Mga Kuwento

 

Ang Alamat ng Butiki

ni Hazel Abaya








    Noong unang panahon, may mag-inang nakatira sa tabi ng isang gubat.  Si Aling Rosing, ang ina, ay relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at tinuruan niya at sinanay ang kanyang anak na lalaki na magdasal bago sumapit ang gabi. Ang anak naman, si Pedro, ay napakabait at sobrang masunurin. Palagi niyang sinusunod ang mga utos ng kanyang nanay. Bago dumilim, umuuwi siya para masamahan ang kanyang nanay sa pagdarasal sa harap ng kanilang bahay.

    Sa paglipas ng panahon, tumanda si Aling Rosing, at naging isang makisig na binata si Pedro. Si Aling Rosing ay palagi na lang nananatili sa bahay at nagpapahinga, samantalang si Pedro ang siyang naghahanap ng pagkain sa araw-araw. Hindi pa rin nalilimutan ni Pedro ang magdasal gabi-gabi.

    Isang araw, habang nangunguha ng bungang-kahoy si Pedro sa kagubatan, may nakilala siyang isang babae. Ang pangalan niya ay Elena. Si Elena ay isang magandang babae, kung kaya’t agad na napaibig si Pedro rito. Dahil sa panunuyo ni Pedro kay Elena, gabi na ito nang makauwi.

    “Anak, hindi mo ako nasamahang mag-orasyon,” ang wika ni Aling Rosing kay Pedro.

    “Pasensiya na po, ‘nay! Mahirap kasing maghanap ng mga prutas sa gubat,” sabi ni Pedro.

    Dumalas ang pagdalaw ni Pedro kay Elena sa gubat. Talagang nahulog si Pedro para sa dalaga. Biglang sinabi ni Elena, “Parang hindi ko nararamdaman na tunay mo akong minamahal, kaya hindi na tayo dapat magkita.”

    “Bakit? Ano ang dapat kong gawin para mapatunayan ko sa iyo ang pag-ibig ko?” tanong ni Pedro.

    “Maniniwala lamang ako, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina bago maghatinggabi!” ang matigas na wika ni Elena.

    Nagulat si Pedro sa narinig niya, at hindi siya makapaniwala. Umuwi siya nang malungkot ng gabing iyon. Niyaya niya ang nanay na magdasal sa harap ng kanilang bahay.  Subalit habang nagdarasal sila, iniisip ni Pedro ang matinding nararamdaman niya para kay Elena. Biglang hinugot ni Pedro ang kanyang itak at sinaksak niya si Aling Rosing sa likod. Bumagsak siya sa lupa, at sa kanyang huling hininga ay sinabi niya kay Pedro habang umiiyak, “Anak, bakit? Anuman ang dahilan mo ay pinatatawad kita. Basta’t humingi ka ng tawad sa Diyos. Malaki ang kasalanang idinulot mo sa sarili mong ina.”

    Nang narinig ito ni Pedro, nagsisi siya at humingi ng tawad nang bumalik sa katinuan ang kanyang isip, “Patawarin n’yo po ako!” wika ni Pedro.  Siya ay labis na umiyak lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.

    Kasabay niyon ay agad na nagbago ang anyo ni Pedro. Siya ay naging isang maliit na hayop na may buntot. Si Pedro ay naging isang butiki, ang kauna-unahang butiki sa daigdig.

    Natanaw ni Pedro ang kanyang mahal na Elena sa malayo. Kinilabutan si Pedro nang makita niyang nagbago rin ng anyo si Elena, at naging isang napakapangit na engkanto. Habang palapit ito, sa takot ni Pedro ay gumapang siya sa pader ng bahay hanggang sa naabot niya ang kisame. Para maabutan ng engkanto ang butiki, nag-ibang anyo ulit ito at naging isang kulisap. Nang lumipad ito sa kisame ay agad na kinain ni Pedro ang kulisap. Wala na ang engkanto.

    Habang buhay na nagsisi si Pedro, at bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Pedro at ang sumusunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim para magdasal.

    Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa paniniwala nila ay mga buktot na engkanto.


ENGLISH: 

   Long ago, there was a mother and her child who lived near a forest.  Aling Rosing, the mother, was a religious woman. She always prayed, and she taught her son to pray before night came. The son, Pedro, was a very kind and obedient child. He always obeyed his mother’s bidding. Before it gets dark, he made it a point to come home to accompany his mother in prayer outside their house.

