Pagdiriwang

 
        
       Sa tuwing Araw ng mga Patay sa Pilipinas, bumibisita ang mga tao sa mga libingan. Nagbibigay-galang sila sa pamamagitan ng pagsisindi ng kandila at pagdarasal para sa mga kaluluwa. Sabay-sabay bumibisita sa libingan ang mga magkakamag-anak. Masaya ang Araw ng mga Patay dahil parang pagtitipon ito ng mga magkakapamilya. Nagdadala ng mga pagkain ang mga magkakamag-anak at sabay-sabay silang kumakain. Habang kumakain, pinagkukuwentuhan nila ang ala-alang naiwan ng mahal nilang yumao. Sari- saring kuwentuhan ang nagaganap sa pagtitipon ng magkakamag-anak at magkakaibigan sa araw na ito.

      Tuwing Halowin sa Amerika, nagtitipon din ang mga magkakamag-anak. Hindi bumibisita sa mga libingan ang mga tao, pero nagpupunta sa mga bahay-bahay ang mga bata upang mag-“trick or treat.” Ang mga bata ay masaya kapag binibigyan ng kendi. Tulad ng Araw ng mga Patay, ang Halowin ay isang masayang araw.

        In the Philippines, on the Day of the Dead, people visit the cemetery. They give respect to those who passed away by means of lighting candles and praying. Together, everyone visits the cemetery. The Day of the Dead is a happy occasion because it is like a reunion for the family. They bring food and they eat together. While they eat, they talk about the memories of the dead. Different stories are shared during this reunion of the relatives and friends on this day. 

        Here in America, on Halloween, the relatives also get together. They don’t visit the dead, but they go to the places to trick or treat. The kids become happy when they are given candy. Like the Day of the Dead, the reunion of the family is a happy day.   


Ang Paboritong Pagdiriwang ng Aking Nanay
ni Aaron Testa

          Isa sa mga paboritong pagdiriwang ng aking nanay ay ang Bagong Taon dahi sa marami naming mga tradisyon at pamahiin. Sa bisperas ng Bagong Taon, naglalagay siya ng iba't ibang pagkain sa hapag-kainan tulad ng sopas, hamon, hipon, relyenong manok at isda, para raw magkaroon kami ng maraming pagkain sa buong taon at para hindi kami magutom. May mga pagkain din na bilog na hinahain ang aking nanay tulad ng puto, mansanas, ubas, dalandan, lansones, at “keso de bola.” Ang mga ito raw ay sumisimbolo sa barya o pera. Nagsusuot kami ng pula dahil ito raw ay sumisimbolo sa kaligayahan. Ngunit ang pulang damit na may polka dots ay mas mahusay daw dahil ito ay kombinasyon ng kaligayahan at pera. Naglalagay kami ng mga ubas sa harapan at likuran ng mga pintuan ng bahay para akitin ang kayamanan. Mayroon din kaming inihahain na malagkit na pagkain tulad ng leche flan, ube, cassava cake, at suman para raw ang yaman namin sa buong taon ay dumikit sa amin. Sinisiguro namin na ang mga lalagyan ng pagkain, tulad ng bigas, 
asukal at asin, ay puno bago sumapit ang Bagong Taon para raw sa kasaganaan. Binubuksan namin ang lahat ng mga pinto, kabinet, aparador, bintana, at mga pitaka para raw ang grasya ng Diyos ay makapasok sa bahay.
    Naghihintay kami ng hatinggabi at nag-iingay kami sa harapan at likuran ng pintuan para raw matakot ang mga masasamang espiritu na gustong pumasok sa bahay.Kumakain kami ng 12 ubas, na sumisimbolo sa kayamanan sa maaaring makamit bawat buwan ng taon. Naglalagay kami ng mga barya sa aming mga bulsa at kinakalog namin ang mga ito upang lumaki ang aming kayamanan. Ang mga taong maliliit na nagnanais na maging mas matangkad ay tumatalon sa hatinggabi o sa paggising nila sa umaga. Pagkatapos ng hatinggabi, sabay-sabay kumakain ang pamilya at sinasalubong ang bagong taong dumating.


