Mula sa UCLA
Mula sa UCLA
Paglilimi Ukol sa Pasko
Sinulat ni Frances Javier
Ang mga nagdiriwang ng Pasko ay mga Kristiyano na naniniwala kay Hesus. Si Hesus ang rason kung bakit may Pasko. Siya ay ipinanganak noong araw na ito. Ang kanyang pagdating ang maliligtas sa mga tao sa mundo. Si Hesus ay kaugnay ng relihiyong Kristiyano. Si Santa Claus naman ay hindi kasing kaugnay ng relihiyon. Totoo na mga batang Kristiyano ang naniniwala sa kanya dahil sila ang nagdiriwang ng Pasko (hindi mga Hudyo o Muslim). Pero hindi naman pinag-uusapan si Santa Claus ng pari sa simbahan. Hindi ko sigurado kung si Santa Claus ay batay sa isang santo dahil ang isa pang tawag sa kanya ay “Saint Nick.” Si Hesus ay pinaniniwalaan ng parehong bata at matanda. Pero si Santa Claus ay pinaniniwalaan ng mga bata lamang. Ang isa pang pinagkaiba nilang dalawa ay si Santa Claus ay hindi totoo dahil ang mga magulang ng mga bata ang nagbibigay ng mga regalo na galing kay “Santa Claus”, pero si Hesus ay totoo (sa paniwalang Kristiyano, ngunit hindi pa natin 100% sigurado kung Siya ay totoo/hindi totoo).
Ang Aking Pinaniniwalaan
Sinulat ni Allen Cunanan
Marami akong pananampalataya. Nananalig ako sa mga milagro, sa mabubuting gawa at sa isang nakatataas na nilalang. Nananalig ako sa Diyos kasi Romano Katoliko ako. Noong bata pa ako, isinasama ako ng mga magulang ko sa simbahan Linggo-linggo. Dahil dito, pumupunta ako ngayon sa simbahan linggo-linggo. Paminsan-minsan, gagdadasal ako para sa mararming iba’t ibang mga bagay pero hindi ako sakim. Naniniwala ako na ang Diyos ay binabantayan ang mga aksyon ko. Sa gayon, nananalig ako na kailangan kong gawin ang mga mabuting aksyon. Nananalig ako na kung gagawin ko ang maraming mabubuting aksyon susunod na maraming mabuting aksyon ang mangyayari sa akin. Samakatuwid, nananalig ako na kailangang maging mabuti ako kasi nakikita ng Diyos ang lahat. Kung may matibay na pananamplataya, mangyayari ang mga milagro. Nananalig ako na lahat ng tao ay kailangang mag-isip ng positibo, kasi nananalig ako na ang positibong pagtingin ay nakalilikha ng milagro. Sa gayon, optimista ako kasi positibo akong mag-isip.
[English Translation]
I have many beliefs. I believe in miracles, good deeds and in a higher being. I believe in God because I’m Roman Catholic. When I was a kid, I went with my parents to church every week. Because of this, I go to church every week now. Once in a while, I pray for many different things but I’m not greedy. Therefore, I believe that I need to do good actions. I believe that if I do a lot of good actions then a lot of good actions will come to me. Therefore, I believe that I need to be good because God sees everything. If there is a lot of faith, miracles can happen. I believe that everyone needs to have positive thoughts because I believe that positive thoughts can create miracles. Therefore, I’m an optimist because I think positively.
Ang Aking Pinaniniwalaan
Sinulat ni Ariz Guzman
Mahirap talagang ipaliwanag ang aking pinaniniwalaan. Parang wala, parang meron. Hindi maintindihan, dahil maraming iniisip.... o parang merong bahid ng pagdududa ako sa kahit anong nagtatatag ng meta-narrative--mga abstrak na ideya na paliwanag ng historikal na karanasan o kaalaman. Parang "control structure" kasi. Bilang mag-aaral ng panitikan, duda ako sa isang establisadong istorya tungkol sa isang istorya, sumasaklaw at nagpapaliwanag ng ibang maliliit na istorya sa loob ng iskemang sumasaklaw sa lahat.
