Moda
Moda
Pang-araw-araw na Moda
ni Dinna Gonzales
Hindi ako babaeng maarte, pero hindi ko ipagkakaila na mahilig ako sa damit! Kung pupunta man ako sa isang salu-salo o kahit na sa eskuwelahan, gustung-gusto kong nagsusuot ng magagarang damit. Para sa akin, ito ay oportunidad para ipakita ang aking pagiging malikhain at ang aking personalidad. Kaya lang, masyadong bisi ang buhay-estudyante sa kolehiyo na wala akong sapat na oras para mamili ng magagandang kombinasyon ng aking mga damit na isusuot na pang-araw-araw. Kaya ano ba ang ginagawa ko kapag may mahigit-kumulang dalawang oras lamang ako para mag-ayos bago ng klase? Pumapasok ako sa website na lookbook.nu.
Ang lookbook.nu ay isang website na kung saan ang mga potograpo, modelo, mga nagdidisenyo ng damit, bloggers, at kahit sinumang mahilig sa moda, ay naglalagay ng mga litrato ng kanilang mga isinuot o tinatawag nilang “look.” Ito ay tila isang tala-arawan ng moda ng isang tao na kung saan maaari niyang ipagmalaki ang kanyang isinuot na makintab na damit noong dumalo siya sa kasal ng kanyang kaibigan, o kahit ang simpleng puting t-shirt na sinamahan niya ng magarang sapatos na ginamit niya sa trabaho. Ang mga makikita sa website na mga “look” ay mula sa pinakasimpleng estilo hanggang sa pinakamagagara. Makakakuha ka sa website ng inspirasyon para sa sarili mong kombinasyon ng damit mula sa iba’t ibang estilo na ipamamalas mga miyembro nito.
Bago pa man ako pumasok sa website, nasa isip ko na ang mga damit na gusto kong suotin. Halimbawa, gusto kong suotin ang aking paldang bulaklakin. Kapag nasa website na ako, maghahanap ako ng mga “looks” na gumagamit ng palda. Sa mga napili ko, tinitingnan ko kung ano ang ginamit nilang pamares sa palda na mga damit o mga scarves o kung ano pa man. Dahil sa website, nasasagot na ang problema ko sa paghahanap ng babagay sa napili kong damit. At dahil hindi naman eksaktong magkapareho ang damit ko sa mga “looks” sa website, nakakasiguro pa rin ako na magagamit ko ang aking pagkamalikhain at ang aking personalidad para gawing kakaiba at sariling akin ang “outfit.”
Kaya ang dalawang oras na mayroon ang ilan sa atin sa pamimili ng damit ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng paglalaan ng dalawampung minuto ng paghahanap ng inspirasyon sa website at tatlumpung minuto upang gawing sarili ang estilo. Sa tingin ko, magagamit ito ng lahat ng babae sa mundo na mahilig mag-ayos ngunit walang oras para sa mahabang proseso ng pamimili!
I’m not a girly-girl, but I must admit that I love dressing up! Whether it is for a friend’s party or just a regular day at school, getting all dolled up is one of the things that I really enjoy. I feel like it is an opportunity for me to express my creativity, and at the same time, my personality. However, the demands of being a college student do not always provide me the opportunity to take time out of my day to try out everything in my closet. So, what do I do when I have more or less two hours to get ready for class? I visit lookbook.nu.
Before I go to the website, I keep in mind the clothes that I want to wear. For example, let’s say that I wanted to wear a floral skirt. From there, I go to the website, and pick a handful of outfits that use floral skirts. Then, I look at how different members mix-and-matched the skirt with different tops, scarves, or other accessories. Because of this website, I have been able to solve my dilemma of having to mix-and-match whatever I have so as to make sure that my clothes look good together. Since, most often than not, my clothes do not actually look exactly like the ones used in the picture, I have the opportunity to work creatively with what I have, and to give the outfit my own personal twist!

Ang Paborito Kong Damit
ni Stephanie Chua
Maraming mapupuna tungkol sa isang tao mula sa kanyang mga damit. Pag minsan, hinuhusgahan natin ang mga tao base sa kanilang kasuotan kahit na hindi natin sinasadya. Sa aking palagay, ito ay natural pero hindi ako sang-ayon sa paniniwalang nasusukat ang pagkatao ng isang nilalang ayon sa kanyang kasuotan. Para sa akin, ang pagdadamit ay depende sa aking nararamdaman. Halimbawa, tuwing linggo ng mga midterms at finals, nagsusuot lang ako ng mga komportableng damit kahit hindi ito magkaterno o uso. Sa gayon, kung huhusgahan ako ng mga tao base lamang sa suot ko sa mga araw na iyon, siguradong hindi nila makikilala ang aking tunay na pagkatao.