Mga Paborito Pagdiriwang ng Aking Nanay
ni Alyssa Anduiza
            Ang mga pagdiriwang na gusto ng aking nanay ay ang Pasko at ang Bagong Taon.  Gustong-gusto niya ang katapusan ng taon.  Ito ay isang panahon sa taon na ang buong pamilya ay nagpapahinga at nagkakasama–sama. Nakikita namin ang aming mga kapamilyang hindi namin madalas nakikita. Ipinapakita namin ang aming pagpapahalaga at pagmamahal sa pamamagitan ng paggugol ng oras para sa bawat isa at saka sa pagbibigay ng mga regalo.  Natutuwa ang aking nanay  sa mga palamuti, ilaw, at sa krismas tri.
	May iba pang mga tradisyon na gusto ang nanay ko tungkol sa Pasko at Bagong Taon. Ang paghahanda ng pagkain ay isang mahalagang tradisyon sa aming pamilya.  Ang pagkaing hinahain namin sa hatinggabi ng Bagong Taon ay mas marangya kaysa sa hapunan namin tuwing Pasko.  Ang aming bahay ay laging nangangamoy na masarap na pagkain.  Sabi ng aking nanay na ang marangyang handa tuwing Bagong Taon ay nagpapahayag ng isang masaganang taon.  Ang iba pang mga kaugalian na ginagawa namin tuwing Bagong Taon ay ang pagsabit ng labindalawang ubas sa mga pintuan, paglagay ng mga barya sa paligid ng bahay, at ang pagtalon nang mataas sa hatinggabi.

	The celebrations which my mother likes are Christmas and New Years. She really loves the end of the year. This is one of the times of the year that the whole family can relax and spend time together. We get to see our family members whom we do not often see. We show how much we value each other with our good company, quality time spent, and the giving of gifts. She is very happy with the decorations of the house, such as wreaths, ornaments, lights, and the christmas tree.
	There are other traditions that my mother likes about Christmas and New Years. The preparation of the food is one important tradition in our family. The food we prepare for midnight on New Years is much more extravagant that our dinner on Christmas. Our house always smells like delicious food. My mother said the extravagant preparation brings forth a prosperous year. Other customs that our family does on New Years are the traditions such as the hanging of twelve grapes in doorways, the placing of coins around the house, and jumping really high at midnight.


“Halowin” sa Amerika at “Araw ng mga Patay” sa Pilipinas
ni Angelo Agustin
	Sa Amerika, ang Halowin ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagbibigay ng kendi, pagsusuot ng mga kakaibang damit, at sa takutan. Ang Halowin ay isang araw sa buong taon kung kailan ang mga tao ay nagsusuot ng damit na kahit anong gusto nilang maging. Ang kasuotan ay maaaring maging nakakatawa, nakakatakot, seksi, o kahit anong nais ng magsusuot. Noong huling beses akong nagbihis para sa Halowin, nagbihis ako bilang isang mandarambong. Naniniwala ako na ang bersyon ng Amerika ng Halowin ay nanghiram ng iba't ibang mga konsepto mula sa iba't ibang kultura sa mundo. Alam ko na ang kendi ay isang aspeto mula sa Latino Amerikanong kultura, at ang paggalang sa mga patay, at pagsusuot ng mga natatanging damit ay karaniwan sa maraming kultura. Sa paglipas ng mga taon, aking napapansin na ang mga damit na sinusuot ng maraming kababaihan ngayon tuwing Halowin ay mas seksi kaysa nakakatakot.
Sa Pilipinas, ang paraan ng pagdiriwang ng Araw ng mga Patay ay tunay na naiiba mula sa Halowin sa Amerika, ngunit maraming mga pagkakatulad. Nakakuha rin ang mga magulang ko ng kendi noong sila ay bata pa at nagsuot din sila ng kostyum. Ang pangunahing kaibahan ay ang pagbisita sa mga patay sa mga sementeryo sa panahon ding iyon. Ito ay isang bagay na hindi karaniwang ginagawa sa Amerika dahil maraming mga tao ang natatakot na pumunta sa pantiyon. Ang pangunahing aspeto na nagustuhan ko tungkol sa pagdiriwang ng mga Filipino ay hindi ito isang malungkot na okasyon, ngunit isang masayang pagdiriwang ng buhay ng namatay at hindi ng kanilang kamatayan.

