Kung Bakit Iwinawagwag ng mga Aso ang Kanilang Buntot

 
 

May isang matabang lalake na may-ari ng aso at pusa na maraming naitutulong sa kanya. Matanda na ang aso at maraming taon na itong nagsisilbi sa kanyang amo; samantala, bata, malakas, at matalino ang pusa. Malayo ang eskuwela ng anak ng matabang lalake, at inuutusan niya ang aso at pusa na magdala ng mga regalo para sa kanyang anak.




Isang araw, iniutos ng lalake sa aso at pusa na dalhin ang isang makababalaghang singsing sa kanyang anak. Tinuruan ng lalake ang pusa na hawakan ang singsing, at sinabi dito na huwag na huwag nitong ihuhulog ang singsing. Sasamahan ng aso ang pusa at ipinangako ng dalawang hayop na gagawin nila ang lahat sa abot ng kanilang makakaya.


Sa kanilang paglalakbay, humantong sila sa isang ilog na walang tulay na matatawiran. Sinabi ng aso sa pusa na siya na muna ang hahawak ng singsing kasi mas malakas siya at mas mahusay lumangoy kaysa sa pusa. Nag-alinlangan ang pusa sa simula, pero sa katapusan, ibinigay rin niya ang singsing sa aso.


Nagsimula silang tumawid sa ilog, pero maya-maya, nagsimula ang pusang malunod. Sinabi ng aso sa pusa, “ Umakyat ka sa aking likod para makatawid tayong dalawa sa kabila.”


Nahirapan talaga ang asong dalhin ang pusa at nagsimula rin siyang malunod. Sinabi ng pusa sa aso na iwagwag ang buntot nito para makatulong sa paglangoy. Iwinagwag ng aso ang buntot niya at nakatulong ito sa pagtawid ng ilog at nakarating sila sa lupa. Nakarating sila sa patutunguhan at ibinigay nila ang mahiwagang singsing sa anak ng matabang lalake.


Nang makabalik sila sa kanilang amo, ikinuwento ng mga hayop sa lalake ang nangyari sa paglalakbay nila, at namangha ang matabang lalake sa nagawang tulong ng buntot ng aso sa kanilang kaligtasan; kung kaya, ginamit niya ang kanyang mahiya para mapawagwag ang buntot ng mga aso.       

 

Muling Ikinuwento ni Cherelene Pereira

English Translation


Why Dogs Wag Their Tails


A rich man owned a dog and a cat that were very useful to him. The dog was old and served his master for many years, while the cat was young, strong and cunning. The man’s daughter went to school far away, and the man would send the dog and cat with presents for his daughter.


One day, the man gave the dog and cat a magic ring to send to his daughter. The man instructed the cat to hold the ring, and he told her that the ring was not to be dropped. The dog was to accompany the cat, and both animals promised to do their best.


During their journey, the animals came across a river with no way across. The dog told the cat that he should hold the ring because he was strong and could swim better than the cat. The cat was unsure, but eventually gave the ring to the dog. They began to cross the river, but the cat started to drown. The dog told her to climb on his back and he’ll carry them across. The dog was having a hard time carrying both of them across and almost drowned as well. The cat told the dog to wag his tail to help him swim. Wagging his tail helped him cross the river and they arrived on land. They completed their journey and gave the magic ring to the rich man’s daughter.


When they arrived back to their master, the animals told the man about their journey, and the rich man was so impressed with the usefulness of the dog’s tail, that he used his magic to make all dogs wag their tails.

Home Page