Eskuwelang Pinoy
Eskuwelang Pinoy
Noong unang panahon, may isang batang matalino na ang pangalan ay
Sergio. Nag-aaral siya sa eskwelahan na Tsino para matuto ng
wikang Tsino. Sinabi ng Nanay at Tatay niya, “Anak, maganda kung
marunong kang magsalita sa Tsino kasi maraming mga Tsino sa lahat ng
panig ng mundo.” Alam ni Sergio na totoo ang sinasabi ng mga
magulang niya, pero sa isip niya, mas gusto niyang mag-aral ng wikang
Filipino, pero nalulungkot siya kasi walang mga eskwelahan para matuto
ng wikang Filipino.
Pinapag-aral ng Nanay at Tatay si Sergio sa ibang eskwelahan.
Hapones naman ang eskwelahan. Kahit hindi Filipino ang
pinag-aaralan ni Sergio, masaya pa rin siya kasi marami siyang naging
kaibigan sa mga klase niya—mas marami kaysa sa mga klaseng Tsino.
At saka maraming ibang mga tao roon—mga puti, itim, Meksikano, at
Asyano. Pero hindi talagang masaya si Sergio kasi talagang gusto
niyang mag-aral sa eskwelahang Pilipino.
Kinausap ni Sergio ang Nanay at Tatay niya, “Mommy, Daddy, bakit wala
akong opoturnidad para makapag-aral ng kulturang Pilipino sa eskwela?
Alam kong nag-uusap tayo rito sa bahay sa wikang Filipino, pero wala
akong alam tungkol sa kasaysayan at kultura natin.” Nang gabing iyon,
nag-usap ang Nanay at Tatay ni Sergio.
Nang sumunod na araw, may nakita si Sergio na isang papel sa ibabaw ng mesa niya. May mensaheng nakasulat doon:
“Anak, alam namin na importante ang bayang Pilipino para sa ’yo; kaya binili namin ang lupang malapit sa bahay natin para patayuan ng eskwelahang Pilipino.
Nagmamahal,
Mommy at Daddy.”
Bumalik si Sergio sa kama niya, ipinikit ang kanyang mga mata, at natulog siya sa kamalayang napakalaki ng pag-ibig ng magulang niya para sa kanya.#
Ang larawan ay galing sa http://srws.ycdsb.ca/0D6E78F5-0119EDCC.1/school-cartoon.gif, ika-14 ng Mayo, 2009.
Ni Anthony Ocampo