Mga Pamilya at Bayani Namin

 

Ina

ni Megan Villamin

Tunay na wagas ang inyong pagmamahal,

Ito ay mamamalas sa inyong pagpapagal,

Ang inyong pagsusumikap ay para lamang sa amin,

Ang pagpapasalamat sa’yo habambuhay, ang aking layunin.


Salamat sa suporta sa aking mga pangarap,

Dahil sa inspirasyong ibinibigay ninyo, palagi akong nagsusumikap

Salamat sa pagkakalinga at pag-aaruga,

Ipinaparamdam n’yo sa akin palagi na ako ay mahalaga.


Salamat sa pagbibigay sa akin ng aking mga pangangailangan,

Pati na rin ang ibang luho na sa akin ay pinagbigyan

Salamat sa lahat ng hirap n’yo para lang ako’y mapasaya,

Kayo ang siyang unang sa akin ay nagpaligaya


Salamat sa buhay na ipinagkaloob n’yo sa akin,

Sa buhay na puno ng ligaya dahil sa ugali n’yong mabuti

Hindi lang ang pabibigay-buhay ang pinapasalamatan ko

Kung hindi ang pagbibigay ninyo ng kahulugan sa aking pagkatao.

Ang Aking Bayani

ni Hannah Garcia

   
Ang aking bayani ay si Teresa Garcia.  Siya ang aking nanay.  Ipinanganak siya sa Angeles, Pampanga sa Pilipinas noong ika-15 ng Abril, 1969.  Siya ay malakas, matalino at maganda.  Siya ang nagsilang sa akin at masuwerte ako dahil sa kanya.  Inaalagaan niya ako at ang mga kapatid ko kapag may sakit kami.  Nagbibigay siya ng mga magagandang payo sa amin.  Naniniwala rin siya sa akin.  Mahilig akong mamasyal nang kaming dalawa lang.  Mahusay at magara siyang manamit, at sumusunod siya sa uso.  Mukha siyang kapatid ko.   Ang nanay ko ay ang aking bayani dahil isa siyang ulirang babae.  Siya ay kaibigan ko at mahal na mahal ko siya.
    My hero is Teresa Garcia.  She is my mother.  She was born in Angeles, Pampanga in the Philippines on April 15, 1969.  She is strong, smart, and beautiful.  She gave birth to me, and my life is fortunate because of her.  She takes care of me and my brothers whenever we are sick.  She gives us good advice.  She also believes in me.  I like shopping and walking around with her.  She is well-dressed and elegant, and she is fashionable. She looks like my sister.  My mom is my hero because she is a model woman. She is my best friend, and I love her very much.

Mahal Kong Ina

ni Christian Chester Firmalino Frial

    Nagpapasalamat po ako sa inyong sakripisyo at pag-aaruga sa akin simula noong pagkabata hanggang sa paglaki ko. Hindi po ninyo sinasabi na mahal ninyo ang inyong mga anak, pero nakikita namin kung papaano kayo magmahal sa amin sa mga kilos at mga ginagawa ninyo para sa ikabubuti naming magkakapatid. Nagtatrabaho kayo araw-araw bilang isang guro para mabigyan kami ng pagkain, damit, at para matustusan ang aming matrikula sa paaralan.

    Kayo ay isang ulirang ina, dahil ginagawa ninyo ang lahat para lumaki kaming may takot sa Mahal na Panginoon at kayo po ang aming gabay sa aming magandang kinabukasan. Alam naming magkakapatid na inuuna po ninyo palagi kaming mga anak ninyo bago ang inyong sarili. Gaya nang hindi n’yo pagbili ng mga magagarang damit o bagay para sa sarili ninyo, dahil iniipon n’yo ang inyong pera para sa darating na gastusin ng ating pamilya. Nagsasakripisyo kayo para sa ikakabuti naming magkakapatid.

