Kuwentong Bayan
Ang Araw at ang Buwan
ni Hannah Garcia
Noong unang panahon, mag-asawa ang Araw at ang Buwan, at mayroon silang maraming anak sa katauhan ng mga bituin.
Mahal na mahal ni Araw ang kanyang mga anak, subalit tuwing lalapitan niya ang mga ito upang yakapin, nasusunog sila sa kanyang sobrang kainitan. Dahil dito, nagalit si Buwan at pinagbawalan niya si Araw na hawakang muli ang kanilang mga anak. Ito ay ikinalungkot nang lubos ni Araw.
Isang araw, umalis si Buwan upang maglaba. Sa kanyang pag-alis, pinaalalahanan niya si Araw na huwag na huwag niyang hahawakan ang kanilang mga anak habang wala siya. Subalit sa kanyang pagbabalik, nalaman niya na sinuway ni Araw ang kanyang babala at nawala ang marami sa kanilang mga anak.
Galit na galit si Buwan kay Araw. Sa kanyang galit, hinampas niya ito ng kanyang hawak na puno ng saging. Dahil dito, hinagisan ni Araw si Buwan ng buhangin sa mukha. Hanggang ngayon, makikita pa ang marka ng buhangin sa mukha ni Buwan. Sinimulang habulin ni Araw si Buwan at hanggang ngayon, sila ay naghahabulan.
Kung minsan malapit na niyang mahabol si Buwan pero nakakatakas ito at paglipas ng panahon, malayo na naman si Buwan kay Araw.
Once upon a time the Sun and the Moon were married, and they had many children who were the stars. The Sun was very fond of his children, but whenever he tried to embrace any of them, he was so hot that he burned them up. This made the Moon so angry that finally she forbade him to touch them again. The sun was greatly grieved by this. When she left she reminded the sun that he must not touch any of their children in her absence. When she returned, however, she found that he had disobeyed her, and several of their children had perished. She was very angry with the Sun. In her anger, she picked up a banana tree [Show Quoted Text - 18 lines]to strike him, whereupon he threw sand in her face. To this day, you can see the dark marks on the face of the Moon. Then the Sun started to chase her, and they have been going ever since. Sometimes he gets so near that he almost catches her, but she escapes, and by and by she is far ahead again.
Mga Pinagkuhanan (sources):
http://www.univie.ac.at/voelkerkunde/apsis/aufi/folk/folk-v01.htm
dailyclipart.net
chuibar.deviantart.com
wormwords.wordpress.com
http://www.layoutsparks.com/1/239278/sad-sun-face-eerie.html
scenicreflections.com
best-of-web.com
http://www.layoutsparks.com/1/222272/celestial-butterfly-sun-stars.html
changehearts.wordpress.com
soundfeed.blogspot.com
scienceblogs.com
Gagamba at Langaw
ni Lorenzo Rances
Mayroong isang lalaking gagamba at babaeng langaw. Sila ay magkalapit ng tinitirahan. Si Ginoong Gagamba ay nagnanais na pakasalan si Binibining Langaw. Maraming beses na niyang sinabi kay Binibining Langaw ang kanyang nararamdaman at ang kanyang pagnanasang maging kabiyak ito, ngunit palagi siyang tinatanggihan ni Binibining Langaw dahil hindi niya ito gusto.
Isang araw nang makita ni Binibining Langaw na paparating si Ginoong Gagamba, isinarado niyang lahat ang mga pinto at bintana ng kanyang bahay at naghanda siya ng isang palayok ng kumukulong tubig. Pagkatapos siya ay naghintay, hangga’t sa tumawag si Ginoong Gagamba at nagmakaawang papasukin siya sa loob. Sumagot si Binibining Langaw sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig na kumukulo sa kay Ginoong Gagamba. Nagalit si Ginoong Gagamba at siya ay sumigaw:
"Hindi kita papatawarin. Ako at kasama ng aking buong lahi ay palaging kamumuhian ka. Hindi kami magbibigay sa iyo ng anumang kapayapaan."
Tinupad ni Ginoong Gagamba ang kanyang mga salita, at hanggang ngayon ay makikita ang galit ng mga gagamba sa mga langaw.
Mr. Spider wanted to marry Miss Fly. Many times he told her of his love and begged her to become his wife, but she always refused for she did not like him.
