng Setyembre, 1920, ipinanganak siya sa San Antonio, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang nanay ng aking nanay. Siya ay nagkaroon ng siyam na anak at may-ari ng isang lokal na merkado ng karne sa Cabanatuan. Asawa niya si Carlito Lajeras. Mahirap lamang sila subalit siya ay laging masipag at matatag. Ang aking lola ay istrikto, at siya ay nagturo sa aking nanay ng maraming liksiyon. Siya ay mabait at mapagmahal. Inalagaan niya ang kanyang mga anak sa Pilipinas. Si Dorotea ay isang bayani kasi kahit na ang kanyang asawa ay namatay, siya ay nagtrabaho sa merkado buong buhay niya para masuportahan ang kanyang pamilya sa loob ng maraming taon. Ang mga kaibigan at mga kamag-anak niya ay humanga kay Dorotea at ang kanyang pagsusumikap.

[English Translation]

            The hero of my mother is Dorotea Lajeras. On September 20, 1920, she was born in San Antonio, Nueva Ecija, Philippines. Dorotea is the mother of my mother. She had nine children and she owned a local meat market in Cabanatuan. Her husband is Carlito Lajeras. They were poor but she was always diligent and strong. My grandmother was very strict and taught my mother many lessons. She was kind-hearted and loving. She cared for her children in the Philippines. She is a hero because even though her husband died, she worked in the market her whole life and continued to support her family for many years. Many friends and relatives admire Dorotea and her hard work.




Ang Lugar na Gusto Kong Mapuntahan

Sinulat ni Allen Vincencio

Sa darating na Hulyo, gusto kong pumunta sa Palawan. Gusto kong pumunta d’on kasama ng pamilya ko. Bago ako pumunta ng Amerika, ang pamilya ko ay pumunta sa Palawan para magbakasyon.

            Napakaganda ng Palawan. Meron dong maliliit na mga isda at ang tubig ay malinis. Meron ding madaming magagandang babae. Ang pagkain doon ay masarap. (Magbigay ng halimbawa ng pagkain.) Pupunta ako doon para makalangoy ako sa malinis na tubig ng dagat. . Hindi ko lang gusto ang presyo ng tiket sa eroplano.

[English Translation]

            This coming July, I want to go to Palawan. I want to go there with my family. Before I came to America, my family went to Palawan for vacation.

            Palawan is very beautiful. There are little fishes and the water is clean. Also there are a lot of pretty girls. The food there is delicious. I want to go there so I can swim. I just don’t like the price of the ticket of the airplane.




Ang Lugar na Gusto Kong Mapuntahan

Sinulat ni Selina Sarno

Sa tag-init ng taong ito, gusto kong magbakasyon sa Pilipinas. Ang lugar nag mas gusto ko puntahan ay ang Tagaytay. Nakarating na ako sa Tagaytay noong Marso 2007, at natatandaan ko na maganda at mahiwaga ang lugar na ito. Siyempre gusto kong bumalik doon. Masarap mamasyal doon kasi malamig ang klima at maraming pwedeng gawin. Gusto kong makita ang Taal Volcano at mamangka sa Taal Lake. Gusto ko rin kumain sa mga restawran sa Tagaytay Highland at sumakay ng mga kableng kotse sa taas ng bundok. Sabi ng Nanay ko, pwede rin sumakay ng kabayo sa mga parke para talagang makita ang bayan. Maganda rin tingnan ang mga halaman sa Tagaytay at berdeng-berde ang mga bundok. Noong buhay pa ang lolo ko, nagtayo siya ng bahay sa Amadeo na malapit sa Tagaytay. Gumawa siya ng isang bahay-bakasyunan at ibinigay niya ito sa mga anak niya bago siya namatay. Sabi ng nanay ko malaki ang lupa sa Amadeo at mayroong maraming punong kakaw at tanim na piña. Ayaw ng nanay kong pumunta doon kasi noong huli niyang punta, may nakita siya nakakatakot at akala niya na dinadalaw siya ng multo ng lolo ko. Hindi ako takot kaya gusto ko pa ring tumigil doon para mamahinga at makatakas sa lungsod.

