East Meets West:

Ang Laban nina Pacquiao at Hatton

 

Isinulat ni Edwin Cruz


Noong ika-2 ng Mayo, 2009 naglaban sina Manny Pacquiao at Ricky Hatton para sa mga sinturon ni Hatton na Junior Welterweight galing sa International Boxing Organization (IBO) at sa Ring Mazazine.  Nanalo si Pacquiao sa ikalawang-raun nang ma-knockout niya si Hatton.


Bago sila naglaban, nag-promote muna sina Pacquiao at Hatton.  Pumunta sa Britanya si Pacquiao at naglaro pa sila ni Hatton ng darts.  Nanalo si Hatton sa isang “friendly game.”  Binigyan din ni Hatton ng isang jersey ng kanyang paboritong soccer team, ang Manchester City Football Club si Manny.


Kagaya ng ginawa nila para sa laban nina Oscar De La Hoya at Manny Pacquiao, gumawa na naman ang HBO ng dokumentaryo na nagpapakita kung anong ginagawa ng mga boksingero bago sila lumaban.  Ayon sa dokumentaryong ito na ang pamagat ay Pacquiao-Hatton: 24/7, nag-train si Hatton sa Las Vegas.  Sabi ni Hatton na nahirapan siya sa paghiwalay sa pamilya niya.  Iniwan niya sa Britanya ang kanyang magulang na si Carol at si Ray, ang nobya niya na si Michelle, at ang anak niya na si Campbell.  Ang trainer ni Hatton ay si Floyd Mayweather, Sr., isa sa mga piling trainer sa boksing sa kasalukuyan.  ipinakita sa 24/7 si Mayweather na palaging sinasabi na tatalunin daw ni Hatton si Pacquiao kasi alam na alam daw nila ni Hatton ang style ni Pacquiao at palagi raw bukas si Pacquiao para sa suntok.  Ayon kay Mayweather, hindi raw maruonong mag-depensa sa sarili niya sa Pacquiao.  Idinagdag pa ni Hatton raw ay isang “one-dimensional fighter.” 

Sa kabilang kampo naman, nag-treyn si Pacquiao sa Wildcard Gym ni Freddie Roach.  Sa loob ng dawalang buwan, nag-treyn si Pacquiao upang matutunan kung ano ang dapat niyang gawin para manalo.  Para mapabuti ang laban ni Pacquaio, ipinasok ni Freddie Roach si Michael Moorer bilang assistant trainer.  Tinreyn ni Roach si Moorer noong dekada 1990, kung kailan nanalo si Moorer ng World Heavyweight Championship.  Samakatwid, may nalalaman si Moorer sa pagpapanalo at maaari siyang makapagbigay ng mga estratehiya kay Pacquiao.


Noong gabi ng laban, sa harap ng higit sa 16,000 tao, ni-knockout ni Pacquiao si Hatton sa ikalawang raun.  Noong unang raun, nasuntok ni Pacquiao si Hatton ng isang kanang kawit, o “right hook” na ikinabagsak ni Hatton.  Mamaya sa unang raun, pinabagsak na naman ni Pacquiao si Hatton.  Noong ikalawang raun, medyo pantay ang mga manlalaban.  Nanlaban si Hatton upang masuntok niya si Pacquiao subalit sa paggawa nito ni Hatton ibinukas lang niya ang sarili niya sa mga suntok ni Pacquiao.  Bago nagwakas ang ikalawang raun, nahuli ni Pacquiao si Hatton ng isang perpektong kaliwang kawit, o “left hook” sa kanan na pisngi, at bumagsak na naman si Hatton.  Ang reperi na si Kenny Bayless ay pinatigil ang laban, kung kailan nagsimula ang pagseselebra ng mga tagahanga ni Pacquiao. 


Ipinakita ni Pacquiao sa buong mundo na siya ay tunay na “pound-for-pound” pinakamagaling na boksingero.  Nanalo si Paquiao ng kanyang ikaanim na titulo sa mga magkaibang weight class.  Si Oscar De La Hoya lang ang isa pang.  Nanalo rin si Pacquiao ng ikaapat na “lineal championship,” ibig sabihin, siya ang tumalo ng tunay na kampeon sa bawat weight class.  Bukod sa pagpanalo niya ng mga titulo, nagtamo rin si Pacquiao ng karangalan para sa buong bansa ng Pilipinas.



 

Ang bidyo ay galing sa youtube.com.

 

Home Page