Ang KaSingkil

 

Ang Ka Singkil

Ayon kay Joseph Allen Ruanto-Ramirez

 

      Ka Singkil:  Isang sayaw ng Maranaw na naglalarawan ng pakikibaka ni Paramata Gandingan.  Sinasaliwan ito ng awit na Kasilisay na karaniwang nangangahulugang "lumaban at pagtagumpayan." Ang KaSingkil ayon sa kaugalian ay isang sayaw na pangmaharlika na ginagampanan ng mga babae lamang. Laban sa palasak na paniniwala ng mga kompanya ng sayaw at mga paaralan, ang Ka Singkil ay hindi tungkol sa isang prinsipe na nagligtas ng isang prinsesa. ITO AY HINDI ISANG sayaw na Muslim! Ito ay tumutukoy sa panahong bago dumating ang Islam sa "Pilipinas." Sa panahon ng pamamahala ni Presidente Marcos, ang Unang Ginang Imelda R. Marcos ay gusto ng isang uri ng  "Romeo at Julieta ng Pilipinas," at natagpuan itong kuwento  sa epikong Maranaw na Darangen. Sa TUNAY na Ka Singkil, ayon sa kuwentong Maranaw, si Paramata Gandingan ay nag-iisa sa ibabaw ng isang bato at ang mga Tanong (espiritu ng kahoy at lupa), hindi mga Diwata (espiritu ng tubig at himpapawid) ang nagdulot ng lindol na sanhi ng pagbagsak ng mga puno. Ang mga Diwata, na ayaw magpatalo sa mga Tanong,  ay lumikha ng bagyo.  

           Sinubukan ni Paramata Gandingan na iwasan ang mga bumabagsak na mga puno at nakangangang lupa, at sinusubukan din niyang huwag maalis ang kanyang mosala (bandana) at huwag mawala ang apir (pamaypay).  Ang kanyang katulong na babae ay tumakbo sa malayo upang maligtas. Sa kanugnog na lugar, hiniyawan at sinigawan ni Paramata Bontogan si Paramata Gandingan na iligtas ang kanyang sarili dahil siya mismo ay natatakot na iligtas si Paramata Gandingan. Sa katapusan, ang mga Tanong at Diwata ang kumuha kay Paramata Gandingan at pagkatapos, pinaghanap ni Paramata Bontogan si Paramata Gandingan.  

        May ilang mga bagay na binago sa sayaw na ito.  Una, sa kulturang Maranaw, ang mga lalaki ay bawal sumayaw kasama ng mga babae. Dagdag dito, ang mga lalaki ay hindi dapat magpakita ng dibdib sapagkat ito ay itinuturing na mahalay. Sa kasalukuyang sayaw, ang mga "prinsesa" o dayang-dayang ay hindi nakasuot ng malong at sa halip ay nakadamit maharlika na Europeo dahil ito ay pagsasalarawan ni Imelda Marcos  na gusto ng Europeong estilo ng pananamit.  Sa kasuotan naman, nakapatong sa ulo ng prinsesa ang sarimanok.  Sa tradisyunal na kulturang Maranaw, ito ay hindi kailanman inilalagay sa ulo kundi sa mga bahay, bangka, at libingan lamang. Ito ay itinuturing na masamang pangitain na ilagay ito o magkaroon ng isang larawan nito sa iyong katawan. 

         Samantala, ang sayaw na Asik ay hindi Maranaw, kundi Maguindanawon. Ang Asik ay isa sa mga pinakalumang sayaw sa Maguindanawong kultura at ang sayaw ay isang pinahahalagahang sayaw ng kababaihan. Ang Asik AY HINDI isang sayaw ng alipin at hindi ito bahagi ng Maranaw na Ka Singkil. Sa Maranaw na Ka Singkil, isang lalaking alipin o katulong ang humahawak ng payong pero hindi nagsasayaw. Siya ay nakatayo lamang sa likod. Ang TUNAY na Ka Singkil ay may 1-4 na sayaw ng kababaihan na mabagal at kung saan ang babae ay nakangiti o nakangisi. Sila rin ay walang kampanilya sa kanilang mga bukong-bukong at idinagdag lamang ito ni Imelda Marcos.  Mga tribung Lumad ang talagang nagsusuot ng mga ito... hindi ang mga Morong tribu. Ang Ka Singkil ay isang sayaw na nagbibigay lakas sa kababaihan dahil ipinapakita nito na kaya ng babaeng iligtas ang kanyang sarili at hindi niya kailangan ang tulong ng isang lalake.


--------


        Ka Singkil: A Maranaw dance is a depiction of the struggle of (Princess) Paramata Gandingan. Accompanied by the song Kasilisay that usually means “to struggle & overcome,” the Ka Singkil is traditionally a royalty dance performed by womyn only. Contrary to popular belief and depictions by dance companies & schools, the Ka Singkil is never about a prince saving a princess. IT IS NOT A MUSLIM DANCE!  It predates Islam in the “Philippines.” During the regime of President Marcos, First Lady Imelda Marcos wanted the “Romeo & Juliet of the Philippines” and therefor set out to look for that story and found it in the Maranaw Darangen epics. In the REAL Ka Singkil, the Maranaw story states that Paramata Gandingan was by herself on top of a rock and the Tanongs (wood & earth spirits) not Diwatas (water & air spirits) caused an earthquake that made the trees fall. The Diwatas, not wanted to be outdone by the Tanongs, created a monsoon as well. Paramata Gandingan tried to avoid the falling trees and cracked earth all along trying to keep her mosala (scarf) and apir (fans) with her. Her female attendants ran away to safety. On the outskirt of the area, Paramata Bontogan screamed and yelled at Paramata Gandingan to run to safety as he was too scared to rescue her himself. In the end, the Tanongs and Diwatas take Paramata Gandingan and Paramata Bontogan goes and search for her.

In the Maranaw culture, males are not suppose to dance with females as this is taboo. Also, males are not suppose to show their chest because it is considered immodest. The “princess” wears a malong and not the “royal dresses” as this portrayal is Imelda Marcos’ rendition of the dance because she loves European style clothing. The Sarimanok is never put on anyone’s head as it is only put on houses, boats, and tombs. It is considered bad omen to put it or have an image of it on your a person. The Asik is not Maranaw, but Maguindanawon. The Asik dance is one of the oldest dances in Maguindanawon culture and is a highly respected womyn’s dance. Asik IS NOT a slave dance nor is it part of the Maranaw Ka Singkil. In the Maranaw Ka Singkil, a male slave or attendant holds the payong (umbrella) but does not dance. He stands in the back holding the payong up. The REAL Ka Singkil is a 1-4 womyn dance that is very slow and where the womyn smile or smirk. They also don’t have bells on their ankles as this was added by Imelda Marcos where only different Lumad tribes actually wear them…no Moro tribes do. The Ka Singkil is a womyn’s empowerment dance that pretty much states that a womyn can save herself and does not need a man’s help.