[English Translation]

During the summer of this year, I want to go on vacation in the Philippines. The place I want to visit is Tagaytay. I went to Tagaytay in March 2007 and I remember that this place was beautiful and mysterious. Of course I would want to go back. It feels good to visit there because the weather is cold and there is a lot of things to do over there. I want to see Taal Volcano and go boating at Taal Lake. I want to eat at the restaurants at Tagaytay Highland and ride the cable cars at the top of the mountain. My mom said you can also ride the horses at the parks so that you can truly see the area. The plants in Tagaytay are also very beautiful to look at and the mountains are so green. When my grandfather was still alive, he built a house in Amadeo which is near Tagaytay. He made this a vacation house and he gave it to his children before he passed away. My mom said that there is a lot of land at Amadeo and there are many cocoa trees and pineapples. My mom doesn’t like to go there because the last time she went, she saw something scary and she thought that my grandfather’s ghost was visiting her. I’m not scared, so I would like to stay there and rest and escape from the city.




Ang Lugar na Gusto Kong Mapuntahan

Sinulat ni Charlene Shin

            Gusto kong magpunta sa Pilipinas sa tag-araw. Gusto kong magpunta sa Maynila kasi ito ang kapital nito. Marami akong gustong gawin doon. Gusto kong mag-shopping at magpunta sa pamilihan ng Glorietta. Gusto kong magpunta sa maraming restoran at tikman ang maraming pagkaing Pilipino. Gusto kong kumain ng sariwang manggang Pilipino at ng pan de sal. Tropikal ang panahon doon. Malagihay at maulan. Hindi mahal ang pagkain at bisi doon. Isang hindi mabuting katangian ng Maynila ay may masamang trapiko doon. 

[English Translation]

            I would like to visit the Philippines during the summer. I want to visit Manila because it is the capital. There are many activities I would like to do there. I want to go shopping and visit the Glorietta mall. I want to visit many restaurants and try many different Filipino foods. I want to eat fresh Filipino mangoes and “pan de sal.” The weather there is tropical. It is humid and rainy. The food there is not expensive and the city is busy. One bad thing about Manila is that there is bad traffic.




Halowin sa Amerika, Araw ng Patay sa Pilipinas

Sinulat ni Samantha Cajucom

               Kapag Halowin sa Amerika, nagko-costume ang mga bata para maging ibang nilalang.  Ang mga ina, kasama ang kanilang mga maliliit na anak ay nagti-”trick or treat” sa mga bahay-bahay.  Ang mga kapitbahay ay  namimigay ng kendi.  May mga taong gumagawa ng pinagmumultuhan na bahay para sa Halowin.  Ang pinagmumultuhan na bahay ay lubhang nakakatakot.  Minsan, nagko-costume ang mga matatanda at tinedyer dahil gusto rin nilang magsaya.  Nag-uukit ang mga pamilya ng pumpkin para sa pandekorasyon. 

            Sa Pilipinas naman, ito ay “Araw ng mga Patay.” Sabi ng nanay ko, nagsisindi ang pamilya niya ng kandila at nagdarasal para sa kaluluwa ng mga namatay.  Nagkakainan ang mga tao kasama ang kanilang pamilya.  Minsan, naglilinis ang pamilya ng nanay ko ng puntod.  Sa Amerika at Pilipinas, kapwa masaya ang selebrasyon ng huling araw ng Oktubre.”

[English Translation]

            When it is Halloween in America, children wear costumes to become another creature. Mothers go trick-or-treating with their children in their neighborhood.  The neighbors give candy.  There are people who do haunted houses for Halloween.  Haunted houses are very scary.  Sometimes, adults and teenagers dress in costume also because they they like to have fun.  Families decorate pumpkins for decoration. 