	In America, Halloween is celebrated with candy, costumes, and terror. Halloween is the time of year that people get to dress up whatever they want to be. Costumes can be funny, scary, sexy, or anything the person desires to be on that day. The last time I dressed up for Halloween, I dressed up as a pirate. I believe that America’s version of Halloween takes a lot of different concepts from all the different cultures in the world. I know the candy is an aspect from the Latin American culture, and respecting the dead and wearing costumes is common in many cultures. Over the years, I believe that the costumes that a lot of women on Halloween have become very sexy instead of being scary.
	In the Philippines, the way “Araw ng mga Patay” is celebrated  is very different from Halloween in America, but at the same time there are many similarities. My parents used to get candy when they were kids and dressed up in costumes as well. The major difference is that they would also visit the deceased at the cemetery during the holiday also. This is something that is not usually done in America because many people are scared to go. The main aspect I like about this Filipino holiday is that it is not a sad holiday, but a happy one instead to celebrate the life of the deceased and not their death.


Sa Amerika Halowin, sa Pilipinas Araw ng mga Patay
ni Abelard Dizon Bautista
	Sa Amerika, ipinagdiriwang ang Halowin tuwing ika-31 ng Oktubre. Sa tuwing gumagabi na, sumasaya  ang mga bata. Nagsusuot sila ng ibat-ibang kostyum tulad ng “Superman”, “Spiderman”, “Wonder Woman.” Nagbibihis din ang iba ng mga kostyum na parang multo at iba pang nakakatakot na nilalang. Kasama ng mga magulang nila, kumakatok ang mga bata sa mga pinto ng bawat bahay at nagti-trick or treat sila para makakuha ng sari-saring kendi. Nagdiriwang ang ibang mga tao sa Amerika ng Halowin sa pamamagitan ng pagtitipon sa kanilang sari-sariling mga bahay.
	Sa Pilipinas naman, ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre ang Todos los Santos. Ilang araw pa bago mag-undas, inihahanda ng mga tao ang mga kailangan nila para sa Araw ng mga Patay. Nililinis at pinipinturahan nila ang mga puntod ng mga yumao nilang kamag-anak. Sa araw mismo ng Todos los Santos, abala na ang mga tao sa paghahanda umaga pa lamang. Dumadaan ang ibang tao sa simbahan at dumidiretso naman ang iba sa pantyon. Sabi ng tatay ko, sa pagsapit ng hapon sa Orani, binabasbasan ng Kura Paroko ang bawat puntod sa sementeryo pagkatapos ng misa. Ito rin daw ang ginagawa sa bayan ng nanay ko sa Pilar. Pag dumidilim na, dumarami ang mga taong pumupunta sa sementeryo kung saan nagtutulos sila ng mga kandila. Naglilibang ang ibang mga bata sa pamamagitan ng pag-iipon ng mga tulo ng kandila. Ayon sa nanay ko, binibilog nila ang mga ito para gawing “floor wax” sa hinaharap. Ang ibang mga tao ay naghahalinhinan sa pagbabantay para madalaw nila ang mga puntod ng iba pa nilang mga kamag-anak. Nananatili sila sa mga puntod hanggang sa maubos na ang mga kandilang kanilang itinulos.
	Sa Amerika at Pilipinas, kapwa masaya ang selebrasyon ng mga huling araw ng Oktubre (o ika-1 ng Nobyembre) bagama’t may pagkakaiba sa pamamaraan. Sa Amerika, Halowin ang tawag sa pagdiriwang sa gabi ng ika-31 ng Oktubre. Nagti-trick or treat at nagsusuot ng kostyum ang mga bata at ang iba naman ay nagkakaroon ng pagtitipon sa kanilang mga bahay. Samantalang sa Pilipinas, tuwing ika-1 ng Nobyembre nagtitipon ang mga tao sa pantiyon upang mabantayan nila ang mga putod ng mga yumao nilang kamag-anak.