Mahirap talagang magpaliwanag... Kasi, sa kalakhan, yung kahulugan ay nawawala sa pagsasalin. Tapos ang ironiya, at saka pang-uuyam ay hindi nahuhulog nang mainam sa wikang hindi ko masyadong alam.
Katoliko ang Pilipinas. Ang Tatay ko at ang Nanay ko ay kapwa Katoliko. Kaya, ibig sabihin ba, Katoliko rin ako? Bakit ba? Dahil ipinasa nila ang kanilang pananampalataya sa akin? Kapag sinabi kong hindi ako Katoliko, maraming tao ang maghuhusga na hindi matatag ang parental skill ng mga magulang ko, dahil hindi nila napapangibabaw ang relihiyon nila? Kapag sinabi kong hindi ako Katoliko, [sa isang tipikal na napakakonserbatibong tradisyonal na kamalayan ay tunay na magluluwal ng ganitong kaisipan] na dahil hindi ka Katoliko, awtomatik na anti-Kristo ka. Tipikal na-rightist conservative thinking ‘di ba?
Ewan Ko. Nagpa-practice nga ako ng Katolikong pananampalataya... Gusto ko ang moralidad ng Katoliko. Pero minsan, hindi talaga maintindihan. Problematiko kasi ang kahit ano na nakasulat sa papel. Tipikal kasi ang iisang interpretasyon ng Bibliya--ng salita. Sabi sa John 1:1 yata, "Nang pasimula ay naroon na ang Salita." Yan ang tipikal na sagot ng karamihan ng Katoliko. Simula lagi sa "Salita" ng Panginoon. Doon nagsimula, tapos doon nagtatapos. Walang lugar para sa ibang interpretasyon.
Iniisip ko, si Adan ang nagpangalan ng mga hayop at halaman. Pinangalanan niya ang lahat. Kaya importante talaga ang “Salita.” Pero sa Diyos, mga bagay ang nauna dahil galing kay Adan, na nagpangalan. Kaya ang tanong ko… ano ba talaga ang nauna? Ang Salita o ang bagay? Alin ba ang nauna, ang epistemolohiya o ang ontolohiya? Talagang komplikado.
Minsan, inisiip ko na parang Hudyo ako. Kahit wala akong kaalaman ukol sa mga ritwal nila. Alam ko lang na flexible ang pagbabasa nila ng "Salita," na nagpapahintulot ng interpretasyon ng interpretasyon ng interpretasyon. Tapos, hindi ko maintindihan ang pagkakaayos ng Bibliya. Bakit ganoon ang pagkakaorganisa ng canon katulad ng pagkakaayos nito ngayon? Bakit inilagay ang isang kuwento at hindi inilagay ang iba...yoong Apocrypha na aklat? Kasi ‘di ba para sa pagkontrol? ‘Di ba’t ang Apocrypha ay binigyang inspirayong Salita rin ng Divino?
Talagang komplikado. Ang Relihiyon ay laging komplikado. Baka agnostico ako. Kasi gusto ko ang moralidad ng Katoliko, pero ayaw ko ang praktis nilang mag-analisa ng Salita. Gusto ko rin ang pagrespeto sa buhay ng mga Budista. Tapos hindi ba Hudyo si Hesus… pero gusto ko lang ang Judaismo dahil sa pamamaraan nila ng pagsusuri ng teksto.
Iniisip ko, gagawin ko na lang simple. Ang pinaniniwalaan ko ay, "There is more meaning to life in a woman's arms than all the written words about the soul's paradise” (Younghill Kang). Mahirap isalin nang hindi nawawala ang bahid nitong romantikong pahiwatig. Palagay ko, mas mainam damhin ang iyong paniniwala.
[English Translation]
It is really hard to explain my belief. It is as if I have one and not have one. My belief is pretty hard to understand, for I find myself doubting meta-narratives, the abstract idea that supposedly explains experience and knowledge. It’s a control structure. Being a student of literature, I am hesitant to believe a single “established story, that encompasses and explains other ‘little stories’ within a totalizing scheme.” (wiki)
I find it really hard to explain my belief in Tagalog. Some meanings are at times lost in translation. I think even irony and sarcasm doesn’t translate verbatim.