            In the Philippines, it is the “Day of the Dead.” My mom said that her family lights candles and prays for the souls of the dead.  People eat with their families. Sometimes, my mother’s family cleans the tombstone.  In America and the Philippines, both enjoy celebrating the last day of October.




Halowin sa Amerika, Araw ng Patay sa Pilipinas

Sinulat ni Carlo Bugayong

            Kapag Halowin sa Amerika, nagko-costume ang mga Amerikano para maging ibang nilalang.  Nagti-“trick or treat” ang mga bata sa gabi.  Nagpupunta ang mga bata sa mga kapitbahay at humihingi ng kendi.  Nag-uukit rin ang mga tao ng pumpkin.  Nagtatakutan sila para maging masaya.

Sa Pilipinas naman, ito ay ‘Araw ng mga Patay.’  Naglilinis ang mga pamilya ng puntod.  Nagdadala sa sementeryo ang mga tao ng bulaklak.  Nagdadala sa sementeryo ang ilang tao ng mga silya para may maupuan habang nagdadasal.  Nagdarasal para sa kaluluwa ng mga namatay ang mga pamilya ng namatay.  Sa ‘Araw ng mga Patay,’ nagre-reunion ang pamilya ng nanay ko.

Sa Amerika at Pilipinas, kapwa masaya ang selebrasyon ng huling araw ng Oktubre.

[English Translation]

            To celebrate Halloween in America, Americans wear costumes to become a different creature.  The kids “trick or treat” at night.  The kids go around the neighborhood and ask for candy.  The people also carve pumpkins.  They scare each other for fun.

In the Philippines, this is the ‘Day of the Dead.’  The families clean the tombs.  The people bring flowers to the cemetary.  Some people bring chairs to the cemetery to sit and pray.  The families of the dead pray for the souls of the dead.  On the ‘Day of the Dead,’ my mom’s family has a reunion.

In America and the Philippines, they both enjoy celebrating the last day of October.




Halloween: Araw ng mga Patay

Sinulat ni Gregory Cendana

Sa Pilipinas at Sa Amerika, ang Araw ng mga patay ay ika-31 ng Oktubre.

Sa Pampanga, Pumuupunta ang mga tao sa sementeryo para mag-alay ng respeto. Sa sementeryo, nagsisindi sila ng mga kandila at nagdadasal. Pagkatapos, naglalakad sila sa sementeryo para bisitahin ang mga kamag-anak at kaibigan. Meron ding handaan sa bahay.

Sa Amerika, nagti-treat or trick at nagko-costume ang mga bata. Pagkatapos, Kumakain ang mga bata ng kendi. Naglalasing ang mga nag-aaral sa unibersidad at nagpaparty ang mga tao.

Maski pareho ang okasyon, ba ang paraan ng selebrasyon sa Pilipinas.


Halowin at Araw ng mga Patay

Sinulat ni Laika Roy

            Sa Amerika ang mga tao ay nagsusuot ng hindi pangkaraniwang kasuotan pag sumasapit ang Halowin. Mayroong mga “trick or treating” sa gabi. Ang mga bata ay pumupunta sa mga bahay-bahay at sila ay binibigyan ng mga kendi o tsokolate! Ang mga kostyum nila ay mga anghel at mga mumu at mga kartun karakter sa mga komiks. Gusto ng mga kabataang mag-party sa mga bahay nila.

Sa Pilipinas ang kanilang sineselebra ay  araw ng mga patay sa ika-1 ng Nobyembre. Sabi ng mga magulang ko, sila ay nagsisimba sa araw na iyon at pagkatapos ay tumutuloy sila sa sementeryo. Nagsisindi sila ng mga kandila at nag-aalay ng bulaklak sa pantiyon. Pag alas-singko na ng hapon ang pari ay binabasbasan ang mga puntod. At pagkatapos umuuwi sila at kumakain.