    Nagpapasalamat po ako sa inyo Inay sa pagtuturo ninyo sa akin ng relihiyong Kristiyanismo at sa mga magagandang asal na itinuro ninyo sa akin. Nandiyan ka palagi upang pangaralan ako nang wastong gawain upang malampasan ko ang mga hamon sa aking buhay. Naging responsable ako sa buhay dahil sa mga mahahalagang payo ninyo sa akin habang ako ay lumalaki. Kung wala kayo, hindi ako makakarating sa aking kinalalagyan ngayon.

    Mahal na mahal kita, Inay. Nahihiya akong sabihin sa harap ninyo, dahil hindi po kayo masyadong nagpapahayag ng inyong damdamin. Pasensya na po kayo sa aking mga pagkukulang. Alam ko po na kayo lang ang isa sa mga taong nagmamalasakit sa akin anuman ang mangyari. Ginagawa po ninyo ang lahat para sa aking ikabubuti at sa ikauunlad ng aking buhay. Ipinapangako ko pong gagawin ko ang lahat para makapagtapos ako sa aking pag-aaral para mapaligaya kayo. Hayaan n’yo po Inay sa pagtanda ninyo, ako ang mag-aaruga sa inyo. At saka susuklian ko po ang lahat ng mga sakripisyong ginagawa ninyo para sa akin. Sana masaya kayo na kahit papaano ay naging matagumpay kaming mga anak ninyo. Alam po ninyo na ang lahat ng ginagawa ko ay para sa inyo, para maging masaya kayo.


Ang Bayani Ko

ni Daphne Rabot

   
Ang aking bayani ay ang nanay ko.  Ipinanganak siya sa Cavite, Pilipinas noong ika- 31 ng Enero, 1963. Siya ang panganay sa limang magkakapatid. Noong 1978, ang nanay ko at ang pamiliya niya ay lumipat sa Carson, California noong dalagita siya. Siya ay ikinasal noong 23 taong gulang at mayroon siyang apat na anak. Lagi niyang sinisikap na mapahusay ang kanyang pamilya. Noong 2000, nagkasakit siya sa bato. Siya ay nag-diyalisis ng anim na taon at noong 2006, sa wakas, siya ay tumanggap ng kidney transplant. Pagkalipas ng isang taon, bumalik siya sa trabaho at hindi na niya kinailangang mag- diyalisis ng tatlong beses kada linggo. Ang aking bayani ay ang aking ina dahil kailanman ay hindi niya binigo ang kanyang pamilya at hindi rin siya sumuko sa buhay. Nagpatuloy siyang manatiling malakas para sa kanyang sarili at para sa aming pamiliya. Siya ay responsable, maalaga, at masikap. Siya ay nagpapakita na malalampasan namin ang anumang balakid sa buhay namin hangga't sa kami ay hindi sumusuko.


    My hero is my mom.  She was born in Cavite, Pilipinas on January 31, 1963.  She is the oldest of five siblings.  Her family moved to the United States when she was a teenager.  She got married at the age of 23 and has four children. She always tried her best to support her family and in 2000 she was diagnosed with kidney failure. She underwent dialysis for 6 years and in 2006 she finally got her kidney transplant. After one year she went back to work and no longer has to go to dialysis three times a week. She is my hero because she never gave up on our family and in life, she continued to stay strong not only for herself but for our whole family. She has always been a responsible, caring, and determined.  She demonstrates that we can get passed any obstacle that life has in stored for us as long as we never quit.