Philippines is a Catholic country. My father and mother are Roman Catholics. But does it necessarily mean that I have to be Catholic? Why? Is it tradition—to pass your own belief to your children? I thought we are suppose to discover our belief ourselves? If I say that I am not Catholic, most conservative traditional Filipinos would equate this observation and blame my parents for my upbringing, because they didn’t necessarily enforce their parental skill and establish to their children their own religion. Religion and tradition at times goes hand and hand. If I say that I’m not Catholic, the typical conservative, traditional idea is that if you are not Catholic, that you don’t believe in God, and therefore you are an anti-Christ. I struggle to understand the one minded logic of the rightist conservative thinking when it comes to religion.
I really don’t know. I do practice the Catholic traditions to some extent. I like Catholicism’s morals. But at times, I really don’t understand. I find anything written in paper as something problematic. To Catholicism, there is really one main interpretation to the Bible. Everything came from the “Word.” John 1:1 says, “In the beginning there was the Word.” That’s the typical answer to Christian question. The root is always Word of God. It starts there and it ends there. There seem to be no room for other interpretation.
It was written in the Bible that Adam was the one that named the plants and animals. He named most of everything right? So I do understand that the “Word” is important. The Bible give us so many contradictions. If the word came first, then the it made the object exist. But if the object existed first, then language just names it, like Adam did. Which came first? Did things existed before we name it? Or did things existed after we name it? Which came first, epistemology or ontology? It’s pretty complicated right?
I think I’m part Jewish too, even though I don’t really know anything about Judaism. All I know is that they are really flexible in reading the “word,” open to interpretation of the interpretation to another interpretation. I think it’s because I don’t understand the Bible’s form. Who chose the canon, of what text to include and what not to include? Why include these scriptures and exclude the others…the book of Apochrypha? Isn’t the Apocrypha, words inspired by the Divine?
This is really complicated to me. Religion is always complicated. Perhaps I’m agnostic. I like Catholicism’s morals, but I don’t like their one minded interpretation of the Word. I also respect Buddhism’s belief of respecting life. And isn’t Jesus a Jew… but I like Judaism because of their method of text analysis.
Explaining my religious belief is complicated. I guess I’ll simplify it. I think that “there is more meaning to life in a woman’s arms than all the written words about the soul’s paradise” (Younghill Kang). Written words are always falls victim to interpretation. I think it’s better to feel your belief.
Ang Ibong Adarna Ko
Sinulat ni Rene Tiongquico
Ang isang ibong adarna ko sa aking buhay ay dalhan ang aking tatay sa Estados Unidos. Ngayon, na sa Pilipinas siya sa Mabalacat, Pampanga. Ang pinakahirap ng gawin ay akong papagsponsoran niya dito sa Estados Unidos. Kung gusto mong papagsponsoran ng isang tao, marami-mariming mga kabawalan. Halimbawa, kailangan ko gumawa ang taas ng sweldo pero estudiyante pa ako. Hirap ng hirap ang paraan pero pwede pa akong isponsor niya na punta dito sa Estados Unidos kasi kagyat ng pamilya tayo. Kung hindi tayo, hindi siya pwedeng pumunta dito sa Estados Unidos. Samang binagyan niya ako ng buhay, inubligahin ko pinagdala sa Estados Unidos habang may horas pa. Di-matatanggihan, paghihirapan ng buhay niya noong pupunta siya dito at ang kanyang isipan sa Estados Unidos ay mga akala ng makaromantiko tungkol sa aming buhay. Gayunman kung gusto niya pumunta sa Estados Unidos, magiging ang mabait ng anak ng lalake at iisponsoran ko siya dito.
[English Translation]
One of my “ibong adarna” in life is to bring my father to the United States. Right now, he is in the Philippines in Mabalacat, Pampanga. The most difficult thing to do is for me to sponsor him to come here to the United States. If you want to sponsor a person, there are many restrictions. For example, I need a high salary but I am still a student. It is a difficult process however I am still able to sponsor him to go to the United States because we are immediate family members. If we are not, he will be unable to go to the United States. Since he gave me life, I feel obligated to bring him to the United States while there is still time. Undeniably, he will have a difficult life here and his thought about the United States is still romanticized thoughts about our life. Nevertheless if he would like to go to the United States, I will be a good son and sponsor him to come here.
