Mga Karanasan
Mga Karanasan
Ang Realidad ng Kalokohan at Karanasan
ni Ailene Ignacio
Ang mga Amerikano ay nagtatamasa sa mga haplit noong mga araw,
na ang mga Pilipino ay naghihirap sa loob ng napakahabang panahon.
Kapwa ginawa na may layunin.
Pero kapwa ginawa sa magkaibang mga dahilan.
Kapangyarihan. Kaluwalhatian. Katanyagan.
Pakinabangan ang Pilipino
ang pinakamagaling gawain ng mga Amerikano.
Pagkatapos nilang kunin ang isang mundong hindi para sa kanila,
nagtamasa sila sa murang paggawa sa kanilang bagong lugar bakasyunan.
At ang mga tao na dati’y tagapagmana ng trono,
ngayo’y naging aipin, mga Pilipino.
Naging sakim ang mga Amerikano dahil sa kapangyarihan.
Kanilang pamamahala, pinagmistulang aba kanilang maliit at kayumangging mga kapatid.
Datapwa’t madilim kapwa araw at gabi,
mga Pilipino hindi kailanman nagkulang sa lakas at tibay ng puso.
Magsumikap. Lumaban. Mabuhay
sa kabila ng lahat ng balakid
ang pinakamagaling gawain ng mga Pilipino.
Maging sunud-sunuran sa kanilang maninili.
Taglay ang ngiti sa kanilang mga mukha araw-araw.
Kahit araw-araw ding lumalaki ang bilang ng mga patay,
lalong tumindi ang pagmamahal ng Pilipino sa kanyang inang bayan.
Walang puting lalaki na pwedeng gumapi sa Pilipino,
kahit na mayroong lumaban dito.
Kahit abusuhin at pagsamantalahan sila,
nagpatuloy ang mga Pilipino sa paglaban, nagkaisa, at nanatiling malakas.
Kalupitan ng mga Amerikano.
Tagumpay ng mga Pilipino.
Hiwalay na ang dalawang bansa.
Tanging mga Pilipino lamang ang masaya at malaya.
ENGLISH:
The Reality of Foolishness and Experience
Americans enjoy the sarcastic remarks about the days,
when Filipinos struggle for many seasons.
Both were done with purpose,
but both for different reasons.
Power. Glory. Fame.
Exploit the Filipino
is what the Americans did best.
After invading a world not theirs to take,
they enjoyed cheap labor at a new vacation getaway.
And people who were once heirs to a throne,
now, the Filipino, takes the role of a slave.
Power drove the Americans greedy.
Control made their little brown brothers seem needy.
But though the nights and days were both dark,
The Filipinos never lacked strength or heart.
Work. Fight. Survive
against all odds
is what Filipinos do best.
Cater to their oppressors did they.
Smiles on their faces with each passing day.
Though deaths grew in numbers daily,
so did a Filipino’s love for his country.
No white man could weaken Filipinos,
though there were some who opposed.
Even after being mistreated and wronged,
Filipinos continued to fight, unite, and stay strong.
American cruelty.
Filipino victory.
Both countries now separate.
But only the Filipinos are truly happy and free.
Ang Aking Paniniwala
ni Daphne Rabot
Naniniwala ako na para maging matagumpay ang isang tao sa buhay, dapat mayroon siya ng mga sumusunod na katangian: sipag, determinasyon, at pagiging optimista. Ang isang matagumpay na tao ay dapat na masipag dahil hindi malayo ang kanyang mararating kung wala siyang gagawin na kapakipakinabang; at sa kabilang dako naman, ang mga taong masipag magtrabaho ay nakakahanap ng mga paraan upang makamit ang kanilang mga layunin. Ang determinasyon ay isa ring susi sa pag-abot sa mga layunin ng isang tao dahil hindi dapat talikdan ang sarili o ang mga layunin, at patuloy dapat na magsikap para sa mas mabuting buhay. Ang pagiging optimista ay maaaring makabuti sa sarili sapagkat ito ay nagbibigay ng kumpyansa sa sarili na maging matagumpay. Isa pa, sa tingin ko ang pagiging masaya ay mahalaga sa pagiging matagumpay dahil kung hindi ka masaya sa ginagawa mo, mawawalan ka ng interes, at sa huli mabibigo.
