Ang Batang Babae at ang Uod

 
 

      Noong unang panahon, may isang batang babae na gustong-gustong sumayaw.  Palagi siyang sumasayaw sa bahay pero hindi siya magaling.  Isang araw, dumungaw siya sa bintana at tumitingin lang siya sa halamanan noong nakita niya ang isang uod.  Sinabi ng uod na tuturuan niya ang babae kung paanong magsayaw kung ipangangako niyang hahalikan niya ang uod pagkatapos ng mga klase.  Duda ang babae pero umoo pa rin siya.


      Nag-umpisa agad sila sa pag-aaral ng sayaw.  Araw-araw nagturo ang uod at araw-araw nag-aaral ang babae. Sa katapusan, magaling na magaling na ang babae! Masayang-masaya rin siya! Pinasalamatan niya ang uod nang isang halik at pagmulat niya ng mata niya – naging malaking, magandang paruparo ang uod! Sinabi ng uod na hindi siya magiging paruparo kung hindi siya hinalikan ng isang babae na tinulungan niya dahil may masamang aswang na inihuagis ang isang masamang engkanto sa kanya noong siya’y ipinanganak. May isang daang taon na siya na uod! Pagkatapos ng lahat ng ito, namuhay sila nang masaya at naging magkakaibigan sila sa mahabang panahon.



Ang larawan galing sa http://img232.imageshack.us/img232/689/fuzzy.jpg, ika-14 ng Mayo, 2009.

Home Page

ni Leslie Joy Cruz