PILIPINO SCHOLARS DAY 2009
PILIPINO SCHOLARS DAY 2009
Noong
ika-2 ng Abril, nagpulong ang mga miyembro at mga kaibigan ng Campaign
for Philippine Studies (CPS) tungkol sa kalagayan ng pag-aaral ng
Pilipino sa Unibersidad ng California sa Los Angeles. Ginawa
itong pulong sa James West Alumni Center. Si Dr. Victor Bascara ang
Panel Moderator, at si Dr. Joi Barrios naman ang Keynote Speaker.
Nagsimula ang araw sa isang plenary session na pinamunuan ng Critical Filipino Studies Working Group.
Pumunta ang buong Asian American Studies 133 na klase ni Dr.
Victor Bascara sa sesyong ito. Naghati ang grupo na may
higit sa isandaang sa mga mas maliliit na grupo na may tig- 7-8
katao. Ang pinag-usapan ng mga grupo ay ang Pilipino Studies.
Nagbahagi ang mga tao tungkol sa kani-kanilang mga palagay at
paniniwala. Madalas, ang mga tema na binabanggit ng mga
estudyante ay tungkol sa kahalagahan ng Pilipino Studies dito sa UCLA
at ang kaugnayan ng Pilipino Studies sa komunidad sa labas ng
kampus. Pagkatapos, nagbahagi ang mga maliliit na grupo tungkol
sa napag-usapan nila sa sariling grupo.
Pagkatapos ng plenary session, nagkaroon ng isang Pilipino Studies Dialogue Panel
at Q&A. Sinuri ng Panel na ito ang kaalaman ng CPS tungkol sa
mga komunidad dito sa Estados Unidos at sa buong Pilipinong
Diaspora.
Ang
Keynote Speaker naman na si Dr. Joi Barrios, guro ng wikang
Filipino at panitikan ng Pilipinas sa UC Berkeley, ay
nagbigay ng panayam ukol sa kahalagahan ng pag-aaral ng wikang
Filipino at ang mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral ng Pilipino
Studies. Nagbigay din siya ng maikling kasaysayan ng Philippine
Studies, Pilipinolohiya, at Pilipino Studies sa akademya.
Pagkatapos
noon, ipinakita ni Eric Tandoc, isang dokumentarista, ang pelikula
niya. Ang pamagat ng dokumentaryong ito ay “Sounds of the New
Hope.” Tungkol ito sa hip-hop, at itinatampok nito ang isang
artista na ang ngalan ay Kiwi.
Nagwakas
ang araw sa isang mixer, kung saan nakipag-usap ang mga estudyante,
iskolar, propesor, at miyembro ng komunidad tungkol sa iba’t-ibang mga
paksa.
Isinulat ni Edwin Cruz
Huwebes, ika-2 ng Abril, 2009
Si Dr. Joi Barrios ay nagsalita bilang keynote speaker.