Pyramid Scheme
Pyramid
Scheme
Tungkol sa Pyramid
Scheme
Ang pang-akit ng “pyramid scheme” ay ang pangakong magkamit ng maraming salapi sa pamamagitan ng kaunting pagpupunyagi. Ang “pyramid scheme” ay isang paaran ng paglilipat ng pera mula sa isang mababang antas ng “pyramid” patungo sa isang mas mataas na antas. Hindi ito legal dahil kadalasan ay walang nakukuhang kapalit ang mga taong nakikilahok dito para sa perang kanilang ipinundar. Mayroon din namang “pyramid scheme” na legal.
Isang halimbawa ng “pyramid scheme” ay ang pagbebenta ng isang produkto o serbisyong ipinagbibili nang mas mataas ang halaga kaysa sa aktwal na halaga nito. Halimbawa, ang isang kompanya ay maaari magrekrut ng mga taong magrerekrut din ng ibang taong magbebenta ng kanilang mga produkto. Samantala, sa bawat 3 taong nirekrut at nakapagbenta, may komisyon ang lider ng grupong ito at sinasabing may komisyon din mismo ang nagbenta. Subalit ang taong na pinakatuktok ng “pyramid” ang may pinakamalaking komisyon sapagkat may kaltas siya sa lahat ng kinikita ng mga “pyramid” sa ibaba.
May mga “pyramid scheme” na talagang panloloko lamang ang intensyon, dahil wala naman talagang produktong ipinagbebenta. Nagmumula ang perang ipinamamahagi sa mga kalahok mula sa mga bagong nakikilahok. Sa ganitong paraan naloloko ang mga taong nakikisangkot at sinasabi na 50-70% ng mga sumali sa ganitong iskema ay umalis sa unang taon at 99.9% ang nawalan ng pera.
Simple lamang ang prinsipyo ng “pyramid scheme” at madali lang itong madiskubre, pero maraming paraan para hindi mapansin ng mga tao ang panlolokong ito. Dahil dito, kailangang maging mapanuri sa inyong mga pinapasukan na negosyo.
Nagsisimula ang “pyramid scheme” sa isang tao at ang taong ito ang nanghihimok sa iba para sumali. Hahanap siya ng isa pang tao at sasabihan niya dito ang tungkol sa isang magandang oportunidad para kumita ng malaking pera. Ang kailangan lang gawin ng pangalawang tao ay magbayad o mag-“invest.” Halimbawa, hihingan siya ng $10 na “investment” ng taong nagpasimuno nito. Para mabawi ng pangalawang tao ang kanyang $10, kailangan niyang maghahanap ng ibang tao na mag-iinvest ng $10. Samakatuwid, bawat taong makakuha ng “investor” ay magkakaroon ng $10 na “tubo.” Sa ganitong paraan, kung ang isang tao ay makakakuha ng 10 “investor” magkakaroon siya ng $90 sa pamamagitan lamang ng paghanap ng mga tao na interesado. Maganda sana ang ganitong paraan kasi nagpundar ka lang ng $10 at makakakuha ka ng $90. Kaya lang, wala naman talagang nangyayaring negosyo dahil nanghihingi ka lang ng pera sa mga taong narerekrut mo.
Ang ganitong proseso ay magpapatuloy hanggang sa ang mga tao na nasa ibaba ng “pyramid” ay hindi na kayang suportahan ang mga taong nasa tuktok dahil wala nang ibang taong mag-iinvest. Marami ang pwedeng maging biktima nito dahil sa hangarin na magkaroon ng pera sa mabilis at madaling paraan. Kaya mag-ingat, siguraduhing lehitimo ang negosyong iyong pinapasukan.
Pyramid scheme can be both beneficial and harmful. One type of pyramid scheme is when a company hires people who would then hire other people to sell products for their company. The second hires would then recruit their own team members, who would then recruit their own team members. The cost of the product is sold for a higher price and each team leader gets commission from the sales of his or her team members. Each team member also gets a percentage of the profit. However, the person on top of the pyramid gets the highest commission, because he or she gets part of the commission of those below him or her. This type of scheme is beneficial to those who do not have money to invest in a product. On the other hand, there are pyramid schemes that are scams, where there is no real product or service that is being sold. An example of this scheme would be a person who solicits $10 as a form of investment from his or her recruits. Each recruit would then recruit 10 other investors who would give $10 each, so if one recruits 10 people, he or she would earn $90. The chain stops when the people at the base of the pyramid could no longer recruit and support the people at the top of the pyramid. It is said that 50-70% of people who join this kind of scheme fall out in their first year, and 99.9% lose their whole investment.