Mapa ng Historic Filipinotown
Mapa ng Historic Filipinotown
Noong a-2 ng Agosto, 2002, ipinasa at inaprubahan ng Los Angeles City Council ang resolusyon na lumikha sa Historic Filipinotown.
Ang miyembro ng konseho na si Eric Garceti ang nagpanukala nito at
sinuportahan naman ng mga Pilipino. Ang mga imigranteng Pilipino noong
mga taong 1920 ay nanirahan sa tinatawag na ngayong Old P-Town na nasa
Little Tokyo, San Pedro at Bunker Hill. Kabilang na ang kilalang
manunulat na si Carlos Bulosan, ang sumulat ng bantog na nobelang America is in the Heart o Nasa Puso ang Amerika.
Kinailangan
ng siyudad ng Los Angeles ang lupang pinaninirahan ng mga Pilipino sa
Old P-Town para pagtayuan ng Munisipyo at iba pang gusaling
pampamahalaan kung kaya't ang mga Pilipino ay bumaba sa kalye Temple.
Ang bagong Historic Filipinotown
ay nasa Temple at Beverly Boulevard. Makikita ang mga karatula sa mga
lugar na ito: North 101 Freeway, East Glendale Boulevard, South Beverly
Boulevard, at West Hoover Street. Ang pagkilala sa lugar na ito bilang Historic Filipinotown ay pagkilala sa ambag o kontribusyon ng mga Pilipino sa lipunan ng Amerika.