	In America, Halloween is celebrated every October 31st. When it gets dark, the kids start to get excited. They wear different kinds of costumes, like superheroes (such as Superman, Spiderman, and Wonder Woman), ghouls and ghosts (like Dracula, zombies, and skeletons), and others. With their parent,s children knock on the doors of houses, trick or treating to collect a variety of candy. Others celebrate Halloween in America by throwing parties at their houses.
	In the Philippines, on the other hand, they celebrate All Saints Day on November 1st. Days before the actual celebration of Day of the Dead people prepare for the things they need. They clean and paint the graves of their departed relatives. On the actual day of the Day of the Dead, in the morning, people start to get ready. Some go to church while others go straight to the graveyards. When it gets dark, according to my dad, in Orani, after mass, the Pastor blesses each and every grave in the cemetery (it is also like this in my mom’s hometown [in Pilar]). When it is finally dark, many people start to gather in the cemetery and they start to light candles. To pass the time, some of the kids collect candle droppings. According to my mom, they do this to make balls of floor wax to use later. Those that watch over the graves take turns with others so that people can visit many other graves of their departed loved ones. The people continue to keep vigil until their lit candles have run out.
	In America and the Philippines, both celebrations during the last days of October (or the 1st of November) are joyous occasions though there are differences between the two. In America, Halloween is celebrated on October 31st. Kids trick or treat and dress up in costumes while others have parties at their houses. Meanwhile in the Philippines, on November 1st, people gather at cemeteries to wait and watch over the graves of their departed relatives.


Christmas sa Amerika, Pasko sa Pilipinas
ni Adrian Bacong
        Kapag Christmas sa Amerika, mayroong mga malalaking pagtitipong nagaganap.  Nagbibigay ang mga tao ng mga napakamamahal na regalo sa kanilang pamilya at sa kanilang mga kaibigan.  Mayroon ding “Santa Claus” na pinaniniwalaan ang mga kabataan.  Dumadating siya sa gabi at naghahatid siya ng mga regalo para sa mga mabubuting bata.  Gayunman, nagbibigay si Santa Claus ng mga karbon para sa mga masasamang bata.  Ang pamimigay ng regalo ay ang pang-unahing pokus ng “Christmas” sa Amerika, pero ang kapanganakan ni Hesus ay ang pangunahing pokus sa Pilipinas.
	Sa Pilipinas naman, ang araw ng kapanganakan ni Hesus ay tinatawag na Pasko. Nagdiriwang ang mga Pilipino ng Simbang Gabi.  Ang Simbang Gabi ay isang pang- araw-araw na pagdiriwang na ginaganap siyam na araw bago mag-Pasko.  Nagdiriwang at naghahanda ang mga tao sa pagdating ni Hesus.  Nagsisimba ang mga tao sa madaling araw na misa.  Pagkatapos ng misa, pumupunta sila sa mga nagtitinda sa labas ng simbahan para bumili ng puto-bumbong at tupig.  Ayon sa aking nanay, ang tupig ang pinakamasarap na pagkain ng Manaoag.  Pumupunta rin ang mga tao sa palengke at bumibili  sila ng mga prutas.  Nagtitinda rin ang mga tindero ng mga mansanas at ng mga ubas. Maraming mga tao ang hindi namimigay ng mga regalo dahil sa kahirapan.  Gayunman, nagbibigay ang mga matatanda ng pera sa mga anak nila.  Ayon sa aking nanay, nagpapalitan ang mga estudyante ng mga regalo.  Kinuwento rin sa akin ni nanay na bumibili raw noon si lola ng mga bagong damit, tsinelas, at laruan para sa kanilang magkakapatid. Sabi rin sa akin ng nanay ko na pumupunta raw sila noon sa mga bahay sa bayan kasama ang kanyang mga pinsan upang mangaroling. Mayroon ding puno ng Pasko. Pinapalamutian nila ang puno ng mga dekorasyong yari sa papel de hapon.  Mayroong ding parol na sinasabit ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay.  Sumasagisag ito sa bituing sinundan ng Tatlong Hari upang mahanap si Hesus.  Sa Amerika at Pilipinas, kapwa masaya ang selebrasyon sa Disyembre.