One day when Miss Fly saw Mr. Spider coming again, the Fly closed all the doors and windows of her house and prepared a pot of boiling water. Then she waited, and when Mr. Spider called, begging her to allow him to enter, she answered by throwing boiling water at him. This made Mr. Spider very angry and he cried:
“I will never forgive you for this. I and my descendants will always despise you. We will never give you any peace.”
Mr. Spider kept his word, and even today one can see the hatred of the spider for the fly.
Source: http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Filipino-Folktales/the-spider-and-the-fly.html
Ang Alamat ng Isda
ni Rose-Ann Guevarra
Noong unang panahon, mayroong mag-asawang pinagpala ng Diyos na magkaroon ng isang magandang anak na babae. Ibinigay ng mga magulang ang lahat ng gusto ng bata at hindi nila pinagtrabaho ang batang ito sa bukid. Inasikaso nila nang labis-labis ang bata.
Naging isang magandang dalaga ang bata, at ito ay alam niya. Ito ang dahilan kung bakit lagi siyang pumupunta sa ilog: para hangaan ang kanyang kagandahan.
Isang araw, nakita siya ng hari ng mga alimasag sa tabi ng ilog, at nilapitan siya ng hari.
“Gusto kong maging kaibigan mo,” sinabi ng hari sa dalaga. Ngunit sa mga mata ng babae, pangit ang hari. Ayaw niyang kaibiganin ang isang kahindik-hindik na hayop. Dahil dito, tumalon ang alimasag at kinalmot at ginasgasan ang mukha ng dalaga.
Nilinis ng babae ang kanyang mga sugat gamit ang tubig, subalit hindi luminis ang kanyang mukha. Tumigas lamang ang kanyang mga sugat at naging mga kaliskis ang mga ito. Nilagyan ng hari ng isang sumpa ang babae, at ang babae ay naging isang isda.
Ngayon, kapag tumitingin ka sa malinaw na tubig, makakakita ka ng isdang makaliskis na lumalangoy. Bumabaltak silang mabilis para makaalis sa sandaling nakikita nila ang kanilang panganganinag. Ito ay dahil naaalala nila ang kagandahang nawala nila noong nakaraan
Once upon a time, there was a couple who was blessed by God with a beautiful young girl.The parents catered to the child, and they did not allow this child to work in the fields. They loved the child so much.
The child grew up to be a beautiful young maiden and she was aware of this. This was the reason why she always went to the river: to admire her beauty.
One day, the king of the crabs saw her, and approached her.
“I want to be your friend,” said the king to the girl. But to the eyes of the girl the king was ugly. She didn’t like to be friends with a horrible-looking animal. Because of this, the carb jumped and bit and scratched the face of the girl.
The girl cleaned her wounds with the water, but her face remained marred and the wounds hardened and became scales. The king also cursed the girl, and the girl became a fish.
Now, if you look at the clear water, you will see a fish swimming and wiggling. They quickly pull away every time they see themselves because it’s a constant reminder of how they lost their beauty in the past.
Ang Alamat ng Pinya
ni Francis Villaruz
Noong unang panahon, may isang inang nakatira sa maliit na kubo kasama ang kanyang anak na si Pina. Sila ay mahirap. Ang ina ay nagtatrabaho sa umaga at gabi para mabuhay silang mag-ina. Samantala, ang kanyang anak ay tamad at hindi tumutulong sa kanyang nanay sa mga gawaing-bahay. Lagi siyang naglalaro. Sa tuwing humihingi ng tulong ang kanyang ina, sinasabi ni Pina na hindi niya makita ang mga gamit na kailangan niya sa pagtulong sa kanyang ina. Lagi siyang may dahilan. Isang araw nagkasakit ang ina. Humingi ng tulong ang ina sa kanyang anak para gumawa ng lugaw. Gaya nang dati, hindi sinunod ni Pina ang kanyang ina dahil sa kanyang katamaran. Marami siyang dahilan, at sinabi niya sa kanyang ina na hindi niya makita ang mga gamit para sa pagluluto. Nalungkot at nagalit ang kanyang ina, at sinabi niya kay Pina na sana magkaroon siya ng isang libong mata sa kanyang ulo para matulungan siyang makita ang lahat ng bagay na hinahanap niya. Matapos mapagsabihan ng ina ang kanyang anak, biglang nawala si Pina at hindi na niya nakita. Dahil hindi tinulungan ng anak ang kanyang ina, tumayo ito para gawin ang kanyang iniuutos. Nagdaan ang mga oras at araw, hindi na nakita ng ina si Pina. Isang araw habang naglilinis ang ina ng bakuran kung saan laging naglalaro si Pina, may nakita siyang halaman na may prutas na kahawig ng isang ulo na may maraming mata at kulay dilaw. Naalala niya ang sinabi niya noon sa kanyang anak na sana magkaraoon ito ng isang libong mata. Kaya pinangalanan niya ang prutas na Pina bilang pag-alaala sa kanyang anak. Sa pagdaan ng panahon ang salita ay naging pinya.
