Iba’t Ibang Lutuin ng Pilipinas

 

Lumpia – sa Ingles: spring roll. Puwede itong iprito o sariwa. Ang pambalot nito  ay manipis na pancake wrapper. Ang laman nito ay karne at gulay. Puwede ring gulay lang. Kung puro giniling na karne ng baboy o baka naman ang palaman, ang tawag dito ay Lumpiang Shanghai. Mayroon ring panghimagas na lumpia, ginagamit ang saging at saka pulang  asukal.  Kapagka ganito, Turon ang tawag dito.

Lumpia – spring roll. This can be fried or served fresh. The wrapper used is a thin pancake wrapper. The filling is meat and vegetables. It can also be just vegetables. If the filling is all meat such as pork or beef, it is called Lumpiang Shanghai. There is also a lumpia dessert where banana and brown sugar are used. If this is the case, this dish is called Turon.

Kare-Kare – oxtail at gulay na niluto sa sarsang yari sa mani. Sinasamahan ito ng bagoong.

Kare-Kare – oxtail and vegetables cooked in a peanut sauce. It is typically served with bagoong (fish paste).

Bibingka – panghimagas na galing sa bigas. Nilalagyan ito ng mantekilya,  queso, at kinudkod na niyog.

Bibingka – rice dessert. Butter, cheese, and shredded coconut are put on it.

Sinigang – baboy, isda, o hipon  at gulay na niluto sa sabaw ng sampalok.


Sinigang – pork, fish, or shrimp and vegetables that are cooked in a tamarind soup.

Pansit palabok o pansit malabon– niluto sa tubig ang pansit na ito. Nilalagyan ito sa ibabaw ng  chicharon na dinurog, hinimay na tinapa,  nilagang itlog na hiniwa, at saka katas ng kalamansi.

Pansit Palabok or Pansit Malabon – Noodles boiled in water. Toppings are crushed chicharon (fried pork skin), smoked fish flakes, sliced boiled egg, and kalamansi juice.

Dinuguan – dugo ng baboy, laman loob ng baboy, at saka karneng baboy.  Ang rekadong inilalagay dito ay: sili, paminta, bawang, at sibuyas.

Dinuguan – blood of pig, entrails of pig, and meat of pig. The ingredients are chili, pepper, garlic, and onion.