	During Christmas in America, there are large parties.  People give very expensive gifts to their family and friends.  There is also “Santa Claus.”  He arrives at night ang gives gifts for the good children.  However, Santa Claus gives coal to the bad chidren.  Gift giving is the main focus of “Christmas” in America, but the birth of Jesus is the main focus in the Philippines.
	In the Philippines, it is called “Pasko.”  Filipinos celebrate Simbang Gabi.  Simbang Gabi is a daily celebration twelve nine days before Christmas.  They celebrate and prepare for the coming and birth of Jesus.  People attend early morning masses.  After mass, they people go to the vendors in order to buy “putubumbum” and “tupig.”  According to my mother, “tupig” is a   delicacy of Manoag.  They also go to the market and they buy fruits.  The vendors sell apples and grapes.  They do not give gifts often because people are poor.  However,  adults give money for to their children.  According to my mother, students exchange gifts.  The mother of my mothergrandmother on my mother’s side buys new clothes, new shoes, and a toy for her children.   The cousins of my motherMy aunts and  my mother go to the houses of the town.  They sing “Christmas Carols” to the people.  There is a Christmas tree.  They decorate the tree with ornaments and made of crepe papaer.  There is also a Parol of Christmas in the houses of the peoplepeople’s houses.  It symbolizes the star that the Three Kings follwed to find Jesus.  In America and the Philippines, both enjoy celebrationare happy celebrations in December.


Ano ang Kinalaman ni Santa Claus kay Hesus?
ni Billie Hassim
        Si Santa Claus ay nagbibigay ng mga regalo sa mga mababait na bata tuwing Kapaskuhan.  Nakatira siya sa North Pole kasama ang kanyang asawa at mga duwende.  Taun-taon, sumasakay siya sa kanyang paragos para maibigay niya ang mga regalo sa mga mababait na bata. Ito ang alamat tungkol kay Santa Claus na sinasabi ng mga magulang sa mga bata para magpakabait sila.  Ang totoong San Nikolas ay isang tao na naging obispo sa Turkey.  Naging sikat si San Nikolas dahil sa mga milagro na ginawa niya sa buhay niya. 
Si Hesus naman ay ang Tagapagligtas ng mga Katoliko.  Siya ang Anak ng Diyos na naging tao para mailigtas ang buong sangkatauhan sa mga kasalanan nila.  Ang Kanyang kapanganakan ang siyang dahilan kung bakit mayroong Pasko ngayon. Ipinagdiriwang natin ang Pasko kasi ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni Kristo, kaya ang Pasko ay tinatawag na “Christmas”. Mahalaga si Hesus sa mga Katoliko dahil sa lahat ng mga milagrong ginawa Niya para sa mga tao.  Lahat ng ginawa ni Hesus para sa sangkatauhan ay para sa kaligtasan natin.
Para sa akin, ang Pasko ay hindi lang dapat isang araw para sa mga regalo.  Sa lipunan ngayon, ang Pasko ay tungkol lamang sa mga regalo, lalo na para sa mga bata.  Sa tuwing paparating na ang Pasko, naririnig ko na tintanong ng maraming mga bata kung nasaan ang kanilang regalo sa Pasko. Para sa akin, parang nasisira ang kahulugan ng “regalo.” Hindi na isang bagay na binibigay galing sa kabaitan ng isang tao o isang bagay na talagang galing sa puso. Parang inaasahan na nang lahat ng mga tao na kailangan nilang bumili ng mga regalo at mabibigyan rin sila ng mga regalo.  Para sa akin, ang Pasko ay dapat maging tungkol sa ating pamilya at sa mga taong minamahal natin.  Kahit wala akong regalo sa Pasko, basta kasama ko lang ang lahat ng mga tao na minamahal ko sa buhay, sapat na iyon para sa akin.

