Kung Papaano Interbyuhin si Gene Block
Kung Papaano Interbyuhin si Gene Block
Magandang umaga klase. Ngayon ako ay magbibigay ng panayam tungkol sa kung paano interbyuhin si Chancellor Gene D. Block. Kung hindi mo alam, si Gene Block ay ang Chancellor ng UCLA. Si Ginoong Block ay dating bise-presidente at puno ng Unibersidad ng Virginia, kung saan siya ay nagtrabaho ng dalawamput-siyam na taon (29). Siya ay itinalaga bilang Chancellor ng UCLA noong dalawang libo pito, at sa gayon siya ay bago sa UCLA.
May maraming mga pulong at mga kaganapan na kasama si Chancellor Block. Habang nakikipagpulong, napakahalaga na magsalita nang malinaw, kalmado, at propesyunal. Kahit na matindi ang iyong hindi pagsang-ayon sa administrasyon, dapat mong ipakita ang iyong sarili sa isang magandang paraan. Kung ipapakita ang iyong galit sa pangasiwaan, ang iyong pakikipagmiting ay hindi magbubunga nang maganda. Mahalaga rin ang pagsusuot ng damit na semi-kaswal. Hindi kailangang magsuot ng suit o Amerikana o kurbata sa mga pulong, ngunit kung presentable ka, mas seseryosohin ka ng administrasyon.
Napakahalaga ring maghanda ng iyong mga sasabihin sa pakikipag-usap bago ang pulong. Kung hindi ka naghanda para sa iyong pulong, ang administrasyon ay hindi magkakaroon ng tiyak na sagot para sa iyo. Gayunman, kung magtatanong kayo para sa tiyak na mga aytem, magiging mas madali para sa kanya upang ibigay sa iyo kung ano ang nais mo. Nakilala ko ang Chancellor sa unang pagkakataon noong nakaraang taon nang ang ilang mga organisasyon ng mga mag-aaral ay nagharap sa kanya ng mga importanteng isyu. Ang mga organisasyon ay halos pangkulturang pagtatanggol o organisasyong nagtataguyod ng cultural advocacy, kasama na ang Samahang Pilipino.
Halimbawa, nais naming ipaalam kay Chancellor Block ang tungkol sa mababang enrolment ng mga mag-aaral na minoridad sa unibersidad sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga pagsisikap sa outreach. Sa halip na sabihin namin sa kanyang dagdagan ang enrolment, hiniling namin sa kanya na magbigay ng karagdagang pondo para sa mga proyekto sa Community Program Office na direktang nagtatrabaho sa mga mag-aaral mula sa buong Los Angeles upang makapasok ang mga mag-aaral na ito sa unibersidad. Dahil ako ay isang miyembro ng pamahalaang mag-aaral sa UCLA, mayroon kaming almusal o miting sa Chancellor nang hindi bababa sa isang beses o dalawang beses sa isang taon at iniimbitahan siyang magsalita sa mga kasapi ng pamahalaan ng mga mag-aaral. Ginagamit namin ang ganitong mga oportunidad na sabihin sa Chancellor kung ano ang mahalaga sa mga mag-aaral. Bilang isang mag-aaral, maaari mo ring sabihin sa pamahalaan ng mga mag-aaral o student government kung ano ang isyu na mahalaga sa iyo, dahil kami ang mga direktang link sa pagitan ng undergraduates at administrasyon, kabilang na si Chancellor Block. Minsan ito ay lubhang mahirap magkaroon ng resulta, kaya dapat konsistent ang mag-aaral na pamahalaan sa bawat taon.
Bukod dito, bawat quarter, may nakalaang isang oras na opis awars si Chancellor Block para sa undergraduate na mga mag-aaral. Nagbibigay siya ng sampung minutong sesyon para sa bawat mag-aaral o grupo ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay dapat mag-sign-up para sa isang loterya, at ang ilang mga mag-aaral ay pinipili. Ito ay isang tunay na paraan na ang pangangailangan ng mag-aaral ay maaaring matugunan ni Chancellor Block; sa kabilang banda ito ay masyadong mahirap. Si Block ay isang napaka-abalang tao at maraming mga bagay sa campus at sa labas ng campus na dapat niyang intindihin. Siya rin ay hindi palaging nakikinig sa kung ano ang nais ng mga mag-aaral. Minsan siya rin ay nagbigay ng mababaw na mga sagot sa mga mag-aaral. Gayunman, kung ang mga mag-aaral ay nagpapakita ng karampatang pagpupursige, siya ay nakikinig. Kung sasabihin ninyo ang inyong isyu sa mga lider-estudyante at masasabi sa Chancellor ang inyong mga kuwento, pwedeng ma-personalize ang isyu, at siya ay magiging mas bukas.
