Mga Dyornal
Mga Dyornal
“Ng” at “Nang”
ni Dinna Gonzales
Ang paggamit ng salitang “ng” at “nang” ay isa sa mga pinakamadalas kong pagkakamali sa aking mga sulatin. Sapagkat noong bata pa ako, natutunan ko ang pagsasalita ng Filipino, at matagal na rin mula noong nagsulat ako ng mga pormal na mga sulatin, hindi bukas sa kaalaman ko na malaki pala ang pagkakaiba ng dalawa. Ngayon na nag-aaral ako ng Filipino sa kolehiyo, nais kong maiwasto ang paggamit ng dalawang salitang ito.
Ayon sa aking pagsasaliksik, ang salitang “ng” ay ginagamit kapag sinusundan nito ang isang pangalan, salitang pamilang, at possessive modifier. Ginagamit din ito bilang pantukoy sa paksa ng pangungusap. Ang salitang “nang” naman ay ginagamit bilang kasing kahulugan ng mga salitang noong, upang, para, na + ng, paano, kailan at gaano. Ginagamit din ito sa pamamagitan ng salitang inuulit tulad ng “Ginamit nang ginamit”.
Para mapahusay ko ang aking pagsusulat dapat mas batid ko ang kaibahang ito. Sa kasalukuyan, ang ginagawa ko upang ihasa ang aking abilidad ay ang pagsusulat ng tamang Tagalog sa pang-araw-araw kong buhay. Napansin ko na ginagawa ko ito kapag nagteteks ako o nakikipagkomunika sa pamamagitan ng Internet. Sa tingin ko, upang mas mapalawak pa ang kaalaman ko, ang dapat kong gawin ay magbasa ng mga artikulo sa wikang Filipino at pansinin ang tamang paggamit ng dalawang salitang ito.
Sources:
http://taglish.org/ang-wastong-gamit-ng-ng-at-nang/
The author reflects on her diffculties in understanding the differences between “ng” and “nang.” She explains her different uses of these terms and gives insight on strategies she plans to execute to improve her proper usage of “ng” and “nang.”
Ang Kailangan kong Gawin para Mapalawak ang Aking Kaalaman ng Wikang Filipino
ni Christian Frial
Ang kailangan ko pang gawin para mapalawak pa ang aking kaalaman ng wikang Filipino ay ang magbasa pa ng mga librong nakalimbag sa wikang Filipino. Magagawa ko ito sa pamamagitan ng pagpunta sa laybrari at humiram ng mga aklatang Filipino kagaya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Alam ko na marami na akong natutunan na wikang Filipino sa Pilipinas, pero gusto ko pang mapabuti ang aking kaalaman kagaya ng wastong paggamit ng salitang “kung” at ng salitang “kong.” Malalaman ko ang kaibahan ng mga salitang ito kung magtatanong ako sa aking guro at mapag-aralan ko ang aking librong Filipino 4. Ang aking karaniwang kamalian sa paggawa ng pangungusap ay kung saan ilalagay ang salitang “kung” at salitang “kong” sa isang pangungusap. Palagi akong nagkakamali sa pagsulat ng “kung” at ng “kong” dahil sa akin, parang pareho lang silang salita. Magagawa kong maiwasto ang aking mga kamalian sa pag-intindi ng kaibahan ng salitang “kung” at ng salitang “kong” kung magiging matiyaga ako sa pagsagot ng mga praktis na tanong sa libro. Una, kailangang unawain ko na ang “kung” sa Ingles ay “if” at ang “kong” ay ikalawang panauhan na panghalip na paari sa kaukulang NG na may pang-angkop na “–ng” na nangangahulugang “my” o “I” sa Ingles depende sa gamit sa pangungusap.
Ang isa pang dapat kong gawin para maging mabuti ang aking pagsasalita ng wikang Filipino ay sa pag-eensayo ng pagsulat sa wikang Filipino. Magagawa ko ito sa pamamagitan ng pagiging matiyaga sa pag-aaral at pakikinig sa aking guro sa loob ng klase. Ang isa pang dapat kong gawin ay magpraktis sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa libro na Filipino 4. Bukod sa pag-eensayo ng pagsusulat ng wikang Filipino, ang isa pang kamalian ko sa pagsusulat ay nahihirapan akong mag-organisa ng isang talata. Ang aking talata ay hindi epektibo dahil ang guro ay nalilito kung ano talaga ang ibig kong sabihin. Minsan ay hindi klaro ang aking sanaysay dahil hindi buo ang aking pangungusap. Kumakalat ang aking pangungusap minsan, dahil wala akong balangkas. Kailangan kong matutong gumawa ng balangkas bago ako mag-umpisang gumawa ng isang sanaysay. Ipinapangako ko na gagawa ako ng balangkas bago ako sumulat.