Ang Aking Bayani

ni Natasha Sumabat

   
Ang aking bayani ay kuya ko.  Ang pangalan niya ay Darren, at halos siyam na taon na ang nakalipas mula nang pumanaw siya.  Siya ay labing-anim na taong gulang lamang at nasa isang wheel chair siya.  Siya ang aking bayani dahil sa kabila ng maikling panahon niya dito sa lupa, nabuhay siya nang ganap.  Hindi niya pinayagan ang kapansanan niyang mapigilan siyang mabuhay nang lubusan. Siya ay isang masayahing bata at mahilig sa kasiyahan. Sa kabila ng kaniyang kapansanan, mahilig siya sa isports at magaling siyang magbasketbol.  Siya ay maraming responsibilidad bilang isang binatilyo.  Dahil ang aking mga magulang ay abala sa trabaho, siya ang nag-aalaga sa akin at sa aking kapatid.  Matalino siya at tinutulungan niya ako sa aking mga takdang-aralin. Ngunit ang tunay na hinahangaan ko sa kanya ay ang lakas at kahustuhan ng isip niya.  Matinding sakit ang tiniis niya mula sa sakit at paralisis.  Kahit na siya ay isa lamang binatilyo, matapang siya at maraming dinanas;  pisikal, sa damdamin, at sikolohikal. Ang kaniyang positibong pananaw at matatag na kalooban ay ang nagturo sa akin na huwag balewalain ang kahit anong bagay at lasapin ang bawat araw na nabubuhay pa ako.  Ang aking kuya ay ang aking bayani. Palagi ko siyang mamahalin at isisilid sa aking ala-ala.

    My hero is my brother. His name is Darren and it has been almost nine years since he died. He was only sixteen years old and in a wheel chair. He is my hero because despite his short time here on earth, he lived his life to the fullest. He did not let his disability stop him from enjoying his life. He was a happy child and loved to have fun. Despite his disability, he loved sports and had a passion for basketball. He had plenty of responsibility as a teenager. Since my parents are busy at work, he cared for our brother and me. He was smart and helped me with my homework. But what really makes him my hero is his strength and maturity. He suffered much in his illness and paralysis. Although he was only a teenager, he was brave and experienced much- physically, emotionally, and psychologically. His positive spirit and strong personality taught me to never take anything for granted and to enjoy every day I have. My brother is my hero. And I will always love and remember him.


Ang Aking Bayani

ni Donnaly Natividad

    Ang nanay ko ay ang aking bayani. Ipinanganak siya sa Tarlac sa Pilipinas noong ika-17 ng Disyembre, 1952. Anim ang mga kapatid niya. Parang siya ang nanay sa kanilang magkakapatid. Laging siyang mabait, kahit na walang may gusto sa kanya. Tumutulong siya sa mga nangangailangan ng tulong niya. Pumunta siya sa Amerika noong Labor Day, 1982. Noong dumating siya rito, wala siyang pera, pero nagsumikap  siya sa paghahanap ng trabaho. Ibinibigay niya ang lahat sa akin at sa kapatid ko kasi talagang mahal niya kami. Napakahusay niyang ina, kung kaya’t siya ang aking bayani.

    The author is reflecting on why her mother is her hero, mentioning how she is very helpful, persistent, and loving.



Ang Pamilya Ko

ni Jacob Goldberg

    Ang pamilya ko ay kinabibilangan ng aking tatay, nanay, dalawa kong kapatid na lalaki, at isang kapatid na babae. Ako ang panganay. Labinsiyam na taong gulang na ako. Labimpitong taong gulang si Breenah, ang aking kapatid na babae. Labindalawang taong gulang si David, at walong taong gulang si Yosef. Jingle ang pangalan ng aming nanay. Taga-Pilipinas siya, mula sa bayan ng Laguna. Lumipat siya sa Simi Valley, California noong 1970 kasama ng magulang niya. Alan ang pangalan ng tatay ko. Ipinanganak siya sa New York. Hudyo ang pamilya niya, pero hindi siya napaka-relihiyoso. Nag-aral siya sa George Washington University, at tumira siya sa Atlanta, Georgia, at pagkatapos sa Richmond, Virginia. Lumipat siya sa California para mag-aral sa eskuwela ng batas. Nagtrabaho siya sa isang opisina kung saan ang aking nanay ay isang resepsyonista. Nakilala nila ang isa’t-isa, at nagpakasal sila. Naging Hudyo ang aking nanay, at ngayon Hudyo at umaayon sa kaugalian ng Hudyo ang buong pamilya ko. Hindi Hudyo ang mga lolo’t lola ko, pero natutuwa sila sa pag-aaral tungkol sa aming kultura. Gayundin, gusto ko at ng aking mga kapatid ang pag-aaral tungkol sa kultura ng Pilipinas. Naglakbay ako at si Breenah sa Pilipinas at nakilala namin ang pamilya namin doon. Perpektong timpla ng mga kultura ang aking pamilya.