    As time passed, Aling Rosing grew old, and Pedro became a strong, young man. Aling Rosing always remained at home and rested, while Pedro went out to find food every day. He  never forgot to pray every night.

    One day, while he was gathering wood in the forest, he met a girl. Her name was Elena. Elena was a beautiful lady, so Pedro immediately fell for her. Because he was courting and spending much time with her, he came home late at night.

“Child, you didn’t join me in prayer,” said Aling Rosing to Pedro.

“I’m so sorry, mother! It was hard to find fruits in the forest,” said Pedro.

    Pedro frequently visited Elena in the forest. He completely fell in love with the girl. She suddenly said, “I feel that you really don’t love me, so we shouldn’t see each other anymore.”

“Why? What must I do to prove my love for you?” Pedro asked.

“I will only believe you, if you give me the heart of your mother before midnight!” Elena harshly replied.

    Pedro was taken aback by what he heard, and he could not believe his ears. He sadly went home that night. He invited his mother to pray in front of their house. But while they were praying, Pedro was consumed by his longing for Elena and so he suddenly swung out his bolo and struck his mother from the behind. She fell to the ground, and with her final breath she tearfully told Pedro, “My child, why? Whatever your reason is, I forgive you as long as you ask for forgiveness from the Lord. You have committed a grave sin to your own mother.”

    When Pedro heard this, he repented and asked for forgiveness as he came back to his senses. “Please forgive me!” He exclaimed. He cried excessively especially when his mother passed away.

    At the same time, Pedro metamorphosed into a small animal with a tail. Pedro became a lizard, a butiki, the first one of its kind in the world.

    Pedro spotted his beloved Elena from afar. But he was appalled when she turned into a very ugly witch. While the witch approached him, in his fright Pedro ran to the wall and climbed all the way up to the ceiling. For the witch to reach the lizard she changed her form once again and turned into an insect.  When she flew to the ceiling, Pedro instantly gobbled her up. The witch was now gone.

    Pedro was eternally repentant for what he did, and in memory of his own mother, it was said that Pedro and his descendants continue to kiss the earth to pray before it got dark.

    Until now, the butikis continue to gobble the insects because they believe that it is the witch changed into this form.

Ang Apat na Dragon

ni Jeremy Encarnacion


    Noong unang panahon, sa sinaunang Tsina kung saan walang mga ilog o lawa, may nabubuhay na apat na dragon: ang Mahabang Dragon, ang Dilaw na Dragon, ang Itim na Dragon, at ang Perlas na Dragon. Isang araw, habang sila ay naglalaro ng taguan sa mga ulap ay kanilang napansin ang isang baryo ng mapapayat at kulang sa pagkain na mga tao.  Kanilang napansin ang isang matandang babae na noon ay nananalangin sa mga diyos. Sinabi nito, "Mangyari lamang mahal na Diyos, magdala kayo ng ulan nang sa gayon ang aming mga pananim ay lumaki at magkakaroon kami ng makakain." Dahil sa awa sa panalangin na ito ng matandang babae, lahat sila ay nagpasya na lumapit sa Jade Emperor, na mayroong kapangyarihang gumawa ng kahit ano, para matupad ang hiling na ito ng babae at dalhin ang ulan papunta sa barangay na ito. Ang Jade Emperor, makasarili at ganid ay sinabi na payag siyang gawin ito, ngunit 10 araw na ang lumipas at ang ulan ay hindi pa rin dumarating sa barangay na ito. Ang mga tao ay nagsimulang kainin ang kahit ano na maaaring mahanap, balat mula sa katawan ng puno, sa putik. Kaya, ang apat na mga dragon ay nagpasyang sadlukin ang tubig mula sa Dagat Silangan sa kanilang bibig at iwisik ito sa barangay na ito, kahit na alam nila na ang Jade Emperor ay galit na galit sa kanilang ginawa. Ang mga tagabaryo pagkatapos ay nakapagpatubo ng kanilang mga tanim at  nakakain at nabuhay muli. Gayunman, nang nalaman ito ng Jade Emperor ito ay lubhang nagalit. Dahil dito, inilagay niya sa apat na malalaking bundok ang bawat isa sa mga dragon at ikinulong ang mga ito. Dahil buo sa kalooban ng mga dragong gawin ang mabuti para sa tao magpakailanman, ginawa nilang mga ilog ang kanilang mga sarili, na dumadaloy mula sa mga matataas na bundok at malalalim na libis, tumatawid sa mga lupain mula sa kanluran patungo sa silangan, at sa wakas humahantong sa dagat. At bunga nito ang, apat na malalaking ilog ng Tsina ay nabuo: ang Heilongjian (Black Dragon), ang Huanghe (Yellow Dragon), ang Yangtze (Long Dragon) at ang Zhujiang (Pearl Dragon).


