Ibang Paaralan
Ibang Paaralan
Ang Usap-usapan tungkol kay Scheherazade
ni Ramon C. Sunico
isinalin galing sa Ingles nina Mary Rose dela Cruz, Leila Lagundino, Erica Tuyay, at Jovanie dela Cruz
Siya ang bagong asawa ng Sultan.
Bagamat walang nakakakita sa kanya, yaong mga nakaririnig ay di siya malilimutan. Mapangalaw ang boses niya gaya ng unang patak ng ulan sa tag-araw na gumigising sa iyo sa hangganan ng maalinsangang gabi.
Mapanglaw ang boses niya at nakakakalma.
Hindi malilimutan ng mga nakaririnig ang walang wakas na ganda ng kanyang pangangatha; ang walang hanggan, marupok na kathang isip na nag-uudyok sa mga puso ng nakikinig bagamat di siya kilala.
Tunay nga siyang pinagpala.
Tungkol sa poon ng kanyang kapangyarihan, sabi nila'y tinubos niya ito ng malubhang lumbay, ng pasakit na higit pang matalim sa matulis na buwan. Sabi nila'y kung magsalita siya'y kasama ang pangungulila sa islang habambuhay niyang hindi na masisilayan.
Nakakalungkot isipin ang mga taong nilisan niya, ngunit magiging hunghang ang sultan kung pakakawalan siya.
Nasaksihan ko mismo ang mga bagay na ito. Narinig ko ang kanyang mga salaysay at nalugmok ako habang umaalingawngaw ang kanyang naglalahong tinig sa mga dingding ng palasyo.
*para kay Mailin
----------------------------------------------------
[English Translation]
What They Say about Scheherazade
by Ramon C. Sunico
She is the Sultan's new wife.
Though no one sees her, those who hear cannot forget. Her voice is sullen like the first rains of summer that come to wake you from the edge of a sultry night.
Her voice is sullen and it soothes.
Those who can hear her cannot forget the incessant beauty of her telling; the endless, delicate constructions that move the hearts of people who do not know her.
Truly, she is blessed.
As to the source of her power, they say her art is bought with great sadness, with pain sharper than the pointed moon. They say she speaks with great longing for the islands she has forever left behind.
It is saddening to think of her own people who have lost her. But the sultan would be a fool to let her go.
I myself have witnessed these things. I have heard her stories and wept as vestiges of her voice caromed off the walls of her palace.
*for Mailin
Mga Babaeng Natuklasan ang Pagbasa
ni Ramon C. Sunico
isinalin galing sa Ingles nina Jovanie dela Cruz, Randy Cortez, Maria Cosare, at Rochie Mamalias
Dahil hindi ito tanggap, una, kailangang isara ang bintana, ipinid ang kurtina, sa madaling sabi, magtago mula sa mga hindi sumasang-ayon sa ganitong paglalakbay na kanilang tatahakin.
Pagkatapos, doon, sa bahay ng gabing yaring-kamay, sinisindihan nila ang lampara ng kanilang mga mata, silang nagkita ngayon upang matutong bumasa.
Ang pagkunot ng noo nila ay sumasalamin sa mga paliku-likong hiwaga ng sulat. Naniningkit ang mga mata nila upang taluntunin ang pinagdaraanan ng mga sulat sa tunog ng isipang nakakakita.
Para sa ilan, mas matagal ang paglalakbay kaysa sa daan patungong dagat. (Higit itong mapagkanulo kaysa sa landas na bumibiyak sa bundok.)
Para sa ilan, ang walang tigil na kaguluhan ng ingay at tinta ay hindi kailanman guguho. Bilanggo sila sa daigdig ng mga bulong at buntong-hininga.
Subalit, sa kasalukuyan, ngayon, isang boses ang nagpapaningning ng gabing yaring-kamay, umiyak siya at sinabi ang pangalang nakita: pangalan niya. Nakita niya ang pangalan niya. Nakapagbasa siya!
Inakyat niya ang mga batong matarik ng A hanggang Z at siniyasat ang dagat. Nagsalpukan ang mga luha ng magkaibigan – maluwalhati! – sa dalampasigang nasisinagan ng araw.
----------------------------------------------------
[English Translation]
Some Women Learn to Read
by Ramon C. Suniga
Because it is not done, first, they must shut windows, draw shutters, in short, hide from those who disapprove of such adventures as they would undertake.
Then, there, in a house of handmade night, they light the lamps of their eyes, they who have now met to learn how to read.
Their frowns reflect the winding mysteries of script. Their eyes strain to trace the path of letters into the sound the mind makes when it can see.
For some, the journey takes longer than the way to the sea. (It is more treacherous than the trail that splits the mountain.)
For some, the incessant roil of noise and ink will never crest. Trapped as they are in a zone of whispers and sighs.
But now, today, one voice electrifies this handmade night, she cries and speaks the name she sees: her name. She sees her name. She reads!
She scales the crags of A and Zed and spies the sea. And the tears of friends crash—exuberant! —on the sunlit shore.
UH Manoa