Once upon a time, there was a mother who lived in a small hut with her daughter, Pina. They were very poor. The mother was working day and night so they could make ends meet. On the other hand, the daughter was very lazy and never helped her mother with the housework. She was always playing. Every time her mother would ask for help, Pina would say she could not find the object that she needed to help her mother. She would always have an excuse. One day the mother became sick. The mother asked help from her daughter to make her porridge. As usual, Pina did not obey her mother because of her laziness. She had a lot of excuses, and she told her mother that she could not find the items that were needed in order to cook. The mom was sad and mad at her, and in exasperation she said to Pina that she wished Pina would have a thousand eyes on her head so she could find all the things she was looking for. After the mom said this, her daughter disappeared and Pina could not be found. Since the mother didn’t get help from her daughter, she stood up to do her own bidding. Hours passed by and then days, Pina was still nowhere to be found. One day while the mother was cleaning the backyard where Pina used to play, she saw a plant with a fruit that resembled a head with many eyes and the the color of the fruit was yellow. The mom realized what she had said to her daughter about having a thousand eyes. So she named the plant Pina, after her daughter. Overtime, the word changed to piña.
Ang Alamat ng Mangga
ni Daphne Rabot
Noong unang panahon, may isang batang lalaking may butihing puso. Ang pangalan niya ay Ben. Ang kanyang magulang ay sina Maria at Juan, na parehong may mabuting puso at tinuruan nila si Ben na maging mabait at matulungin.
Isang araw naglalakad si Ben patungong Bayan at nakakita siya ng isang matandang pulubi at siya ay naawa rito. Minabuti niyang dalhin ito sa kanilang bahay upang pakainin. Kahit na ang pamiliya ni Ben ay hindi mayaman, si Ben ay naghanda ng masarap na pagkain para sa pulubi, sa abot ng kanyang makakaya. Ang pulubi ay nasiyahan sa pagkain at nagpasalamat kay Ben sa pagiging mabuti nito.
Makalipas ang ilang araw, si Ben ay lumabas upang maghanap ng kahoy na pangsiga. Mayroong siyang nadaanang matandang lalaking mukhang gutom; muli si Ben ay naawa at dinala ang lalaki sa kanilang bahay. Binigyan ni Ben ng pagkain at ng damit ang matandang lalaki. Sina Maria at Juan ay natuwa sa kanilang anak dahil lumaki si Ben nang mayroong mabuting kalooban.
Minsan si Ben ay nagkasakit. Lahat ay ginawa ng kanyang magulang ngunit si Ben ay namatay din. Isang araw bago namatay si Ben, may isang magandang engkantadang kumausap sa magulang ni Ben at hiningi ang puso ni Ben. Binigay nila ang puso ni Ben sa engkantada. Lumipad patungo sa bundok ang engkantada, at sa tuktok ng bundok naghukay ito doon at ibinaon ang puso ni Ben. Doon tumubo kung saan inilibing ang puso ni Ben ang isang halaman at nagbunga ng hugis pusong prutas na napakatamis. Kapag kumakain ang mga tao ng prutas na ito, ang mga tao ay nagiging masaya. Si Ben ay patuloy na nagpapasaya sa tao dahil sa bungang hugis puso na ngayon ay tinatawag na mangga.
Once upon a time, there was a kind little boy with a wonderful heart named Ben. Ben’s parents, Maria and Juan, both had good hearts and taught their son how to be kind and helpful.
One day, when Ben was walking around town, he saw an old beggar and felt bad for him. He decided to bring him home to feed him. Although Ben and his family were not wealthy, Ben made a delicious meal for the beggar with whatever his family can afford. The beggar enjoyed the meal and thanked Ben for being so nice to him.