ENGLISH:


The Four Dragons

    Once upon a time, in ancient China where there were no rivers or lakes, there lived four dragons: the Long Dragon, the Yellow Dragon, the Black Dragon, and the Pearl Dragon. One day, they were playing hide and seek in the clouds and noticed a village of thin and undernourished people. They noticed one old woman who was praying to the gods. She said, “Please gods, bring down rain so our crops will grow and we will have food to eat.” Touched by this old woman’s prayer, they all decided to ask the Jade Emperor, who had the power to do anything, to fulfill this woman’s request and bring down rain onto this village. The Jade Emperor, selfish and greedy, said he agreed to do this, but 10 days passed and rain did not come upon this village. People began to start eating whatever they could find, from tree bark to clay. So, the four dragons took matters into their own hands and scooped water from the Eastern Sea into their mouths and sprayed it on this village, although they knew the Jade Emperor would be mad at what they did. The villagers then were able to grow crops and were able to eat and survive again. However, the Jade Emperor found out and was extremely angry. Because of this, he placed the four great mountains on each of these dragons and imprisoned them. Determined to do good for the people forever, they turned themselves into four rivers, which flowed past high mountains and deep valleys, crossing the land from the west to the east and finally emptying into the sea. And as a result, China's four great rivers were formed: the Heilongjian (Black Dragon), the Huanghe (Yellow Dragon), the Yangtze (Long Dragon) and the Zhujiang (Pearl Dragon).

Ang Kuwento ng Sampaguita

ni Stephanie Mercier


    Noong unang panahon, may babae na nangangalang Stephanie at lalaki na nangangalang Kyle. Nakatira si Stephanie sa Maynila ngunit nagpupunta siya sa bukid ng kanyang Tita sa Ilocos Sur tuwing tag-init. Kapitbahay ng Tita ni Stephanie si Kyle. Tuwing tag-init, naglalaro si Stephanie at Kyle sa kabukiran. Hindi nagtagal, naging matalik silang magkaibigan. Pinakamalungkot  ang mga huling araw ng bakasyon para sa dalawa dahil magkakalayo na naman sila. Iniisip palagi ni Stephanie ang pagbabalik niya sa probinsya tuwing nasa Maynila siya dahil doon siya pinakamaligaya.

    Noong tumanda na sila, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Isang gabi, bago tumungo si Stephanie sa Maynila, naglakad ang dalawang nagmamahalan papunta sa tabing-dagat. Pinulot ni Stephanie ang isang magandang kabibe galing sa buhangin. Hinawakan niya ito nang mahigpit at napatakan ito ng luha sa sobrang pagkalungkot ng dalaga. Itinago niya ito at inilibing sa likod ng bahay. Kinabukasan, nasorpresa siya nang nakita niya ang isang halaman na may maliit at puting bulaklak na tumutubo kung saan niya inilibing iyong kabibe. Kinuha niya ang bulaklak at dali-daling dinala kay Kyle. Ibinigay niya ito kay Kyle at sinabi, “Bago ako umalis, ito ang bulaklak na sumasagisag ng tunay kong pagmamahal sa iyo.”


ENGLISH:

Story of Sampaguita

    There once was a girl named Stephanie and a boy named Kyle.  Stephanie lived in Manila, but stayed at her Aunt’s farm in Ilocos Sur during the summer.  Kyle lived in the small house next door.  During the summer, Stephanie and Kyle spent every afternoon playing in the fields. Soon, they became best friends.  The end of summer was always the saddest time of year because Stephanie had to return to school in Manila.  Throughout the year, Stephanie longed to return to Ilocos Sur to be with her friend.  She was always the happiest when she was there.