Mapa ng Buhay Ko
Sinulat ni Billie Hassim
Ako si Billie Lorraine Hassim. Galing ang pangalan ko sa pangalan ng lolo at lola ko. Galing rin ang pangalan ko sa kanta na ”Billie Jean.” Ipinanganak ako sa Quezon City, Pilipinas noong a-29 ng Disyembre, 1989. Noong tatlong taon ako, lumipat kami sa New York.
Wala akong mga kapatid, ako lang ang tanging anak ng mga magulang ko. Noong Setyembre, 1996 pumasok ako sa Washington Elementary School. Noong Mayo 2008, nagtapos ako sa Saint Joseph High School. Noong Setyembre, 2008 pumasok ako sa UCLA. Nagdo- dorm ako dati pero noong Marso lumipat ako sa sariling apartment ko. Noong Marso 2009, lumipat ako sa Los Angeles, California. Noong Hulyo, 2008 nakilala ko si Alexander. Ngayon nobyo ko siya. Noong Setyembre 2009, pumasok ako sa klase ng Filipino. Marunong akong magsalita ng Tagalog pero hindi ko alam magsulat sa Tagalog.
[English Translation]
I am Billie Lorraine Hassim. My name comes from the names of my grandfather and my grandmother. My name also comes from the song “Billie Jean”. I was born in Quezon City, Philippines on December 29,1989. When I was three years old we moved to New York.
I don’t have any siblings, I’m the only child of my parents. In September of 1996 I enrolled in school at Washington Elementary School. In May 2008, I graduated from Saint Joseph High School. In September 2008 I enrolled in UCLA. I dormed before but in March I moved into my own apartment. In March of 2009 I moved to Los Angeles, California. In July of 2008 I met Alexander, he is my boyfriend now. In September of 2009 I enrolled in Filipino class. I know how to speak Tagalog but I don’t know how to write in Tagalog.
Mapa ng Buhay Ko
Sinulat ni Vanessa Houseman
Ako si Vanessa Faye Houseman. Ito ang naging pangalan ko kasi walang kakilalang Vanessa ang tatay at nanay ko. Ang gitnang pangalan ko ay Faye kasi pinaikling pangalan ito ng nanay ko na Fenina. Ang ibig sabihin ng ”Vanessa” ay ”butterfly” at ang ”Faye” naman ay ”fairy.”
Ipinanganak ako sa Honolulu, Hawaii noong ika-3 ng Agosto, 1988. Noong dalawang taon ako, lumipad kami papunta sa Texarkana, Texas. Noong nasa ikalawang grado ako, lumipat kami papunta sa Columbus, Georgia. Noong nasa ikatlong grado ako, lumipat kami papunta sa Texarkana, Texas. Noong nasa ikaanim na grado ako, lumipat kami papunta sa San Diego, California.
Para sa kolehyo, pumasok ako sa UCLA sa Los Angeles, California. Ako ay tumutugtog ng tuba sa UCLA Marching Band. Nakilala ko si Luke sa marching band at ngayon nobyo ko siya. Sa Hunyo 2010 magtatapos ako sa UCLA sa Degree ng Sociology at Minor sa Classics.
[English Translation]
I am Vanessa Faye Houseman. I have my name because my dad and mom didn’t know anyone else with the name of Vanessa. My middle name is Faye because that is the shortened version of my mom’s name (Fenina). The meaning of “Vanessa” is “butterfly” and “Faye” is “fairy.”
I was born in Honolulu, Hawaii on August 3, 1988. When I was the age of two, we flew to Texarkana, Texas. In grade two, we moved to Columbus, Georgia. In grade three, we moved to Texarkana, Texas. In grade six, we moved to San Diego, California.
For college, I came to UCLA in Los Angeles, California. I play the tuba in the UCLA Marching Band. I met Luke in the marching band and now he is my boyfriend. In June 2010 I will graduate from UCLA with a Degree in Sociology and Minor in Classics.