I believe that for one to be successful in life, they must possess the following characteristics: hard-working, determined, and optimistic. A successful person must be hard-working because one can only get so far without doing anything productive and on the other side those who work hard find ways to achieve their goals. Determination is also a key to reaching one’s goals because they must not give up on themselves or their goals and continue to strive for a better life. Being optimistic can benefit one because it provides one to be confident and positive in them to be successful. Also, I think being happy is essential to becoming successful because if you don’t enjoy what you do, then you will lose interest, and ultimately fail.
Ang Mga Pananalig at Pananampalataya Ko
ni Jewel Pereyra
Noong ako’y lumalaki, hindi palaging nagsisimba ang pamilya ko pero ipinagdiriwang namin ang Pasko at Pasko ng Pagkabuhay Pumupunta kami dati sa simbahang Katoliko sa base militar na Camp Pendleton pero ngayon, sa simbahang Kristiyano na kami pumupunta. Kaunti lang ang alam ko tungkol sa mga relihiyon tulad ng Katolisismo, Budismo, at Islam. Pero sa palagay ko, lahat ng pananampalataya ay dapat itinuturing na pantay-pantay, basta’t ang pananampalataya ay nakakatulong sa mga tao na mabuhay nang maayos sa mundo. Araw-araw, napapag-aralan at napapanood ko ang napakaraming kawalan ng katarungan at karahasan sa mundo na resulta ng relihiyon. Nagpapasiya pa ako kung anong relihiyon ang para sa akin at bukas ang isip ko. Sa pananampalataya, palagi akong nagtataka kung saan nanggaling ang lahat ng bagay, kung bakit ganito ang mga pangyayari, at kung ano ang layunin ng buhay ko. Palagi kong tinatanong: “Ano ba talaga ang dahilan para sa lahat ng bagay sa buhay?” Sa tingin ko imperpekto ang mga tao, pero dapat matuto tayo mula sa ating mga pagkakamali at magsikap tayo upang maging mas mabuting mga tao. Gusto kong mabuhay nang maayos sa mundo.
Ilog ng Aking Buhay
ni Adrielle Bautista
Ang aking Mama Arleen, Mommy Josie, Mamu Ningning, Lola Amor, Tita Sheng, Nanay Edith, Ninang Ella: pitong matatapang na kababaihan na ginampanan ang papel ng aking liban na ama. Ang aking pinakamasasayang mga alaala ay ang mga oras kung saan kasama ko ang aking mga nanay. Mula sa pagsisimbang gabi, hanggang sa pagkain ng balut, hanggang sa paggawa ng mga kuwintas na sampaguita, hindi ko naisip na magkaroon pa ng mas masayang kabataan. Hindi ko lang alam na marami pa pala ang darating.
Ang istorya ay bumabalik halos tatlong taon, kung saan ang nakasisindak na salita ay biglang binago ang landas ng aking buhay, para sa mas mabuti. Hindi, para sa pinakamabuti.
“Mayroong cancer ang Ninang Ella mo” : isang simpleng pangungusap na hinamon ang aking pagkatao. Ako ay nawindang.
Bakit ito nangyayari sa amin? Sige na, paalisin n’yo na po ito. Huwag sa aking pamilya. Bakit kami pa?
Marami pa akong kailangang matutunan.
Noong tag-init na iyon, ako naman ang nag-alaga sa aking Ninang Ella, ang aking pangalawang ina, upang mapasalamatan ko siya sa kanyang mga sakripisyo at oras na ginugol niya noong ako ay kanyang pinapalaki. Pinagluto ko siya, sinamahan sa kanyang mga araw-araw na paglalakad, at inalagaan ko ang kanyang anak habang siya ay nagpapa- chemotherapy. Sa kabutihang-palad, pagkatapos ng mastectomy, chemotherapy, radiation, at bagong gupit na buhok, siya ngayon ay ligtas sa cancer.
