Mga Tula

 

Malabon

ni Adrielle Bautista

Sa Baryo ng aking Gunita

Maputik, malubak, maingay.

Puno ng mga batang kalye.

Ang mundo ko mula pagtaas hanggang pagbaba ng araw.

Malabon.


ENGLISH:

The Neighborhood of my Memories

Muddy, downtrodden, clamorous

Filled with street children

My world from sunrise until sunset

Malabon.

Babae 

ni Jacob Goldberg

Ang babae ay bulaklak

pupol ng pabango

pero puno rin ng lakas

ang mga salita niya

maliwanag parang araw

tulad ng tubig

hindi nahihinto

sa pagbabago.

Pag-ibig

ni Michelle Pasco

Isang mainit na pakiramdam

na hindi kailanman umaalis

ganap at malaya

ang pagkatagpo ng isang  taong  

naniniwala sa akin

ginagawang mabuti

ang aking araw

sa lahat ng paraan.


ENGLISH:

Love

A warm feeling that never goes away

unconditional and free

finding someone who believes in me

making my day better in every way.

Babae

nina Eddie Celis at Paloma Doreza

Babae

maganda ang babae kasi matapang siya

umiikot ang mundo sa kanya

kung walang babae, walang buhay

mabait siya

alam niya kung paanong mag-alaga ng mga tao

matalino siya

nagtuturo siya ng pag-ibig

siya ay lakas at kapangyarihan

at seksi rin siya.

Babae

nina Michelle Pasco at Justin
Sabino

Mahaba ang buhok parang dagat

puwede akong lumangoy doon

mabango parang maraming bulaklak

gusto kong pumili ng isang mahusay na bulaklak

pero mayroon nang isang babae sa puso ko.

Babae

ni Carolina Smith

Nagluluto ang mga babae pero hindi lahat

ayoko ng mga isteryotipo

kasi katangi-tangi ang bawat babae

ayoko ng kulay rosas

ayokong paglingkuran ang mga lalaki

hindi ako mahina

malakas ang mga babae

kaya nagpakasal na may baso.

Tubig

ni Christian Frial


Ako ay parang tubig na dumadaloy galing sa Pilipinas patungo sa Amerika

Hindi ko alam ang landas ng buhay ko

Palagi na lang akong humihingi ng tulong sa Maykapal

Na sana bigyan Niya ng direksiyon ang buhay ko


Mahal ko ang pamilya ko

Lalung-lalo na ang ina at mga kapatid ko

Sila ang inspirasyon at nagbibigay ng lakas sa buhay ko

Kung wala sila hindi ko alam kung paano akong makaraos sa mundong ito


Simula sa pagkabata ay mahiyain ako

Pero mabait at matapat na kaibigan ako kung makilala mo ako nang totoo

Ako ay mapagbigay at matulungin sa aking kapwa

Lalong lalo na sa mga mahihirap na mga bata


Binibigay ko lahat ang makakaya ko sa mga gawain ko

Pero kung minsan madali akong sumoko

Marunong akong magsakripisyo

Para sa ikakabuti ng buhay ko


Ang pangarap ko sa buhay ay makatulong sa aking kapwa

Lalung-lalo na sa mga batang mahihirap at sa mga may kapansanan

Hindi ako naghahangad nang maraming pera sa buhay

Ang gusto ko lang ay maging maligaya ang aking buhay at makaiwas sa mga kasalanan


Ako ay relihiyoso

Pumupunta ako sa simbahan tuwing Linggo at nagkukumpisal tuwing Sabado

Tapat ang pananalig ko sa Maykapal

Siya ang nagbibigay ng pag-asa at tapang sa aking buhay simula sa Pilipinas hanggang sa Amerika


Nagpapasalamat ako sa Maykapal

Sa lahat ng biyaya na binigay nila sa buhay ko

Ipinapatnubaya ko na lang ang aking buhay sa Kanya

Siya na lang ang bahala sa aking buhay na parang tubig na dumadaloy sa mundong ito.


ENGLISH:

Water


I am like water that flows from the Philippines to the United States

I do not know what my future is

I always ask help from the above

In order to have a direction in life


I love my family

Especially my mother and my siblings

They are my inspiration and strength in my life

Without them I do not know how to deal with life in this world


Since I was a child I was shy

But I am nice if you know me well

I am generous and helpful to others

Especially the poor and the children


I give everything I have in anything I do

But sometimes I give up easily

I know how to sacrifice

So that my life will be better


My dream in life is to help my fellow citizens

Especially those poor people and those who have disabilities

I do not dream of having lots of money

What I want in life is happiness and free from sins


I am a religious person

I always go to church every Sunday and I always go to confession every Saturday

I have a strong faith in the heavens above

They give me hope and courage moving from the Philippines to the United States


I thank the heaven above

For all the blessings that come my way

I let the heaven above decide my fate

I let them take care of me like water flowing in this world.

Apoy

ni Billie Hassim

Parang isang apoy ako,

Pwede akong maging ilaw sa dilim,

At pwede rin akong magpainit kung malamig.

Marunong akong magmahal,

At marunong din akong magalit.

Pwede kitang tulungan,

O pwede kitang pasuin.

Depende ito sa iyo.

ENGLISH:

I am like a fire,

I can provide warmth when it is cold,

I know how to love,

And I also know anger.

I can help you,

Or I can burn you.

This all depends on you.

Hangin

ni Dinna Gonzales

Ako ay tila hangin

Sa malayo, di napapansin

Ngunit pag napalapit,

Mararamdaman mo ang aking hagupit

Pag ika’y malungkot o nayayamot

Ang aking yakap ang sa iyo’y babalot

Pag kaibigan ang iyong hinahanap

Ako’y darating mabilis pa sa isang iglap.

ENGLISH:

Wind

I am like the wind

Unnoticeable from a distance

But when I come close

You will feel my presence

When you are sad or bored

I will wrap you in my embrace

When you need a friend

I’ll be there faster than a wink .

Talambuhay

ni Megan D. Villamin


Ako ay apoy na lumiliyab sa madilim na gabi,

Binibigyan ko ng liwanag ang mga naaapi,

Inaalayan ko ng init ang mga nagiginaw,

Ako ang apoy na nagmumula sa araw.


Ako ay lupa na nagbibigay ng buhay,

Pagkain, damit, at gamot ang aking alay,

Huwag mong abusuhin ang aking kabaitan,

Sapagkat ayaw kong mawasak ang ating pagkakaibigan.


Ako ay tubig na kailangan ng lahat,

Ginhawa sa uhaw ay sa akin nagbubuhat,

Matatagpuan mo ako sa maraming  sulok ng mundo,

Nandito lang ako, kaya’t sana ako’y gamitin nang wasto.


Ako ay hangin na iyong malalanghap,

Ako ang hangin na iyong nasasagap,

Nandito lang ako para ikaw ay makahinga,

Haplos ko sa iyong pisngi ay pahiwatig ng aking pagkalinga.


Ang apat na elemento ang kumakatawan sa aking pagkatao,

Kilalanin mo sila upang makilala mo rin ako,

Nais kong makipagkaibigan sa iyo na nagbabasa nito,

Ako si Megan, at ito ako.




 
 
 

< nauna