Mahalaga sa akin ang pagiging komportable kapag pumipili ng mga damit. Isa sa mga pinakagusto kong pang-itaas ay sweter na hindi gaanong masikip at tamang-tama lang sa kasalukuyang panahon. Ito ay kulay kaki na may larawan ng kabayo. Binili ko ang sweter sa tindahang New Look sa Poland noong nakaraang Pasko. Nagkakahalaga ito ng 50 zloty na katumbas ng 16 dolyar. Ang paborito ko namang pantalon ay galing sa American Eagle. Binili ko ito sa halagang 30 dolyar noong ako ay pumasyal sa Seattle. Gustong-gusto ko ang kulay nito at estilong “skinny” na nakahubog sa binti. Ang pinakagusto ko namang sapatos ay ang botas ko na Ugg. Paborito ko ito dahil malambot ang suwelas at mainit sa paa. Binili ito ng Tatay ko sa halagang 150 dolyar at iniregalo sa akin. Mabibili ito sa mga karaniwang tindahan tulad ng Macy’s, Nordstrom, at iba pang sapatusan.
Kung titingnan ang aking pananamit, masasabing ako ay simple. Masasabi ring ako ay praktikal dahil inuuna ko ang pagiging komportable kaysa sa pagiging maporma. Sa aking palagay, hindi naman masyadong magbabago ang aking pananamit pagdating ng araw. Uunahin ko pa rin ang pagiging komportable pero siguro magiging mas pormal ang aking mga damit kapag nag-umpisa na akong magtrabaho. Kahit na may mga bagay na kapuna-puna tungkol sa akin ayon sa suot ko, hindi pa rin makikilala ang aking kabuuang personalidad batay sa damit lamang. Gaya nang sinabi ko sa una, ang aking pananamit ay depende sa nararamdaman ko sa araw na iyon. Samakatuwid, hindi dapat palaging hinuhusgahan ang mga tao ayon sa kanilang pananamit.
There are a lot of things that can be discerned about a person from his clothes. Sometimes, we judge people based on their clothing even though we don’t do it on purpose. In my view, this is natural but I do not agree with the belief that a person is measured by what they are wearing. For me, dressing up depends on what I am feeling. For example, during midterms and finals week, I just wear comfortable clothes even if they do not match or they are not in style. Thus, if I were to be judged by people based only on what I wear during those days, I’m sure they won’t get to know the real me.
Being comfortable is important to me when selecting clothes. One of my favorite tops is a sweater that is not too tight and is just right for the current weather. It is khaki colored and has a picture of a horse. I bought this sweater at the store “New Look” in Poland last Christmas. It cost 50 zloty, which is equivalent to 16 dollars. My favorite pants are from American Eagle. I bought it for 30 dollars when I visited Seattle. I really like its color and its skinny style that molds to your legs. The shoes that I like the most are my Uggs boots. It is my favorite because the soles are soft and it’s warm on the feet. They were bought by my dad for 150 dollars and given to me as a gift. They can be bought from regular stores such as Macy’s, Nordstrom, and other shoe stores.

Fashion sa “Recession”
ni Dinna Gonzales
Ang dalawa sa mga pinakapinag-uusapang bagay sa panahon ngayon ay ang recession at ang pagbabalik ng Vintage Fashion.
Kaya ano pa ang mas magandang paraan para sumabay sa uso nang hindi gumagastos ng malaking halaga ng salapi? Eh di mamili ka sa isang thrift store!
Ang thrift store sa Amerika, o ang tinatawag na “ukay-ukay” sa Pilipinas ay isang lugar na kung saan makakahanap ng iba’t-ibang klaseng mga damit ang sinumang matipid na fashionista! Ngunit, ang mga murang damit na ito ay hindi para sa lahat. Ang sikreto ng murang presyo ng mga damit nila ay dahil ang karamihan, kung hindi ang lahat, ng kanilang mga binebenta ay “second-hand” o nagamit na ng iba. Kung walang problema sa iyo ang katotohanang ito, magsikap ka lang mamili sa kay rami-raming damit sa mga thrift store o mga ukay-ukay, at siguradong makakahanap ka ng “vintage lovin’!”
Vintage, according to Wikipedia, is “clothing that imitates the style of a previous era.” High-waist shorts, denim jackets, and animal prints, that were especially popular in the past, are back in style and up on racks at your favorite stores, such as Forever21, H&M, and Urban Outfitters. However, today’s economic state reminds us of the fact that although these clothes are “what’s in,” they cost money! And this money that I believe many of us may not have the luxury to spend!
So what is the best way to be in style while being frugal? Hit the closest thrift store!
A thrift store in America, or otherwise called “ukay-ukay” in the Philippines, is a place where one has access to a wide array of clothing choices for every frugal fashionista out there. However, these cheap finds are not for everyone. The secret to their low prices is the fact that most, if not all, clothes you find in thrift stores are secondhand. I know a hand full of people who do not feel comfortable with that. But, if you are able to look past that fact, anyone devoted to spending time looking through heaps of clothes are sure to find some of their own “vintage lovin’!”