Samakatuwid, pagkatapos ng aking pinagdaanan, bumalik ako sa aking buhay, at hindi ko inaitatag ang aking bagong pagkatao hanggang isang makulimlim na Sabado. Iyon ay ika-10 ng Mayo, 2008, araw ng ikalabinlimang taon ng Revlon 5K Walk/Run, at ako, si Adrielle Justine Bautista, kalahok na pang #33,534, kasama ang aking ina at kaibigan, ay sasali sa pagdiriwang na mas malaki pa sa akin. Ako ay lalaban sa cancer.
Ang torotot ay umihip ng eksaktong alas-nuwebe ng umaga, at lakas ang pumasok sa aking pagkatao noong aking mga unang mga hakbang. Habang bumubulong ang hangin, nilakad ko ang dalawang milya, puno ng paghanga.
“Ako ay isang milagro!,” narinig kong sinabi ng isang babae, ang pasasalamat ay tumataginting sa bawat isang pantig.
Pagkatapos, ang sansinukob, sa kanyang hindi masayod na kalahatan, ay nahanap ako at tinumbasan ang aking limitadong katauhan. Kaya ako’y tumakbo, kung saan ang aking katawan ay uminit, ang puso’y tumibok nang mas mabilis, ang dibdib sumikip, ang binti’y nangawit, at pawis tumagaktak.
Walang katumbas ang araw na ito para sa akin. Ito ay isang karanasan na tunay na tumatatak sa aking utak. Natutunan ko ang tunay na kahulugan ng buhay at pag-asa at pagtitiyaga at pagpapasalamat.
INGLES:
My Mama Arleen, my Mommy Josie, my Mamu Ningning, my Lola Amor, my TitaSheng, my Nanay Edith, my Ninang Ella: seven courageous women taking on the role of an absent father. My greatest memories as a young girl growing up in the Philippines always consist of those where I spend time with my mothers. From attending midnight masses to eating balut to making sampaguita flower necklaces, I couldn’t have imagined a better childhood. Little did I know that more was yet to come.
The story goes back almost a year ago, when the dreaded c-word unexpectedly altered my life, for the better. No, for the best. “Ninang Ella has been diagnosed with breast cancer”: eight terms that challenged every level of my maturity. I was traumatized, ambushed. Oh God, why is this happening? Please. Not to me. Not to my family. Make it go away. Why us? I had much to learn.
That summer, I decided that it was my turn to take care of my Ninang Ella—my second mother—and to thank her for all the years that she has invested in raising me. I arranged her meals, guided her on daily walks, accompanied her through her treatments, and babysat her son. Fortunately, after the mastectomy, chemotherapy, radiation, and a new hairstyle, she is now a survivor.
Consequently, after that summer, I returned to my life with a newfound perspective, and it wasn’t until an overcast Saturday morning that I decided to “set it in stone.” It was May 10, 2008, the day of the 15th Annual Revlon 5K Walk/Run, and I, Adrielle Justine Bautista, participant #33,534, along with my mother and my friend, was partaking in an event far bigger than myself. I was going to fight women’s cancer.
The horn blew at exactly 9:00 am, and the sense of power radiated through my being as I took my first steps. With the breeze whispering in my ears, I slowly walked the first two miles in amazement, attempting to grasp the unbelievable force that surrounded me. “I am a walking miracle!” I heard a survivor proclaim, her gratitude vibrating with every syllable.
Then, it was as if the universe, with all of its unfathomable totality, found me, with my limited existence, and equaled it. So I ran, ultimately leaving my body to warm up, my heart to beat faster, my chest to burn, my legs to grow more tired, and my sweat to profusely drip down my face. Thus, I ran some more. I persisted. Cancer will no longer rattle me.
May 10th was invaluable, life-changing. It was an experience, with its 3.1 miles and 50,000 participants, that has deeply engrained itself into my memory, collectively teaching me about life and hope and perseverance and gratitude.