A few days later, Ben went out looking for fire wood and he passed an old man who looked hungry. Again, Ben felt sorry for the man and brought him home with him. Ben not only fed him but he also gave the man some of his father’s old clothes. Maria and Juan were proud of their son because he has grown up to be a kind-hearted boy.
Suddenly, Ben became ill. His parents did everything they can do but unfortunately, Ben passed away. The day after Ben passed, a beautiful fairy went to talk to Ben’s parents. She asked them if she can have his heart, and they said yes. The beautiful fairy flew to the mountains and at the top she dug a hole and buried Ben’s heart. A plant began to grow from his buried heart and fruits grew from the plant. This fruit was in a shape of a heart and tasted very sweet. When people ate this sweet fruit, they became happy. Ben’s heart continued to make people happy by producing sweet heart-shaped fruits called mangoes.
Pinagkuhanan:
http://www.wowparadisephilippines.com/legend-mangoes.html
Ang Alamat ng Mt. Kanlaon
ni Daphne Rabot
Noong unang panahon, mayroong isang prinsesa na nagngangalang Anina na namuhay sa isang napakalukob na buhay sa isla ng Negros. Isang araw, narinig niya ang kanyang ama na nakikipag-usap sa babaylan ng kaharian. Namimighati ang babaylan tungkol sa isang ulat na hindi matagpuan ang isang dalagang napakadalisay. Tinanong ni Anina ang kanyang ama kung ano ang nangyari, at sa wakas umiyak ang hari.
May isang dragong may pitong ulo na nagbabantay sa kaharian. Napapakalma lamang ang ito sa tuwing naghahain ng isang napakadalisay na babae sa harap niya. Dala ng takot, sinugatan ng lahat ng babae sa kaharian ang kanilang mga sarili upang hindi sila maisakripisyo. Sinugatan ng mga magulang ang kanilang mga babaeng sanggol upang maligtas ang kanilang mga anak mula sa pagkakasakripisyo. Ngunit hindi maatim na sirain ng hari at ng reyna ang kagandahan ng kanilang anak na babae, kung kaya’t si Anina ang tanging natitirang babaeng walang sugat sa buong kaharian.
Hindi nanangis si Anina. Sa halip, kusa niyang inialok ang kanyang sarili para maisakripisyo. Sa araw na dapat siyang dalhin sa bundok kung saan nakatira ang dragon, lumitaw ang isang lalaking nagngangalang Khan Laon. (Sa kanyang wika, ang ibig sabihin ng “Khan” ay isang marangal na ginoo.) Sinabi niya na nagmula siya sa isang malayong kaharian upang patayin ang dragon at sagipin ang buhay ni Anina. Walang naniniwala na maaaring mapatay ang dragon, ngunit iginiit ni Khan Laon na ang kanyang kakayahan na makipag-usap sa mga hayop ay makakatulong sa kanya.
Hiningi niya ang tulong ng mga langgam, mga bubuyog, at ng mga agila. Nagkulumpon ang mga langgam sa katawan ng dragon at gumapang sa ilalim ng kanyang kaliskis para kagatin ang kanyang malambot na laman na walang proteksyon. Tinusok naman ng mga bubuyog ang labing-apat na mata ng dragon hangga’t sa nabulag ito. Dinala ng pinakamalaking agila si Khan Laon sa bundok kung saan niya madaling mapupugutan ang pitong ulo ng dragon. Bilang pagtanaw ng utang na loob, ibinigay ng hari ang kanyang anak na babae, si Anina, kay Khan Laon para maging kabiyak nito. Ipinangalan ng mga tao ang bundok sa marangal na bayani.
At iyon ang kung paano, ayon sa kuwento, napangalanan ang Bundok Kanlaon. Ito ay naging isang bulkan dahil sa espiritu ng namatay na dragon.
There once lived on the island of Negros a princess named Anina who lived a very sheltered life. One day, Anina overheard her father talking to the kingdom's chief priestess. The priestess was frantic about a report that they could not find a single maiden who was unblemished. Later, Anina asked her father what it was all about, and the king finally broke down.