Mapa ng Buhay Ko
Sinulat ni Sheryl Parsons
Ako si Sheryl Lynn Dillo Parsons. “Mahal” ang ibig sabihin ng “Sheryl.” Galing ang pangalang “Dillo” sa nanay ko. Galing ang mga pangalang “Lynn” at “Parsons” sa tatay ko. Ipinanganak ako sa Fort Walton Beach, Florida noong a-13 ng Enero, 1990. Noong Setyembre 1994, lumipat kami sa England. Noong 1995, pumasok ako sa St. Edmunds Catholic School. Noong Setyembre 1996, pumasok ako sa Lakenheath American Elementary School. Noong Setyembre 1999, pumasok ako Lakenheath Intermediate School. Noong Hulyo 2001, lumipat kami sa Edwards Air Force Base, California. Noong Setyembre 2001, pumasok ako sa Forbes Elementary School. Noong Setyembre 2002, pumasok ako sa Edwards Middle School. Noong Setyembre 2002, nakilala ko si Frankie Gutierrez. Ngayon nobyo ko siya. Noong Setyembre 2004, pumasok ako Desert High School. Noong Hunyo 2007, lumipat kami sa Abilene, Texas. Noong Setyembre 2007, pumasok ako sa Cooper High School. Noong Enero 2008, lumipat kami sa Edwards Air Force Base, California. Noong Enero 2008, pumasok ako sa Desert High School. Noong Hunyo 2008, nagtapos ako sa Desert High School. Noong Setyembre 2008, lumipat ako sa Los Angeles. Pumasok ako sa UCLA. Environmental Science ang major ko. Noong Marso 2009, sumali ako sa Sigma Delta Sigma. Noong Setyembre 2009, pumasok ako sa klase ng Filipino! Sa Hunyo 2012, magtatapos ako sa UCLA.
[English Translation]
I am Sheryl Lynn Dillo Parsons. “Sheryl” means “dear”. The name “Dillo” came from my mother. The names “Lynn” and “Parsons” came from my father. I was born in Fort Walton Beach, on the 13th of January, 1990. In September 1994, we moved to England. In 1995, I attended St. Edmunds Catholic School. In September 1996, I attended Lakenheath American Elementary School. In September 1999, I attended Lakenheath Intermediate School. In July 2001, we moved to Edwards Air Force Base, California. In September 2001, I attended Forbes Elementary School. In September 2002, I attended Edwards Middle School. In September 2002, I met Frankie Gutierrez. Now he is my boyfriend. In September 2004, I attended Desert High School. In June 2007, we moved to Abilene, Texas. In September 2007, I attended Cooper High School. In January 2008, we moved to Edwards Air Force Base, California. In January 2008, I attended Desert High School. In June 2008, I graduated from Desert High School. In September 2008, I moved to Los Angeles. I attended UCLA. Environmental Science is my major. In March 2009, I joined Sigma Delta Sigma. In September, I attended Filipino class! In June 2012, I will graduate from UCLA.
Mapa ng Buhay Ko
Sinulat ni Gregory Cendana
Mayo 30, 1986: Ipinanganak ako sa Lungsod ng Agana, Guam.
Oktubre 7, 1987: Ipinanganak ang una kong kapatid. Jessica ang pangalan niya.
Oktubre 10, 1988: Ako at ang pamilya ko ay lumipat sa California.
Agosto 1993: Naging estudyante ako sa Samuel Kennedy Elementary School.
Marso 15, 1997: Napanalunan ko ang una kong medalya sa science fair.
Agosto 1998: Naging estudyante ako sa James Rutter Middle School.
Julio 16, 2002: Nakuha ko ang lisensiya ko para magmaneho at ang una kong trabaho na Togo’s sandwich maker.
Hunyo 2004: Nakatapos ako sa Florin High at nagkolehiyo ako sa UCLA.
Enero 2005: Natanggap ako sa Alpha Lambda Delta/Phi Eta Sigma, isang Freshmen Honor Society.
Hunyo 2008: Gusto kong maging maestro.
Nobyembre 2024: Gusto kong maging Presidente ng USA.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pagkatapos.