Ang Aking Di-malilimot na Bakasyon
ni Jessica Angulo
Nakapunta na ako sa iba't ibang mga lugar, ngunit ang pinakamemorable na bagay na ginawa ko ay ang aking bakasyon sa Guatemala kasama ang aking pamilya at kasintahan. Apat na taon na kamiing magkasintahan ngayon at noong nakalipas na dalawang taon, naglakbay kami kasama ng aking pamilya sa unang pagkakataon sa ibang bansa. Nagpunta kami sa Guatemala sa panahon ng tag-init para sa Quincenera ng aking pinsan. Kahit na kami ay sumayaw magdamag, hindi ko malilimutan ang isang ilog na binisita namin sa Guatemala. Ang ilog ay malayo sa lungsod at inabot kami ng dalawang oras ng aking pamilya sa pagmamaneho papunta roon. Sumakay ako sa likod ng isang trak, upang tanawin ang bayan. Doon ay maraming mga berdeng puno habang ang araw ay ngumingiti sa akin. Kami ay nagpasyang tumigil sa isang ilog at ito na yata ang pinakamagandang bagay na nakita ko. Ang ilog ay waring isang talon na lumalagaslas sa malalaking bato habang kami ay naliligo at humahanga sa kagandahan ng kalikasan. Ito ay isang bagay na hindi ko makakalimutan dahil ito ay isang karanasan na alam kong hindi na mangyayari muli. Bakas sa aming mga mukha ang kaligayahan, masasabi mong kami ay may kapayapaan at waring sa isang saglit, ang mundo ay tumigil para sa isang bagay na napakapayapa. Isang imahe na hindi ko makakalimutan ay kung paanong ang aking kasintahan ay namumukod sa gitna ng karamihan ng tao. Siya ay may taas na 6 na talampakan at 2 pulgada at puti, habang ang aking pamilya ay mababa at kayumanggi. Ito ay isang napakanakakatuwang karanasan, at isang bagay na hindi ko malilimutan.
English:
My Most Memorable Vacation
Ang Ilog ng Buhay Ko
ni Bea Ignacio
Tulad ng ilog, ang buhay ng isang tao ay patuloy na dumadaloy. Minsan rumaragasa ang agos, minsan naman ay tahimik at kalmado. Ngunit sa huli, iisa lang ang destinasyon ng lahat at ito ang makaabot sa malawak na karagatan kung saan lahat ay malaya. Sa umagang ito, ibabahagi ko ang daloy ng aking landas. Ito ang kuwento ng buhay ko. Ito ang ilog ng buhay ko:
Dear Ate Nenita,
Pangatlo ako sa apat na babae, ngunit bunso ng siyam na taon. Inhinyero ang aking ama sa kanyang sariling kompanya, samantalang ang aking ina ay ang kanyang tagapagpayo. Lagi silang abala sa kanilang trabaho kaya kadalasan ang yaya ko lang ang kasama ko sa bahay habang nasa paaralan ang mga ate ko, at nasa trabaho naman ang magulang ko.
Bata pa lang ako ay mataas na ang ekspektasyon sa akin ng aking mga magulang. Nang nagsimula akong pumasok sa kindergarten, kilala na ng mga guro ang nanay ko dahil napagdaanan na niya ang mga ate ko. Bukod dito, istrikto ang nanay ko pagdating sa pag-aaral. Kung palpak ang penmanship assignment ko, papaluin ng nanay ko ang kamay ng ruler, buburahin ang mga linyang sinulat ko at papaulitin hanggang sa perpekto ang sulat ko. Dahil dito, Kinder pa lang ay ginawa na akong class President. Dapat panalo ako sa mga paligsahan tulad ng Art Contest, Quiz Bee, at aktibo sa mga Christmas production. Hindi rin ako madalas na nakakalabas ng bahay dahil kahit sa Makati man ako lumaki, ang kalikod ng aming kalye ay pinagtatambayan ng mga adik at gala. Dahil dito, lumaki akong madalas na nagdodrowing, nagko-coloring book, naglalaro ng Family computer, at nanonood ng paulit-ulit ng mga Disney princesses na betamax. Homebody na homebody ang dating ko.