    When they grew older, they started to fall in love.  One summer night before she had to leave for Manila, they walked on the beach together and Stephanie picked up a beautiful shell from the sand.  As she held it, she was very sad that she had to leave Kyle and so a single tear dropped onto it.  She kept it and buried it in the dirt behind the house.  The next day, she was surprised to see that a green plant with a small white flower had grown where she had buried it.  She plucked the small white flower and brought it to Kyle and said “Before I leave, take this flower, and with it my love.”

Kung Bakit Maalat ang Dagat

ni Michelle Pasco


    Maraming taon na ang nakaraan, ang tubig-dagat ay lasang ordinaryong tubig-ulan. Ito ay matabang at walang lasa. Masuswerte ang mga taong nakatira sa mga isla na may kilalang isang mabait na higanteng nag-iingat ng isang bunton ng asin sa kanyang yungib.

    Ang mga tao ay tumatawid sa dagat sakay ng kanilang mga bangka upang maabot ang isla ng mabait na higante. Ito ang paraan kung paano nila nadadala ang asin sa kanilang mga nayon na siya nilang ginagamit sa paghahanda ng malasang pagkain.

     Isang araw, may daluyong sa dagat at hindi sila maaaring tumulak papunta sa isla upang magtipon ng asin. Sa huli, naubos nila ang asin at ayaw na ng mga tao ang pagkaing walang lasa. Nag-isip sila ng paraan kung paano makakakuha ng asin muli. Iminungkahi ng isang bata na tanungin nila sa higante kung maaaring iunat nito ang kanyang mga paa sa ibabaw ng karagatan upang sila ay makalakad papunta sa kaniyang isla.

    Pumayag ang mabait na higante at ‘yung mga tao na may dalang mga sakong walang laman na asin ay nagsilakad sa binti na higante. Sa kasamaang-palad, yung paa ng higante ay bumagsak sa isang punso, at ang galit na galit na mga pulang langgam ay nagsimulang kagatin ang  binti ng higante.

    “Madali” sinabi na higante, na pilit na pinapapanatiling huwang tuminag ang kanyang mga makakating binti.

    Pagkarating ng mga tao sa isla ng higante, inurong agad ng higante ang kaniyang paa at kinamot niya ang mga kagat. Napangiti ang mga baryo na ang isang higante ay naaabala ng maliliit na langgam.

    Gayunpaman, nakakuha ang mga tao ng asin at iniunat uli ng higante ang binti nito sa ibabaw ng dagat. Kaagad, nagsimulang kumagat ang mga langgam sa namamagang paa ng higante. Sinabi muli ng higante sa mga tao na magmadali, pero ang mga mabigat na sako ng asin ay nagpabagal sa kanila.

    Isa pa, hindi naniniwala ang mga tao na ang mga maliliit na langgam ay talagang nakakaapekto sa higante, kaya nag-usapan sila at lumakad sila nang dahan-dahan.

    Bago makatawid ng dagat ang mga tagabaryo, sumigaw ang higante at inilubog sa dagat ang kanyang paang kinagat ng langgam. Lahat ng nakasakong asin ay nahulog sa dagat at natunaw.

    Nailigtas ng higante ang mga tao sa pagkalunod, pero walang nakasagip sa nabubong asin. Mula sa araw na iyon, ang dagat ay naging maalat.


ENGLISH:   

Why the Sea is Salty

    Many years ago, the sea tasted like ordinary rainwater. It was bland and tasteless. Fortunately, the people living in the islands knew about a friendly giant who kept mounds of salt in his cave.

The people would cross the ocean on their boats to reach the gentle giant's island, and that is how they were able to bring salt back to their villages, in order to prepare tastier meals.

    One time, however, the ocean was quite rough and they could not sail out to gather salt. They eventually ran out of salt and the villagers no longer enjoyed their tasteless meals. They wondered how they could get salt again, when a child suggested they ask the giant to stretch out his legs over the ocean so that they could walk to his island instead.

    The kind giant agreed, and villagers with empty salt sacks walked along the giant's leg. Unfortunately, the giant's foot landed on an anthill, and the ferocious red ants started biting the enormous leg.

    "Hurry!" pleaded the giant, who strained to keep his itchy legs still.

    As soon as the people reached the giant's island, he immediately withdrew his foot and scratched the itchy bites. The villages just smiled at how a giant could be bothered by tiny ants.