Ang gusto kong pabutihin pa ay ang aking pagsasalita sa harap ng aking mga kaklase at guro. Minsan nahihiya akong humarap sa mga tao dahil mahiyain talaga ako sa totoong buhay. Kinakabahan ako kung minsan, lalung-lalo na kung maraming tao ang nakatingin sa akin. Kailangan kong magtiwala sa aking sarili para maiwasan ko ang pagiging mahiyain sa klase. Kung hindi ko maiwasto itong aking kawalan ng tiwala sa sarili na kaugalian, maaapektuhan ang aking kinabukasan kung magtatrabaho na ako pagakatapos ng aking pag-aaral dito sa Unibersidad ng California, Los Angeles. Kailangan kong maging matiyaga, magtiwala sa sarili, at magbasa palagi ng mga akdang Filipino para mabihasa pa ang aking kaalaman sa buhay at sa aking pag-aaral dito sa eskuwelahan.
Ang Aking Karananiwang Kamalian sa Paggawa ng Wastong Pangungusap
ni Christian Frial
Ang aking karaniwang kamalian sa paggawa ng mga pangungusap ay kung saan ilalagay ang salitang “ng” at ang salitang “nang” sa isang pangungusap. Palagi akong nagkakamali sa pagsulat ng “ng” at ng “nang” dahil sa akin, parang pareho lang ang dalawang salita. Kahit na nanggaling ako sa Pilipinas, hindi Filipino ang aking unang wika kung kaya't nahihirapan akong umintindi ng kaibahan ng salitang “nang” at ng salitang “ng” dahil Bisaya ang unang wika ko. Maraming kaibahan ang salitang Bisaya at salitang Tagalog kung kaya’t nakakalito ito.
Alam ko na maaayos ko ang lahat ng kamalian ko sa pagsasalita ng tamang wikang Filipino kung magbabasa ako palagi ng librong Filipino at mag-aaral ako ng Filipino sa loob ng klase. Sa pagtatanong ko sa aking guro kung saan dapat ilagay ang salitang “ng” at “nang” sa isang talata. Sinabi niya sa akin na ang ”ng” ay inilalagay sa harap ng pangngalan at tagagawa ng aksyon ng mga pandiwang maliban sa pokus sa aktor. Samantala ang ”nang” ay pang-abay at pangatnig. Siguro sa hinaharap matututo rin ako ng wastong paggamit at kung saan dapat ilagay ang salitang “ng” at “nang.”
Paano ko Mapapaganda ang Pagsasalita at Pagbabasa ko ng Wikang Filipino
ni Billie Hassim
Kung gusto kong mapaganda ang pagsasalita at pagbabasa ko ng wikang Filipino, dapat palagi akong magpraktis ng aking pagbabasa nang malakas. Minsan habang nagbabasa ako, hindi ko naiintindihan ang binabasa ko kasi minsan hindi ko naiintindihan ang mga salita. Napansin ko na mas madali kong maintindihan ang binabasa ko kapag binabasa ko nang malakas. Habang nagbabasa ako, dapat guhitan ko sa ilalim ang mga salita na hindi ko alam. Pagkatapos kong magbasa, hahanapin ko sa diksyonaryo ang mga salita na ginuhitan ko at isusulat ko ang mga kahulugan ng mga salitang ito. Pagkatapos ko namang gawin ito, dapat basahin ko ulit ang binabasa ko. Medyo matagal ang paraan na ito, pero nakakatulong ito sa akin. Nakakatulong din ito sa pagpapalawak ko ng aking bokabularyo.
Sa pagsulat, araw-araw akong dapat magpraktis. Pwede akong gumawa ng kahit gaano karaming mga pahina sa workbuk para masanay lang ako sa wika. Gusto ko ang mga pagsasanay sa workbuk kasi talagang nakakatulong ang mga ito. Nakakatulong ang paulit-ulit na mga pagsasanay sa akin. Nakakatulong din ang workbuk kasi ang mga tanong ay tungkol sa mga binabasa ko. Hindi ko lang binabasa ang mga basahin para matapos ako, pero binabasa ko rin ito para maintindihan ko. Ang mga tanong sa workbuk ay sinisigurado na talagang naintindihan ko kung anong nangyayari sa binabasa ko.