Sa paglalagom, ang pinakamahalagang paghahanda sa pakikipanayam sa isang opisyal ng unibersidad ay dapat malinaw na pagsasalita, kalmado, at propesyunal. Gayundin, maghanda ng pakikipag-usap tungkol sa mga puntos na tiyak na mga bagay-bagay na nais mong aksyunan ng administrasyon. Huwag malawak ang paksain, kung hindi bibigyan ka ng administrasyon ng mababaw na mga sagot at hindi kongkreto. Gayundin, ipaalam sa pamahalaan ng mga mag-aaral kung ano ang mahalaga sa iyo upang maipaabot nila ito sa Chancellor. At sa wakas, mag-sign up para sa kanyang oras ng opisina kung saan maaari mong maipaalam ang iyong mga isyu sa kanya. Kung susundin mo ang mga hakbang na ito, maaaring magkaroon ka ng isang matagumpay na interbyu kay Chancellor Gene D. Block.
Good morning class. Today I am going to talk about how to interview Gene D. Block. If you do not know, Gene Block is the Chancellor of UCLA. Block was the vice president and provost of the University of Virginia, where he worked for 29 years. He was appointed as Chancellor of UCLA in 2007, and so he is rather new to UCLA.
I have been to many meetings and events with Chancellor Block. During these meetings, it is very important to be articulate, calm, and professional. Even if you disagree strongly with administration, you should present yourself in a nice way. If you are angry with administration, then your meeting will not be productive. It is also important to dress semi-casual. You definitely do not have to wear a suit or tie to these meetings, but if you dress appropriately, then administration will take you more seriously.
It is also very important to prepare your talking points before these meetings. If you do not prepare for your meeting, the administration will not have specific answers for you. However, if you ask for specific items, then it will be easier for him to give you what you want. I met with Chancellor for the first time last year when some student organizations presented important issues to thim. These student organizations were mostly cultural advocacy organizations, including Samahang Pilipino. For example, we wanted Chancellor Block to address the low enrollment of minority students to the university by supporting outreach efforts. Instead of saying that we wanted him to increase enrollment, we asked him to give more funds to the projects in the Community Programs Office that work directly with students from throughout Los Angeles to allow them to get in to higher education.
Since I am a member of the student government at UCLA, we have breakfast or a meeting with the Chancellor at least once or twice a year. We are also invited to events that he is speaking at as members of the student government. We use these opportunities to present to the Chancellor what is important to students. As a student, you can also let your student government know what issues are important to you, since we are the direct link between undergraduates and administration, including Chancellor Block. Sometimes it is very hard to have follow through, so it is important that student government is consistent every year.
Also, every quarter Chancellor Block has an hour of office hours for undergraduate students. He has ten minute sessions for each student or group of students. Students sign up for a lottery, and a few students are selected. This is a tangible way that students can meet with Chancellor Block, otherwise it is very hard. Block is a very busy man and has to do many things on campus and outside of campus. He also does not always listen to what the students want. Sometimes he can also give shallow answers to students. However, if students show that they care enough, he will listen. They can tell him your story so that he can personalize the issue, then he will be more open.
To summarize, the most important preparations to interview a university official are to be articulate, calm, and professional. Also, prepare talking points about specific things that you want administration to address. Do not be broad, or else administration will give you shallow answers and will not be concrete. Also, let your student government know what is important to you so they can relay this to the Chancellor. And finally, sign up for his office hours each quarter so that you can personalize your issues with him. If you follow these steps, then you will be able to have a successful interview with Chancellor Gene D. Block. #
Ang mga litrato ay kinuhga galing sa facebook, coffeefairy.wordpress.com, ioe.ucla.edu, at advocacy.ucla.edu.
ni Jason Tengco