    Anyway, the people got their salt and the giant again stretched his leg over the ocean. Immediately, the ants began biting his swollen foot. Once again, the giant asked the people to hurry up, but the heavy salt sacks slowed them down.

    Besides, the people didn't believe that the tiny ants could really affect the giant, so they idly chatted away, and walked rather slowly.

    Before the villagers could cross the ocean, the giant cried out and thrust his ant-bitten foot into the ocean. All the packed salt fell into the plain-water sea and melted.

    The giant saved the people from drowning, but no one was able to recover the spilled salt. From that day onwards, the sea became salty.

Kung Paano Nagkaroon ng mga Paru-paro

ni Lea Buenaventura


    Noong araw, mayroong isang matandang babae na nag-aalaga ng hardin malapit sa lawa. May isang mangingisdang nakatira sa katabing nayon na nagmamahal sa kanya at madalas siyang dinadalhan nito ng mga isda kapalit ng kanyang magagandang bulaklak.

    Maraming nakakaalam na mayroong engkanto ang matandang babaeng at may espesyal at mahiwagang kakayahan ito dahil palaging maliwanag ang kanyang bahay sa gabi (kahit na wala siyang kuryente). Mayroon pang ibang nakakakita ng mga duwende na tumutulong sa isang napakarikit na dilag...ngunit sa gabi lamang ito nasasaksihan  at hindi kailanman sa araw.

    Isang araw, may tinedyer na magkasintahan na dumalaw sa nayon. Mapagmataas silang dalawa at kinasusuklaman nila ang kahit na anong pangit sa mundo.

    Nakita nila ang hardin ng matandang babae na nasa tabi ng lawa. Pinuntahan nila ito at namitas sila ng mga bulaklak. Pinaalis sila ng matandang babae, subalit imbis na sundin nila ang kahilingan nito, pinagtawanan at nilait pa nila ang matanda dahil sa paningin nila, pangit ito.

    Upang maparusahan ang magkasintahan, tinapik ng matandang babae ang mga ito gamit ang kanyang baston at nagwika na dahil mga magagandang bagay lamang ang nakikita ng mga ito, sila ang magiging pinakamagagandang insekto sa balat ng lupa.

    Kaya sa susunod na makakita ka ng dalawang kaibig-ibig na paruparo na lumilipad malapit sa mga bulaklak, maaalala mo ang dalawang magpagmataas na magkasintahan.


ENGLISH:

How Butterflies Came To Be

    There once lived an old woman who tended a fine flower garden by the shore of a lake. The fisherfolk who lived in a nearby village loved her dearly, and would often visit her to exchange fish for her lovely flowers.

    They somehow knew there was something magical about her, for her house seemed mysteriously bright at night (no, she didn't have any electricity), and some even saw a few dwarfs assisting what appeared to be a beautiful young woman... but only at night, never during the day.

    One time, a young couple visited the village. They were proud and hated anything ugly.

     They chanced upon the old woman's flower garden at the edge of the lake, and entered it to gather some bouquets. The old woman asked them to leave, but instead of obeying, the young man and woman made fun of her because they found her ugly.

    To punish them, the old woman touched them with a cane and said that since they like only beautiful things, they will be turned into the most beautiful insects.

    So the next time you see two lovely butterflies hovering near some flowers, you'll remember that haughty young couple.