    The author reflects on the two different idolized figures during the Christmas season: Santa Claus and Jesus. While Santa Claus is more associated with the giving of gifts, the author reveals her own sentiment about the birth day of Jesus; this is more a time to be spent with family and loved ones, rather than the giving and receiving of gifts.


Christmas-Pasko
ni Daphne Rabot
            Ipinagdiriwang ang bisperas ng Pasko sa Amerika tuwing ika-24 ng Disyembre. Pinapalamutian ng mga tao ang labas ng kani-kanilang mga bahay ng mga ilaw at nagtatayo sila ng mga Christmas Tree sa loob ng mga bahay nila. Kumakain ang aming pamilya ng hapunan nang magkakasama. Pagdating ng hatinggabi, nagpapalitan kami ng mga regalo at binubuksan ng mga maliliit na bata ang kanilang mga regalo.
 	   Sa Pilipinas naman, ang simula ng pagdiriwang ng Pasko ay tuwing ika- 16 ng Disyembre sa pagsisimula ng Simbang Gabi. Sa Pilipinas, dumadalo kami sa misa tuwing umaga at pagkatapos ay kumakain kami ng puto-bumbong, pansit, puto, at iba pa. Ito ay patuloy naming ginagawa ng siyam na araw hanggang sa bisperas ng Pasko. Pinalalamutian namin ang aming bahay gamit ang mga ilaw na pampasko at parol na gawang Pinoy. Sa gabi, ang mga tao ay kumakanta ng mga awiting pampasko. Kapag bisperas ng Pasko na, nagsasabit kami ng medyas at nilalagyan namin ng kendi ang bawat isa. Matapos ang huling misa ng Simbang Gabi sa bisperas ng Pasko, kami ay may Noche Buena o kainan sa gabi. At sa araw ng Pasko, ang aking pamilya ay nagtitipon, kumakain, at nagpapalitan ng mga regalo.
    Sa Amerika at Pilipinas, kapwa masaya ang selebrasyon ng Pasko kapag ika-25 ng Disyembre.

       In Christmas in America, we celebrate Christmas on December 24th. People would decorate their houses with Christmas lights and decorate Christmas trees. Our family would  have eat dinner together. At midnight, we would exchange gifts and the little kids would open all their gifts.

      In the Philippines,we start celebrating Christmas on December 16 with the start of Simbang Gabi.. In the Philippines, We attend mass early in the morning and after mass we would eat puto-bumbong, pancit, puto, etc. This continues on for nine days until Christmas eve. We decorate our houses with Christmas lights and a huge star, which are Filipino lanterns called “parols”. At night, people would sing Christmas songs. On Christmas Eve, we would hang socks as Christmas stockings and place candy in each sock. After the last mass on Christmas Eve, we would have Noche Buena, which is a midnight meal. And on Christmas day, our family would gather, eat, and exchange gifts.

       In America and the Philippines, both enjoyed the Christmas celebration on December 25th.

Undas at Halowin

ni Jan Tancinco

 
 
Made on a Mac

sunod >

< nauna