[English Translation]

            In America they wear costumes to celebrate Halloween. There is trick-or-treating at night. The kids go around the houses and they get candies and chocolates! The costumes they wear are: angels, monsters, cartoon characters or from the comic books. The teenagers likes to party at their houses.

In the Philippines they celebrate All Souls Day on November 1. My parents told me that they go to mass on that day and afterwards go to the cemetery. They light candles and place flowers on the tombs. At 5:00pm the priest goes around and blesses the tombs. When they are done, they go home and eat.




Halowin at Araw ng mga Patay

Sinulat ni Vanessa Houseman

Noong ang aking nanay ay bata pa, pumupunta siya sa sementeryo upang bisitahin ang mga minamahal na patay at para maglinis sa paligid ng mga libingan sa Araw na Mga Patay. Hindi niya nakasanayan ang kostumbre ng mga Katoliko dahil ang kanyang ama ay isang pari ng isang Baptist Church. Karamihan sa mga tao sa Pilipinas ay gumagawa ng maraming kakanin at iba pang mga pagkain at dinadala nila ito sa sementeryo at doon sila kumakain sa tabi ng libingan ng kanilang mga minamahal. Nagpupunta ang mga tao sa bahay-bahay na kanilang nadaraanan  at ang mga tao  ay nagbibigay sa kanila ng ilang makakain. Hindi niya nakita ang mga taong nagkokostyum. Sa palagay niya hindi pa lang alam ng mga tao ang tungkol sa pagsusuot ng costume.

[English Translation]

            When my mom was still young, she used to go to the cemetery to visit loved ones that were dead and to clean around the graves. She didn’t practice like the Catholics do because her dad was the pastor of a Baptist Church. A lot of people in the Philippines made a lot of rice cakes and other food and brought it to the cemetery and ate there by the graves of their loved ones. People went house to house on their way home and people gave them something to eat. She didn’t see people dressing up then. She thinks they just didn’t know about costumes yet. 




Kabilang Buhay

Sinulat ni Kathleen Cruz

Hindi ako sigurado kung may kabilang buhay pagkatapos sa buhay nating ito. Paminsan-minsan, hindi ko gustong mag-isip tungkol sa kabilang buhay kasi natatakot ako sa mangyayari “what happens.” Gayunman, naniniwala ako sa Diyos at alam ko na kung may pananalig ako, mapapabuti ang lahat.

Sa opinyon ko, sobrang interesante ang mga paraan ng iba’t-ibang kultura para sa paglilibing nila ng kanilang mga patay. Halimbawa, sa mga tao ng Gresya noong unang panahon, naglalagay sila ng mga barya sa mata ng patay.  Naniniwala sila na magagamit ng patay itong barya sa kabilang buhay para pambayad sa bangka sa lugar ng mga kaluluwa. Samakatuwid, pinaka-importante ang paglalagay  ng barya sa mata ng patay. Kung hindi nila ito gagawin para sa patay, naniniwala silang hindi puwedeng makapasok ang patay sa lugar ng mga namatay. At hindi mapapayapa ang kanilang kaluluwa magpakailanman.




Naiisip tungkol sa Kabilang Buhay kapag Ako’y Nalulungkot

Sinulat ni Fernalie Aranzazu

Kahit na dapat ipagdiwang ang buhay ng namatay, nalulungkot pa rin ako tuwing iniisip ko ang pagpunta sa kakabilang-buhay. Marami kasi ang naiiwan at mas maganda kung walang namamatay dahil lahat ay puwedeng magsama-sama sa mundo. Wala nang malulungkot kapag sila ay naiwan ng kanilang mga mahal. Pero kapag walang namamatay, sisikip masyado ang mundo dahil dadami ang mga taong nakatira rdito. Mawawalan ng lugar ang mga sanggol na hindi pa naisisilang.