Ang Pagong at ang Unggoy

ni Adrian Matias Bacong


    Minsan ang pagong at ang matsing ay nakakita ng isang puno ng saging. Sila ay parehong nais na kumain ng masarap na bunga ng puno. Gayunman, sinabi ng unggoy, "Maging makatarungan tayo at hatiin natin ang puno sa dalawa. Sa akin ang kalahati at sa iyo ang natitirang kalahati.” Pumayag ang pagong sa napagkasunduan, at naniwala na makatarungan ang hatian. Gayunman, ipinahayag ng unggoy "At dahil ako ang nakaisip nito, ako ang unang pipili kung aling kalahati ang magiging akin," at pinutol ang puno.  Kinuha niya ang ibabaw na parte na may mga dahon, at kinamkam ang lahat ng saging para sa kanyang sarili. Ang pagong, alam na iniwan sa kanya ng unggoy ang mistulang tuod na puno, ay nagtanong sa unggoy kung maaari siyang makahingi ng ilang mga bunga. Ang sagot ng unggoy, "Hindi. May napagkasunduan na tayo at dapat sundin natin ito.. Sa akin ang aking kalahati at sa iyo ang iyong kalahati. "
    Pagkatapos kumain ng saging, itinanim ng unggoy ang itaas na bahagi ng puno, umaasa na mamumunga pa ito, ngunit walang nangyari. Gayunman, ang tuod ng pagong ay lumago at naging isang magandang puno ng saging na may higit pa ang bilang ng dami ng saging ng sa orihinal. Sinubukan ng unggoy na makakuha ng ilang saging, ngunit siya ay hindi pinahintulutan ng pagong at ang sabi pa, "Mayroon tayong kasunduan at kailangang sundin ito.  Ang iyo ay iyo at ang akin ay akin."  Bumalik sa kanyang bahay ang unggoy at may maitim na balak ito.
    Isang gabi, nagpasya ang unggoy na pumunta nang panakaw sa bakuran ng pagong upang nakawin ang saging, ngunit ang pagong ay handa at naglagay ito ng matatalim na bato sa paligid ng puno habang umaakyat ang unggoy. Tumalon ang unggoy pababa at nasugatan siya sa mga matutulis na bato. Galit na galit ang unggoy at pinaghahanap nito ang pagong, at nagbalak na patayin ito. Matapos ang paghahanap sa pagong, tinanong ng unggoy ang pagong, "Iniisip kong gilingin ka at iyong matigas na ibabaw sa isang lusong at isabog ang iyong abo. Iniisip ko din na ihagis ka sa dagat. Paano mo gustong mamatay? "
    Ang pagong ay sumagot, "gilingin mo na lang ako hanggang sa maging abo dahil ayoko sa tubig-dagat!" Ang unggoy, sa kanyang katusuhan, ay sinunggaban ang pagong at itinapon sa tubig nang pagkalayu-layo. Subalit, habang paalis ang unggoy sa dalampasigan, narinig niyang may tumatawa. Pagtalikod niya, nakita niya ang pagong na humahagalpak ng tawa, "Naisahan kita, unggoy! Ang dagat ay tahanan ng mga pagong!" Umungol ang unggoy sa galit at tumakbo sa baybayin, ngunit ang pagong ay nakaalis na, tumatawa patungo sa karagatan.


ENGLISH:

The Turtle and the Monkey

    Once upon a time the tortoise and the monkey saw a banana tree.  They both wanted to eat the delicious fruit of the tree.  However, the monkey said, “Let’s be fair and divide the tree in two.  I can have half and you can have the other half.”  The tortoise agreed, believing that the offer was fair.  However, the monkey declared “And since I thought of it, I get to choose which half shall be mine” and cut the tree, taking the top part, and essentially all of the bananas for himself.  The tortoise, knowing that the monkey left him  with the tree stump, asked if he could have some fruit.  The monkey replied “No.  We agreed to stick to our halves of the plant.  I keep my half and you keep your half.”

    After eating the bananas, the monkey planted the top part of the tree hoping to grow more bananas, but could grow nothing.  However, the tortoise’s stump grew into a beautiful banana tree with twice as many bananas as the original.  The monkey tried to get some bananas, but the tortoise would not allow him saying, “We agreed to stick to our halves of the plant.”  The monkey returned home and began to plot.

    One night, the monkey decided to sneak into the tortoise’s yard to steal the bananas, but the tortoise was prepared and laid sharp rocks around the tree as the monkey climbed up.  The monkey jumped down and injured himself on the sharp rocks.  Furious, the monkey hunted the tortoise, intending to kill him.  After finding the tortoise, the monkey asked, “I am thinking of grinding you and your difficult shell in a mortar and scattering your ashes.  I am also thinking of throwing you into the sea.  How would you like to die?”

    The tortoise answered, “Grind me to ashes because I hate saltwater!”  The monkey, with his cunning, then grabbed the tortoise and threw him into the water as far as he could.  However, as the monkey was leaving the shore, he heard laughter.  Turning around he saw the tortoise laughing, “I fooled you, monkey!  The sea is the tortoise’s home!”  The monkey howled in rage and ran to the shore, but the tortoise had already gone back, laughing towards the ocean.

 
 
 

sunod >

< nauna