There had long been a seven-headed dragon guarding the kingdom, and the monster could only be appeased if an unblemished maiden was sacrificed to it. In fear, all the women in the kingdom had cut themselves to disqualify themselves from the sacrifice. Parents cut their own baby girls so as to spare the infants from the sacrifice. But the king and the queen couldn't bring themselves to mar their daughter's beauty, and so Anina was the only remaining unscarred female in the kingdom.
Anina did not weep. Instead, she willingly offered herself for the sacrifice. Fortuitously, on the day she was to be brought to the mountain where the dragon lived, a man calling himself Khan Laon appeared. (“Khan” in his language meant a noble lord.) He said he came from a kingdom far away in order to slay the dragon and spare Anina's life. No one believed the dragon could be killed, but Khan Laon insisted that his ability to talk to animals would help him.
He asked the help of the ants, the bees, and the eagles. The ants swarmed over the dragon's body and crept under its scales to bite its soft, unprotected flesh, while the bees stung the fourteen eyes of the dragon till it was blind. The largest eagle carried Khan Laon to the mountain where he was able to easily chop off the seven heads of the writhing beast. In gratitude, the king gave Khan Laon his daughter Anina to be his bride, and the people named the mountain after the noble hero.
And that is how, according to the story, Mount Kanlaon got its name. That it is a volcano is because of the spirit of the dead dragon.
Nanggaling sa:
http://compilationofphilippineliterature.blogspot.com/2011/04/legend-of-mount-kanlaon.html
Ang Araw at ang Buwan
Kwento galing sa Igorot
ni Kristine Dela Cruz
Noong unang panahon, patag ang mundo at walang mga bundok. Sa mundong ito, mayroong nakatirang magkapatid. Sila ay mga anak ni Lumawig, ang Dakilang Anito. Mahilig ang magkapatid sa pangangaso. Dahil walang mga bundok, walang mabuting lugar na mapaghuhulihan ng mga baboy. Ani ng mas matandang kapatid, “Gumawa tayo ng tubig na dadaloy sa buong mundo. Matatakpan ang buong mundo ng tubig. Pagkatapos lalaki at tataas ang mga bundok.” Ginawa ito ng magkapatid at ginamit sila ng kahon para ikulong ang mga hayop. Nakahuli sila ng maraming hayop pero nakahuli rin sila ng maraming tao.
Tumingin si Lumawig sa ilalim ng langit at sa mundo. Nakita niya na ang mundo ay natatakpan ng tubig. Nakita rin niya na namatay ang mga tao maliban sa isang babae at lalaki. Ang babae at lalaki ay magkapatid. Gininaw ang magkapatid dahil sa malamig ang tubig. Bumaba si Lumawig sa langit at tinawag ang aso at usa niya. Sinabi ni Lumawig sa mga hayop na dalhan nila ng apoy ang magkapatid para uminit ang mga katawan nila. Noong dinadala ng hayop ang apoy, namamatay ang apoy dahil sa tubig. Sa wakas, umabot ang apoy sa magkapatid. Bumuti ang pakiramdam ng magkapatid dahil uminit sila. Lumaki ang apoy, at dahil dito, naglaho ang tubig. Ngayon, mayroon nang bundok ang mundo at nagkaroon ng maraming anak ang magkapatid. Kaya naman mayroong mga tao sa mundo ngayon.
Ingles:
Once upon a time, the earth was flat and there were no mountains. On this earth, there lived two siblings. They were the sons of Lumawig, the Great Spirit. The siblings enjoyed hunting. Since there were no mountains, there were no good place to hunt for pigs. The oldest brother said “Let’s make the water rise and make it flow all around the earth. The earth will be covered with water. Then, the mountains will rise and grow.” The brothers did this and used a box to capture the animals. They captured many animals but they also captured many people too.
Lumawig looked under the sky and at the earth. He saw that the earth was covered with water. Also, he saw that many people had died except for a girl and a boy. The girl and the boy were siblings. The siblings were cold because the water was cold. Lumawig came down from the sky and called his dog and deer. Lumawig told his animals to get fire to warm the siblings’ bodies. When the animals tried to bring the fire to Lumawig, the fire would be put out because of the water. Eventually, the fire was successfully brought to the brother and sister. The siblings became healthy because they were warm. The fire became big, and because of this, it evaporated the water. Now there are mountains on the earth and the siblings had children. This is the reason why there are now many people on this earth.
Pinagkuhanan:
<http://www.scribd.com/doc/2375555/Philippine-Folk-Tales>