Lakbay Buhay
Sinulat ni Meg Tiangco
Ako ay ipinanganak noong ika-27 ng Pebrero, 1988 sa Malabon, Pilipinas. Pangalawa ako sa tatlong babaeng magkakapatid. Umalis ang tatay ko papuntang Amerika noong ako ay walong buwan pa lamang. Ang nanay ko lang ang nagpalaki sa aming magkakapatid. Pero kahit lumaki ako na walang tatay, masaya ang aming buhay. Nagsisiksikan kami sa maliit na bahay ng aking lola. Malaki ang pamilya ko sa Pilipinas. Lumaki ako kasama ang mga pinsan, tito, tita at lola ko. Doon sa Pilipinas, naranasan ko ang paghihirap, ang pagbaha sa aming bahay hanggang tuhod, at marami pang ibang pagsubok. Ngunit, matatag ang pamilya ko, kahit ano pang pagsubok ang dumating, magkakasama-sama pa rin kami. Noong ako ay labintatlong taong gulang, lumipat ako kasama ang mga kapatid ko rito sa Amerika para mamuhay kasama ang aming tatay. Dito ko rin nakilala ang dalawa ko pang kapatid sa tatay ko. Naiwan sa Pilipinas ang aking nanay. Nahirapan kaming magkakapatid na mamuhay malayo sa aming nanay; ngunit, kailangan namin iyong gawin.
Bukod sa mga karanasan ko bago ako pumasok ng sekundarya, maraming pagsubok ang hinarap ko rito sa Amerika. Una, kinailangan kong matuto at makibagay sa bagong kultura na hindi ko kilala. Kahit na natutunan kong mag-Ingles sa Pilipinas, iba pa rin ang masanay na magsalita at magsulat sa ibang wika araw-araw. Mahirap ding makahanap ng mga kaibigan. Hindi naman ako nahirapan sa eskuwela at pag-aaral, mahirap lang na matutunan ang sistema ng paaralan dahil iba sa sistema ng mga paaralan sa Pilipinas. Sa wakas, natuto rin akong makisama at maging aktibo sa eskuwela. Kasama ng aking mga kapatid, sumali ako sa larong tenis sa eskuwela. Naging isa ako sa mga kapitan ng varsity tennis at naging magaling ako sa laro. Sa akademya, kumuha ako ng mga klase na mga AP na talagang humamon sa aking kakayahan. Nakapagtapos ako sa Covina High School na pampito sa mga estudyante.
Sa kabila ng aking mga pagsubok na napagtagumpayan, ang aking dalawang kapatid na babae ang tumulong na makaligtas doon sa lahat ng problema. Sinuportahan nila ako sa lahat ng aking mga desisiyon. Binigyan nila ako ng mga payo at lagi silang nandiyan para sa akin. Alam kong hindi nila ako bibiguin kahit kailan. Alam ng mga kapatid ko ang aking mga lakas at kahinaan. Alam nila kung paano ako mapapasaya at alam din nila kung ano ang makakasakit sa akin. Sila ang aking inspirasiyon, mga bayani ng aking buhay, at aking tunay na mga kaibigan. Kasama ko sila sa aking paglalakbay dito sa Amerika hanggang noong simula pa. Kasama ko silang dumanas ng problema namin sa pamilya. Sa sekundarya, hindi lang ang mga kapatid ko ang nag-udyok sa aking magtiyaga para makarating ako sa kolehiyo, kung hindi ang nanay ko rin. Silang tatlo ay naniwala sa akin. At sa wakas, dahil sa kanilang pagpupursiging suporta at paniniwala sa akin, natanggap ako sa Unibersidad ng California, Los Angeles para sa kursong nursing.
Ngayon, nandito na ako sa UCLA at malapit na ring magtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Nabiyayaan ako ng diyos ng maraming nagmamahal at sumusuporta na mga kaibigan sa aking paligid kasama na ang aking nobyo at mga malalapit kong kaibigan. Ang mga pangarap ko ay malapit ng matupad. Ang paghihirap ko ay malapit na ring mabayaran. Ngunit, kahit malapit na akong magtapos, marami pa rin akong mga layunin pagkatapos ng aking karanasan dito sa UCLA. Gusto kong maging nurse ng mga bata para matulungan ko ang mga may sakit. Gusto ko ring bumalik sa aking komunidad lalong lalo na ang mga mahihirap sa Pilipinas dahil dati, naranasan ko rin ang kanilang paghihirap. Gusto ko ring maglakbay sa iba’t ibang lugar para makita at maranasan ko ang ibang kultura sa ibang parte ng mundo. Siyempre, bahagi ng plano ko sa buhay ay makasama uli ang aking nanay at mga kamag-anak ako na nasa Pilipinas.