English:

I have one father, one mother, two brothers, and one sister. I am the eldest sibling. I am nineteen years old. Breenah, my sister, is seventeen years old. David is twelve years old, and Yosef is eight years old. Jingle is our mother’s name. She is from Laguna, Philippines. She moved to Simi Valley, California in 1970, together with her parents. Alan is the name of my father. He was born in New York. His family is Jewish, but he himself is not very religious. He studied at George Washington University, and has lived in Atlanta, Georgia and Richmond, Virginia. He moved to California to attend law school. He worked in an office where my mother worked as a receptionist. They met, and they got married to each other. My mother converted to Judaism, and today my whole family is Jewish and observant. My grandparents are not Jewish, but they enjoy learning about our culture. Also, my siblings and I love learning about the culture of the Philippines. Breenah and I have traveled to the Philippines, and have met our family there. My family is the perfect blend of cultures.

Ang Pamilya Ko

ni Sheila Hull

    Ang aking pamilya sa panig ng aking ina ay dumating sa Amerika mula sa Baguio sa Pilipinas sa simula ng taong 1988. Mayroon akong sampung tiya at tiyo na nandito sa Amerika. Halos lahat ng aking pamilya, ay madaldal, maliit, bukas-loob, masayahin, at masipag magtrabaho. Ang karamihan ng aking mga tiya ay mga nars o kaya’y mga CNA, Certified Nurse Assistant. Dalawa sa aking mga tiyo ay nagtatrabaho sa isang pabrika, at ang aking pinakamatandang tiyo ay nagtatrabaho sa isang psych ward at sa isang laundromat. Ang aking lolo, si Guver Hull, ay namatay limang taon nang nakakalipas. Ang aking lola na si Agnes Hull ay buhay pa, inaalagan niya ang aking tiya na may kapansanan sa isip. Mayroon akong isang malaking pamilya kaya mahirap makipag-usap sa bawat isa. Ang mga pangalan ng aking mga tiya ay Belinda, Joyce, Nora, Bertha, Annabel, Alda, at Marjorie. Ang mga pangalan naman ng aking mga tiyo ay Elmer, Dennis, at Jonathan.

    Ang aking pamilya ay nakarating sa Estados Unidos sa pamamagitan ng aking lolo, na nag-ipon ng kanyang pera mula sa pagtatrabaho sa isang panaderiya at sa pensiyon galing sa militar. Isinama niya muna ang aking ina, ang aking Tita Belinda at ang kanyang mga anak, at ang aking Tita Bertha dito sa Estados Unidos. Pagkatapos, bumalik siya sa Pilipinas para sa aking lola at para sa isa pang grupo ng aking mga tiya at tiyo.  At sa nakalipas ng ilang mga taon, isinama niya ang aking mga tiyo at tiya na naiwan sa Pilipinas.

    My family, on my mother’s side, began coming to America from Baguio, Philippines starting the year 1988. I have ten aunts and uncles who all came to the United States. My family, as a whole, is talkative, short in height, spontaneous, happy, and hardworking.  My aunts, by majority, are nurses (CNAs), two of my uncles work in a factory, and my oldest uncle works in a psych ward, as well as in a laundromat. My grandfather, Guver Hull, died five years ago. My grandmother, Agnes Hull, is still living, and she takes care of my mentally impaired aunt.  I have a large family, so it is difficult to speak of each family member individually.  The names of my aunties are Belinda, Joyce, Nora, Bertha, Annabel, Alda, and Marjorie. The names of my uncles are Elmer, Dennis, and Jonathan.
    My family came to the United States through my grandfather, who saved the money he had earned from working in a bakery store and from a pension given to him by the military.  He first brought my mother, my Aunt Belinda and her child, along with my Aunt Bertha. Then, he returned to the Philippines for my grandmother and for another portion of my aunts and uncles, and a few years later, he sent for the rest of my uncles and aunties in the Philippines.


 
 
 

sunod >