Siguro kailangang may mamatay para magkaroon ng lugar para sa mga ipanganganak. Nalulungkot ako tuwing iniisip ko ang kabilang-buhay dahil wala talagang nakakaalam kung ano ang nang yayari pagkatapos mamatay dahil walang bumabalik galing sa kabilang buhay para magsabi kung ano ang nandoon. Ang alam lang natin ay kung ano langu-ano man ang sinasabi ng iba tungkol ditosa kabilang-buhay at batay sa mga kuwento sa atin ng ating mga magulang. Siguro natatakot akong harapin ang kabilang-buhay dahil hindi ako sigurado kung ano ang naroonsa kabilang-buhay. Nakita ko rin kung paano malungkot ang aking mga magulang noong namatay ang kanilang magulang at ilba sang kapatid nila. Ayaw kong mangyari sa akin ang nangyari sa kanila. Ayaw kong malungkot kapag ako ay iniwan nila. Ayaw kong maiwan. Siguro nagiging makasarili ako dahil masgugustuohin kong mauna akong mamatay kaysa sa aking mga magulang para sila ang maglilibing sa ‘kin sa halip na sila ang ililibing ko. Alam ko na masasaktan sila kung ito ang mangyayari kaya hindi ako sigurado kung ano talaga ang gusto ko.


Kabilang Buhay

Sinulat ni Frances Javier

Hindi ko masyadong pinag-iisipan ang kabilang buhay o ang kamatayan. Para sa akin, ang pagkamatay ay parte ng buhay na hindi maiiwasan. Hindi ako masyadong nakikisunod sa kung ano-anong pamahiin. Ang pinaniniwalaan ko lang ay kapag namatay ang tao, lalo na kung sila ay nagkasakit ng matagal, nasa mabuting lugar na sila dahil tapos na ang kanilang pagdurusa dito sa mundo. Ganito ang aking pag-iisip kaya hindi ako masyadong nalulungkot o naghahagulgol. Pero ang kalungkutan ay damadating pagkatapos ng ilang linggo o ilang buwan. Pagkatapos ko umiyak ng isang beses, okey na dahil lumabas na ang kalungkutan ko. Sabi ng nanay ko, wala daw akong puso. Ang sabi ko naman ay mas mabuti nga para kung naging doktor na ako, hindi ako maaapektohan masyado ng kada pasyenteng mamamatay. At meron akong puso! Hindi ko lang pinapakita ang mga emosyon ko palagi.


Santa Claus vs. Hesus

Sinulat ni Kathleen Cruz


Kung iisipin natin kung sino ang higit na ipinagdiriwang sa Pasko, maiisip natin si Santa Klaus at si Hesus.  Pero maraming tao dito sa Amerika ang nakakalimot kung saan  talaga nagsimula ang Pasko. Sa mga Kristiyano, araw ng kapanganakan ni Hesus sa Bethlehem ang Pasko.  Pero ngayon, talagang bahagi na ng kulturang Amerikano ang Pasko, at maraming tao na ipinagsasaya ang Pasko dahil sa tradisyon lang o sa panahon at mga regalo. 

Katulad ni Hesus, si Santa Klaus ay may kaugnayan sa relihiyon noon pero hindi na ngayon.   Saint Nicholas ang pangalan niya noon, at naging Santa Klaus ngayon.  Puwedeng maniwala ang lahat ng tao kay Santa Klaus kasi hindi nakadepende sa paniniwala o relihiyon ang pagkatao niya..  Pero para kay Hesus, kailangan ng mga taong maniwala sa Kristiyanismo para maintindihan at maniwala sa Kanya.  At saka, tumitigil ang paniniwala kay Santa Klaus ang karamihan ng tao pagkatapos ng kabataan dahil alam nila na hindi tunay si Santa Klaus.  Pero, dahil naniniwala ang mga Kristiyano kay Hesus, palaging pinaaalala nito sa mga tao kung  saan nagmula ang Pasko. 