[English Translation]
I was born on February 27, 1988 in Malabon, Philippines. I was the second eldest daughter. My father left when I was eight months old to the United States. My mother was the only one who raised me and my sisters. Even though I grew up without a father, I lived happily in the Philippines. We lived in the very small house of my grandma. I have big family in the Philippines. I grew up with my cousins, uncles, aunts and my grandmother. In the Philippines, I experienced poverty, flood and different kinds of challenges. Despite all that, my family remained strong and stayed together. When I was 13, my sisters and I moved here in America to live with our father. Here, I also met my 2 half siblings. My mother was left in the Philippines. My sisters and I had a hard time living away from her; but, we had no choice.
Aside from the experiences I had prior high school, I faced many challenges here in America. First, I had to assimilate to the culture I was not familiar with. Though I learned English in the Philippines, I had a hard time getting used to speaking and writing it every day. Lastly, making friends was also a challenge. School was not a problem, though knowing the system was difficult because it is different from the schools in the Philippines. Eventually, I learned to be more social and active at school. Along with my sisters, I joined the school’s tennis team, became one of the varsity tennis captains and excelled. In academics, I took up some AP classes and graduated 7th in our class.
Throughout all the struggles I have overcome, my two sisters have helped me get through it all. They supported my decisions, gave me advice and have always gotten my back. I know that they will never let me down. My sisters know my strengths as well as my weaknesses. They know how to cheer me up and they know what can hurt me. They are my inspiration, my heroes and my best friends. We were in the same journey here in America from the very beginning. We faced the same problems within our family. In high school, not only my sisters were the ones who gave me motivation to apply to college but also my mother. They believed in me. Finally, I was accepted to the UCLA School of Nursing, all thanks to their guidance and support.
Now, I am here at UCLA and about to graduate in a few months. I was blessed with all the loving people around me including my boyfriend and numerous best friends. My dreams are finally coming true. My hard work is soon going to be paid off. Though I am graduating soon, I still have a lot of goals that I want to accomplish after UCLA. I want to be a pediatric nurse and help out those kids who are sick. I want to give back to my community especially the poor in the Philippines because once, I experienced their struggle. I want to explore and travel the world because I want to see and experience other culture. Of course, part of my plan is to see and live with my mother and relatives again.
Interbyu sa mga Magulang
Sinulat ni Fernalie Aranzazu
Ang interbyu sa magulang ay ginawa noong gabi nang Oktubre 11, 2009. IniAng mga interbyu ko ay sina Felicismo at Esperanza Aranzazu, tatay at nanay ni Fernalie Aranzazu. Ang interbyu ay tungkol sa pagpunta ng pamilya namin sa Amerika.
Nakarating ang pamilya namin sa Amerika dahil ang kapatid ng tatay ko ay kasapi parte nang Hukbong Pandagat Navy ng Estados Unidos. Siya ang nag petisyon sa amaDaddy ko bago pa siya nakapag-asawa. Matagal bago natuloy ang pagpetisyon sa tataDaddy ko. Mayroon na siyang asawa at tatlong anak bago pa nakapunta ng Amerika si Tatayang Daddy ko. Pero kahit na natagalan ang petisyon, tumuloy pa rdin ang TataDaddy ko sa pagpunta ng Amerika para maipetisyon niya kami.
Gusto nang TataDaddy ko na makarating nang Amerika dahil maraming nagsasabi na ang buhay sa Amerika ay maginhawa. Nagnais ang Daddy tatay ko na makapunta nang Amerika para maramdaman niya ang maginhawang buhay. Noong nakuha niya ang petisyon niya at siya ay mayroon nang asawa at mga anak, nagnais siya na makapunta nang Amerika para ang kanyang pamilya ay magkaroon ng maginhawang buhay.
Ang mga pbagsubok na hinarap ng pamilya ko ay ang pagkakahiwalay naming nang isang taon habang naghahanap nang trabaho ang Daddy tatay ko sa Amerika. Iba din ang pamumuhay sa Amerika kaysa sa pamumuhay sa Pilipinas. Dahil ditto, kinaiylangan nang pamilya ko na magsanay sa pamumuhay sa Amerika. Pero kung sa pagpunta nang Amerika,, walang masyadong pbagsubok na naranasan ang pamilya ko.