Nang humantong naman ako sa elementarya at mataas na paaralan, hindi pa rin nawala ang kabigatan ng ekspektasyon sa akin ng mga tao. Pag binabasa na ng guro ang mga pangalan ng mga mag-aaral sa klase, pag nakita nilang Ignacio, lagi na lang ang tanong nila ay “Kapatid ka ba ni Irene? Kapatid ka ba ni Victoria?” Laging mataas ang mga marka ng mga ate ko sa kanilang mga klase. Kaya kahit hindi pa nagsisimula ang kuwarter ay may batayan na ang mga guro sa aking mga marka. Kung magkaroon sila ng 3rd Honor award, dapat ako rin meron. Kung magaling sila sa Sibika, dapat ako rin. Hindi naman sa hirap na hirap akong makakuha ng matataas na grado, ngunit pati ugali namin ay ipinaghahambing din. Sabihin na lang natin na sila ay may pagkatahimik, mahiyain, at malumanay kung kumilos. Kumpara sa akin, sabihin na lang natin na hindi ako ang pinakamahinhing babae na makikilala n’yo. Hindi pa nakadagdag na isang ate ko ay nakapasa sa Ateneo, at ang isa naman ay sa La Salle. Paano na lang kung hindi ako makapasok sa UP, Ateneo, La Salle. Nakakahiya. Ngunit bago ko man maipasa ang aplikasyon ko para sa UP, isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Noong tag-init ng 2005, lumabas ang mga US Visa ng pamilya ko at lilipat na raw kami sa Estados Unidos sa loob ng limang buwan. Nang walang babala at hudyat, nawala lahat ng pinaghirapan ko nang napagtanto kong sa Amerika na pala ako mag-aaral. Malamang-lamang ay sa paaralang publiko ako pupunta kung saan GPA ang batayan, kung saan hindi kasing bantog at pahahalagahan ang mga pinaghirapan kong pag-aaral sa Pilipinas. Hindi man lang ako nakapagtapos o nakadalo ng graduation sa paaralang pinasukan ko ng 10 taon, kasama ang mga kamag-aral na malalapit sa akin. Isang taon na lang ay binitin pa ako.
Nang makarating ako sa Amerika, ang lungsod na aming tinirahan, Moorpark, ay hindi “diverse” o halo ang populasyon. Kalahati ay puti, at kalahati naman ay Mehikano. Noong unang araw sa paaralan, wala akong kaibigan, hindi matalas ang Ingles ko, hindi ko alam ang kultura nila, hindi ko alam kung saan ako pupunta, at halos mangiyak-ngiyak na ako sa kaba sa pag-iisip na magiging palaboy na lang ba ako tuwing Recess at Lunch na walang kasama? Sa kabutihang-palad, nakahanap din ako ng mga kaibigang bagong lipat din sa Moorpark at kami ay nagsama at nagsuportahan sa isa’t-isa hanggang sa kahulihan at kami ay mag-graduate. Tulad din ng iniisip, ng kausapin ko ang school counselor namin sa mataas na paaralan tungkol sa mga grado ko sa Pilipinas, ang sabi niya ay hindi raw gano’n kataas ang aking mga marka, at ang pinakamataas na pag-aasa ko raw ay kung subukan ko lang daw aplayan ang UCSB. Sa loob-loob ko, iniisip ko lang na hindi nila alam kung gaano kahirap makakuha ng mga markang mayroon ako sa Pilipinas dahil mas mahirap ang mga kurikulum. Alam ko rin na kaya ko pang magsikap para mabawi ang aking GPA at matanggap sa mas prestihiyosong unibersidad.