Ang mga Napansin ko sa Aking Paggamit ng Wika
ni Billie Hassim
Ngayon na tapos na ang kwarter, maraming pagbabago akong napansin sa aking paggamit ng wika sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsusulat, pagbabasa, at pag-uunawa. Natutunan ko na ang mga tagumpay ko sa pag-aaral ng wika ay dahil sa mga pagsasanay. Mayroon na akong tiwala sa sarili ko sa pagsasalita, pagsusulat, at pagbabasa ng wikang Filipino.
Sa pagbabasa, natutunan ko na tamang-tama lang na hindi ko naiitindihan ang kalahatan ng binabasa ko. Mas maganda para sa akin na binabasa ko ang mga salita na hindi ko alam kasi parang mga balakid na dapat mapagtagumpayan ko. Kung hindi ko alam ang mga salita, hinahanap ko sa diksyonaryo. Isa sa mga resulta na napansin ko ay lumawak ang aking bokabularyo. Dati mga simpleng salita lang ang ginagamit ko, pero ngayon ginagamit ko na ang mga ibang salita na mas komplikado.
Sa pagsasalita, natutunan ko na dapat magpraktis ako ng pagbibigkas ko araw-araw. Mas madali para sa aking magsalita kung binabasa ko ang teksto ng ilang beses. Nakakatulong rin ang mga kaklase ko kasi iwinawasto nila ang mga maling pagbigkas ko. Nakakatulong rin na sa kapaligiran ng klase, dapat hindi magsalita ng wikang Ingles. Napipilitan akong magsalita ng Filipino pero gusto ko ito kasi sa klase lang ako nakakapagsalita ng Filipino sa mga panahon ngayon. Nagpapraktis ang mga magulang ko ng Ingles nila kaya hindi na nila ako kinakausap sa Filipino, pero pinipilit ko pa rin silang kausapin ako ng Filipino.
Banyagang Wika
ni Billie Hassim
Natutunan ko na talagang kailangan ng mga banyagang wika sa mataas na paaralan. Noong nasa hayskul ako, hindi ko pa naiintindihan ang kahalagaan ng mga banyagang wika. Para sa akin, kailangan ko lang mag-aral ng Prances para makatapos ako. Ngayon na nasa UCLA ako, nalaman ko na talagang magandang mag-aral ng ibang wika. Mas magandang mag-aral ng banyagang wika kasi nakakatulong ito sa pagpapaganda ng isip ng isang tao. Binubuksan ng mga banyagang wika ang isipan ng mga tao dahil pinapakita nito ang kung anumang pagkakaiba ng Ingles at ng ibang mga wika. Kung mawawala ang mga banyagang wika sa mataas na paaralan, hindi magiging malalim ang pag-aaral ng mga tao tungkol sa ibang mga kultura. Totoo na mayroong kasaysayan ng mga ibang kultura at bayan sa mataas na paaralan pero iba pa rin iyon. Mayroong may kinikilingan minsan ang kasaysayan ng mga Amerikano. Ipinapakita lang kung anuman ang mga mabuti para sa mga Amerikano. Kung gusto mong mag-aral tungkol sa ibang kultura, dapat talagang mag-aral ka ng banyagang wika kasi ito ang "gateway" o lagusan para sa ibang kultura. Kung nag-aaral ka ng ibang wika, nag-aaral ka rin tungkol sa kultura kasi nakikita ang kultura ng bayan sa pamamagitan ng wika. Halimbawa, sa pag-aaral ng Filipino, makikita mo na talagang magalang ang mga Filipino sa mga matatanda. Makikita mo rin ito sa wika sa paggagamit ng mga Pilipino ng mga paggalang na salita katulad ng “po” at “opo.” Hindi mo nakikita ang mga salitang ito sa wikang Ingles. Mahalaga ang mga maliliit na bagay katulad nito kasi ipinapakita ang kultura ng mga Pilipino sa pamamgitan ng wika. Iba talagang ang pag-aaral ng banyagang wika kasi parang gumagaan ang loob ko. Mas masaya ako ngayon kasi mas marami na akong natutunan tungkol sa kultura ng mga Pilipino. Dahil sa pag-aaral ng wikang Filipino, mas marami akong natutunan sa sarili ko kasi ngayon naiintindihan ko ang kulturang Pilipino at bakit mahalaga ang ibang mga bagay sa atin sa pamamgitan ng wika.
The above selection speaks about the importance of keeping language learning classes in institutions of higher education such as colleges and universities. The student reflects her experience with learning and improving her Filipino language skills, and how this has given her a stronger sense of how important the Filipino culture is for her development as an empowered Filipina.