Ang “DREAM Act” Bill
Ang “DREAM Act” Bill
Ang “Dream Act Bill”
Maraming estudyante ang walang papel para sa pagkamamamayan sa Amerika. Kahit napakatatalino nila, kailangan nilang magbayad ng napakamahal na matrikula para sa kolehiyo. Hindi alam ng mga estudyanteng ito na hindi sila mamamayan ng bansang Amerika. Maaaring dumayo sila sa Amerika noong sampu o dalawampu ang edad nila at hindi sinabi ng mga magulang nila sa kanila ang katotohanan. Ang mga Pilipino dito sa California ang pangalawang pinakamalaking walang dokumentong imigranteng populasyon na sakop ng kategoryang Asian Pacific Islanders.
Ano ba ang maaari mong gawin kung nalaman mo na hindi ka mamamayan dito sa Amerika at ang pangarap mo ay makapasok sa kolehiyo, halimbawa, sa UCLA, pero hindi ka puwede? Ito ang sitwasyon ng mga estudyante na ang tawag ay mga “AB 540” na estudyante. Puwede silang pumasok sa kolehiyo, pero hindi sila kwalipikadong umaplay sa “financial aid” at mga “utang,” at kailangan nilang magbayad ng mga out-of-state na halaga ng matrikula. Napakamahal ng bayad nila! Sa palagay ninyo, makatarungan ba ang gayon para sa kanila?
Ngayon sa pederal na lehislatura, may isang batas na nasa proseso ng pagpapasa. “DREAM Act” (Development, Relief and Education for Alien Minors Act) ang pangalan ng batas na ito, at napakaimportante nito dahil ito ay isang relief para sa mga estudyante na may sitwasyong pareho ng inilarawan sa itaas. Para maging kwalipikado ang mga “AB 540” na estudyante, kailangang kumpleto sila ng mga kinakailangang mga papeles: (1) una, kailangan nila ng patunay na dumating sila dito sa Amerika bago edad labing-anim; (2) pangalawa, kailangan nila ng patunay na residente sila sa Amerika ng limang magkakasunod na taon; (3) pangatlo, dapat ang edad nila ay nasa pagitan ng labindalawa at tatlumpu’t limang taong gulang, at (4) ikaapat, kailangang may diploma o GED sila mula sa isang Amerikanong eskuwelahan.
Ito ang sitwasyon ngayon, pero ano ba ang puwedeng magawa para sa DREAM Act bilang mga estudyante? Dito sa UCLA, may maraming mga aksyon para sa DREAM Act. Kung gusto mong sumali sa mga aksyon, puwede kang sumama sa EVP office sa USAC dito sa UCLA o “Alliance for Dreams” sa UCLA IDEAS. Puwede kang sumama bilang isang abanteng komite, o puwede kang tumawag lang sa mga politiko. Kahit anong tulong ay puwede. Bilang mga estudyante, napakaimportante ng tungkulin natin para maipasa ang bill na ito—kailangan ang tulong mo ngayon!
DREAM Act