Kahit na may maraming pagkakaiba sa pagitan ni Hesus at ni Santa Klaus, may marami ring pagkakatulad ang dalawa.  Halimbawa, ang kapanganakan ni Hesus at ang panahon ng pagdating ni Santa Klaus sa tahanan ng mga tao ay sa Pasko lang.  At saka, kapwa sina Santa Klaus at Hesus, ay nangangailangan ng maraming tao na naniniwala sa kanila para magpatuloy ang kuwento at alamat nila. 

Kahit na pinakapaborito kong panahon ang Pasko, hindi ko nakakalimutan kung saan nagsimula ang Pasko.  Dahil Katoliko ako, mahirap makalimutan ito. Ipinagdiriwang ng aming pamilya nang higit na makabuluhan ang Pasko sa pagpunta sa simbahan tuwing Pasko sa hatinggabi.  Binubuksan lang namin ang regalo pagkatapos magsimba.  Dahil naghihintay kami pagkatapos ng simba bago magbukas ng regalo, hindi naaalis sa aming isipan ang kahulugan ng Pasko.


[English Translation]

If we think of the people who are most celebrated during Christmas, we think of Santa Claus and Jesus.  However, there are may people here in America that forget where Christmas really came from.  For Christians, Christmas is the day when Jesus was born in Bethlehem.  But now, the culture is so embedded in American culture that many people out there celebrate Christmas just because it is a tradition or because they like the season and the gifts.


Like Jesus, Santa Claus is actually a person that was a religious figure but not anymore.  His name used to be Saint Nicholas, but it was changed to Santa Claus.  Everyone is able to believe in Santa Clause because it does not depend on your religion to believe in him.  On the other hand, people need to believe in Christianity before they can understand and believe in Jesus.  Additionally, most people stop believing in Santa Claus after their childhood because they know that he is not real.  However, because Christians believe in Jesus and it is a part of their religion, Jesus will always be a constant reminder of where Christmas came from. 


Even though there are many differences between Jesus and Santa Clause, there are also a lot of similarities.   For example, the birth of Jesus and the time when Santa Clause comes around to people’s houses is only during Christmas.  Also, for both Jesus and Santa Claus, there should be a lot of people who believe in them in order for their legends and the faith in them to continue.


Even though Christmas is my favorite time of the year, I do not forget where Christmas came from.  Because I am Catholic, it is hard for me to forget this.  Our family make Christmas more meaningful by going to church every Christmas at midnight.  Only after we go to church can we open presents.  Because we wait until after church to open presents, we are reminded of where Christmas came from.



Santa Claus vs. Hesus

Sinulat ni Fernalie Aranzazu

Walang kinalaman si Santa Claus kay Hesus dahil si Santa Claus ay simbolo ng kapitalismo.  Si Hesus ay simbolo ng kapayapaan at pagmamahalan.  Dati si Santa Claus ay simbolo ng kabaitan sa mga mahihirap at mababait.  Pero ngayon si Santa Claus ay isa sa dahilan kung bakit nagging komersiyal  ang Pasko.  Kapag naiisip si Santa Claus, ang mga bata ay ini-isip na bibigyan sila ng maraming mga laruan.  Iba ito sa mensahe ni Hesus.  Si Hesus ay mapagpatawad.  Kahit na makasalanan ang tao, mahal pa rin niya tayo.  Isinakripisyo niya ang sarili niya para mapatawad ng Dyos ang mga kasalanan nating mga tao.  Dahil sa pagiging komersiyal ng Pasko, wala akong kaugnayang nakikita kay Santa Claus at kay Hesus.

Naiintindihan ko kung bakit naging simbolo ng Pasko si Santa Claus.  Alam ko na importanteng magbigayan ang mga tao, lalo na sa mga araw ng Pasko.  Pero para sa akin, mas magandang simbolo ng Pasko si Hesus kaysa kay Santa Claus dahil si Hesus ay hindi namimili ng tao na pagbibigyan samantalang si Santa Claus ay namimigay lang sa mabait.  Tinuturuan niya tayo na maging mabait sa lahat hindi lang doon sa mababait sa atin.

UCLA