Pagkatapos ko sa Moorpark High, nagsikap pa ako ng dalawang taon sa community college habang may dalawang trabaho para makapag-ipon nang maigi. Masasabi ko lang na napakasarap at napakatamis na tagumpay ang maka-akyat sa entablado sa susunod na buwan, dahil sa wakas ay makakamit ko na ang diplomang hinahangad-hangad ng mga tao sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, kahit na wala akong pera na pambayad sa matrikula, kahit na sabi ng iba na hindi ko kaya. Ito ay ang diploma ng UCLA. Wala nang mas sasarap pa sa pagkakamit ng gantimpalang ito para sa akin. Pandesal lang ang hiningi ko, hamburger ang ibinigay ng mundo sa akin.
Kahit na pinahirapan nila ako at kahit na hindi ko sila laging nakakasama, ang pamilya ko ang mga haligi ng aking mga karanasan at ng aking pagkatao. Kung hindi ako pinapalo dati ng aking nanay, kung hindi ako laging minamaliit ng mga ate ko, hindi ako magiging matapang. Hindi ako magiging palaban. Sa mga taong nakilala ko sa landas ng aking buhay, ang mga kaibigan ko sa Pilipinas, sa Moorpark, at ang mga Pilipinong nakilala ko rito sa UCLA, kung hindi dahil sa inyo, matagal na siguro akong nagpakalbo at tuluyang nabuang. Kayo ang nagpapaalala ng aking pinanggalingan at kayo ang nagbibigay-kulay ng mapuputla kong araw tuwing nababalisa ako sa dami ng kailangang gawin. Sa inyo lang ako nakakahalakhak ng parang walang bukas kahit labas na ang kaluluwa ko nang walang pakialam. Sa inyo lang talaga ako pwedeng magpakatotoo nang walang alalahanin.
Kahit na ako man ay magtatapos na sa Hunyo, hindi ibig-sabihin ay tapos na ang paghihirap ko. Simula pa lang ang labanan at handa ko nang tahakin ang mapanganib at peligrosong mundo. Wala akong tiyak na trabaho na gusto kong kunin, pero kung ano man ang makasalubong ko, ipagpapatuloy ko ang pagsisikap upang alagaan ang sarili ko pati na rin ang mga taong malapit sa aking puso. Sa pagwawakas, ihahandog ko ang isang panipi muli mula sa aking paboriting manunulat na si Bob Ong:
“Nalaman kong marami pa lang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
SALIN SA INGLES – Buod
My parents had high expectations of me since I was young, especially with academics. Starting when I entered kindergarten, the teachers already knew who my sisters were and I had to be one of the top students, winning every extracurricular contest. I was a homebody who always stayed in the house, coloring, drawing, watching Disney movies repeatedly.
When I reached elementary and high school, their high expectations didn’t go away. Whenever the teacher read the class roster for the first time, they always ask me “So you’re Irene’s younger sister? So you’re Victoria’s younger sister?” They always have high grades in most of their classes so people expected me to do the same. Them getting into Ateneo and La Salle didn’t help me at all. But before I could even submit my college application forms, something unexpected happened. In 2005, our US Visas finally went through and we had to move to the US within five months. Without any warning, we had to leave everything we had in the Philippines and all my hard work went down the drain when I realized I had to go to school in America where the educational system is different. I didn’t graduate at my Alma Mater where I went to school for ten years.
My family moved to Moorpark, California. It wasn’t very diverse and it was hard to make friends. I was just lucky to find friends who were also new kids at school and we just stuck together until we graduated. With my grades from the Philippiens converted to their grading system in the US, my school counselor said that the most that I could hope for was to take a chance and apply at UCSB. I knew that wasn’t for me.
I worked two jobs after I graduated from high school to save up enough money for when I transfer schools. The sweetest success in my academic career would be in two months when I go up that stage and graduate with a UCLA diploma, when people said I couldn’t.
My family are the pillars that strengthened me and my friends are the ones who kept me sane. They remind me of who I really am despite all the things that I had to go through. Even though I’ll be graduating in June, it doesn’t mean that the journey is over. It is only the beginning.