Ang buhay Pilipinas ang hinahanap-hanapnamimis ng mga magulang ko. Sa Pilipinas, puwedeng mamuhay ang tao kahit na walang trabaho dahil puwedeng silang gumalawy na hindi pinapansin ng gobyerno. Puwede din na patambay-tambay lang ang mga tao. May mga katulong din na tumutulong sa gawaing bahay. Sa Amerika, kailangan na kami ang gumagawa nang lahat. Nasa Pilipinas din ang pamilya nang NanananaMommy ko. Para sa mga magulang ko, masmadali ang buhay sa Pilipinas kaysa sa buhay dito sa Amerika. Dahil dito, gusto nilang ang mga magulang ko na manirahan muli sa Pilipinas at bumisita na lang dito sa Amerika nang paminsan-minsan.
Gustong ipamahagi ng mga magulang ko sa mga anak nila ang pagsisikap para kami ay magkaroon nang maginhawang buhay. Gusto rdin nila na kami ay magsumikap ngayon para hindi kami mapag-iwanan nang panahon.
Interbyu sa mga Magulang
Sinulat ni Frances Javier
Noong 1999, nagbakasyon ang pamilya ko sa Amerika para sa graduation gift ko noong nag-graduate ako sa grade six.Namasyal kami sa Disneyland, Universal Studios, Las Vegas, San Francisco, at iba’t iba pang lugar dito sa Amerika. Bilang tradisyon ng mga Pilipino, pag bumibisita ka dito, lahat ng kaibigan at kamag-anak ay gustong mag-imbita para makita ang aming pamilya. Ang isa sa mga kaibigan ng tatay ko ay inalok siya kung gusto niyang subukang magtrabaho dito sa business niya at nabigyan ang tatay ko ng working visa dahil doon. Itong trabahong ito na inalok ng kaibigan ng tatay ko ang naging simula ng aming pagtira dito sa Amerika. Ang pagsubok na hinarap namin ay ang pagsisimula ulit sa bagong lugar. Maski na komportable ang buhay namin sa Pilipinas, gustong bigyan ng mas magandang kinabukasan ng mga magulang ko ang kanilang mga anak. Ang gustong ibahagi ng magulang ko ay basta’t may sipag at tiyaga ka, malayo ang mararating mo.
Larawan ng Pilipino sa Media
Sinulat ni Fernalie Aranzazu
Iba-iba ang pinapakita sa media tungkol sa mga Pilipino. Marami ang nakakakilala sa Pilipino bilang mananayaw dahil sa mga palabas tulad ng “America’s Best Dance Crew” at manganganta dahil sa mga palabas tulad ng “American Idol.” Dahil dito, walang masyadong kinikilalang pinuno sa mga Pilipino. Ang akala ng mga tao, ang mga Pilipino ay walang alam kung hindi magsayaw at kumanta lang.
Ipinapakita din ang mga Pilipino bilang narse na ang edukasyon na nakuha sa Pilipinas ay mas mababa sa edukasyon na ibinibigay sa Amerika. Ito ang pinamulat ng komento sa palabas na “Desperate Housewives.” Dahil sa komentaryongo na ito, iniisip ng mga tao naay ang edukasyon sa Pilipinas ay hindi kapantay ng edukasyon sa Amerika. Makikita ang kahulugan nito kung titingnan ang mga trabaho na nakukuha ng dating doktor sa Pilipinas na sa Amerika, o ibang bansa man, ay narse, tagapag-alaga, o katulong lang.
Ngunit kahit na mababa ang tingin ng mga tao sa mga Pilipino dahil sa larawan natin sa media,, alam ng mga tao kung gaanong kasigasighirap magtrabaho ang mga Pilipino. Alam nila na tayo ay masipag at maalagain. Dahil dito, maraming tao ang gusto ay makakuha sila ng Pilipinong makakasama sa bahay. Ito ang mga katangian ng mga Pilipino na kahit hindi man naipapakita ang kabuoang pagkatao sa media ay puwedeng ikarangal ng ating uri.
UCLA (cont.)