Pagbati
Tuloy po kayo! Ito ang ikalimang labas ng taunang e-magasin na Liwanag at Dilim. Ikinararangal naming ibahagi sa inyo ang bunga ng pagsusumikap ng mga mag-aaral at mga guro ng wika at kalinangang Filipino mula sa iba’t ibang paaralan: UC Berkeley, UC Irvine, UC Riverside, UC San Diego, San Diego State University, California State University sa East Bay, Ohlone College, Osaka University, Osaka, Japan, University of Hawaii sa Hawai’i, at UCLA.
Maraming pagsubok ang dinanas sa pagbubuo ng isyung ito mula sa software na gagamitin sa pagbubuo ng site, pag-uugma ng mga iskedyul ng mga mag-aaral sa UCLA na namahala ng pagsasayos ng mga pahina, at pamimili ng mga akdang isasama sa website. Sinikap ng klase na maisama ang marami sa mga akdang sinulat ng mga estudyante upang maipakita ang lawak at lalim ng kakayahan ng mga mag-aaral. Naging malaking pagsubok ang kaiklian ng sampung linggo, kasama na ang mga ekstra-kurikular at gawaing pang-akademiko ng mga estudyante upang mapatnugutan nang maayos ang lahat ng mga sulatin. Ang mga pananaw na ipinapahayag ng mga lathalain ay sa may akda at hindi sa UCLA. Kung anuman ang pagkukulang at mga pagkakamali na matatagpuan sa mga pahina ay pananagutan ng mga lumikha ng site na ito.
Ang klaseng Filipino 6, ikalawang taon at huling kwarter ng intermedyang pag-aaral ng wikang Filipino ang namahala sa iba’t ibang pahina. Labing-apat ang estudyante at bawat isa ay namahala ng sariling mga pahina, namatnugot, nagsalin, at muling bumasa ng mga akda ng mga kaklase upang maging malinis, maayos at kaaya-aya sa paningin ng mambabasa ang mga pahina. Nais kong banggitin ang mga sumusunod: Mga Filipino Editor: Fernalie Aranzazu, Michael Morada, Charisma Urbiztondo, at Lea Vallido. Mga Editor ng mga salin sa Ingles: Marianne Aranda, Raymond Carpio, Kat Cruz, Gabby Labayen, Charlene Lopez, Mike Morada, Alvin Nuval, Jake Suaverdez, Jason Tengco. Mga taga-proofread: lahat sila. Laging tinatawagan kapag may problema sa iweb: Soyeon Kim at Austin Payne ng CDH (Center for Digital Humanities), Barbara Dube, Ezra Biado, at Raymond Carpio. Pangkalahatang tagaayos ng mga link: Barbara Dube. Pangkalahatang taga-proofread, copy edit, at lay out: Charisma Urbiztondo.
Sa isyung ito nilagyan ng tinig ng isang taal na nagsasalita ng wikanag Filipino, si Ginang Ofelia Corpuz Biado at ni Ezra Biado, ang mga senaryong medikal na nagmula kay Dr. Andres de Luna ng UCLA Medical Center na nalathala noong nakaraang taon. Naglalaman ito ng mga karaniwang itinatanong sa mga pasyenteng wikang Filipino ang gamit kapag nagpapagamot. Sana’y makatulong ito sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad tungo sa pagpapabuti ng kalusugan ng pamayanan sa pangkalahatan. Matutunghayan din sa mga pahina ang mga pagtatanghal na powerpoint at mga bidyo na nilikha ng mga estudyante mula sa CSU East Bay, Ohlone College, UC Riverside, at UCLA.
Bukod sa mga dati nang pitak, isang napakabuting kapalaran na nakapag-ambag ang mga mag-aaral ng University of Hawaii at Manoa, UC Riverside, at mga estudyanteng Hapones ng Osaka University. Ang mga akda ay nagpapakita ng saloobin, mithiin, at mga hinagap, at mga isyung humuhugot sa pansin ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng site na ito, mahanap sana ng mga kabataan ang sariling tinig, maipahayag ang kanilang paninindigan, at mithiing pangkagalingan para sa pamayanan. Magsilbi rin sanang isang paghamon sa mga susunod na mga kontribyutor at tagapamahala ng Liwanag at Dilim na mailabas ang katotohanan, natatanging talino, orihinalidad, at pagkamalikhain,
Salamat kina Pia Arboleda (UH Manoa), Bernardo Bernardo (UCR), Maria Josephine Barrios Le Blanc (UCB), Maria Luisa Peñaranda (CSU East Bay at Ohlone College), Atilio Alicio (UCSD at SDSU), Galileo Zafra (Research Institute for World Languages, Osaka University) at kay Sally Idos, presidente ng Council for Teaching Filipino Language and Culture na nagpaunlak na magbahagi ng gawa ng kanilang mga estudyante at nag-ukol ng panahon sa pagbabahagi ukol sa lagay ng pagtuturo ng wikang Filipino sa kani-kanilang institusyon. Higit sa lahat, salamat sa UCLA sa pagbibigay ng puwang sa cyberspace upang matugunan at maitaguyod ang pangangailangan ng mga mag-aaral at mailunsad ang proyektong ito.
Hindi po perpekto, pero pagdamutan po ninyo ang aming nakayanan!
------------------------
Welcome! This is the 5th issue of the yearly e-magazine Liwanag at Dilim (Light and Darkness). We are honored to share with you the fruit of the efforts of students and teachers of Filipino language and literature from various schools: UC Berkeley, UC Irvine, UC San Diego, San Diego State University, California State, University, East Bay, Ohlone College, Research Institute for World Languages, Osaka University, Osaka, Japan, University of Hawai’i at Manoa, and UCLA.
There were many challenges encountered in putting this issue together from technical issues, like deciding on what software to use, synchronizing student schedules at UCLA to work on the project, and choosing which contributions to include in the website. The class included as much contribution as possible to show the breadth and depth of what students can do with the language. The brief ten weeks was a challenge including the extra-curricular and academic work of students to wisely manage, edit all the contributions and design the site. The views expressed in the writings are solely of the authors’. Whatever shortcomings and errors the site may have are the sole responsibility of the makers of this site.
The Intermediate Filipino 6 class at UCLA, second year and last quarter of study of Filipino language created the different pages. There were 14 students, and each one of them was in-charge of his or her pages, edited, translated, proofread, and copy edited their classmates’ work to render the pages free of errors, to the best of their effort and knowledge.
Last year’s “Medical Filipino Project” with Dr. Andres de Luna of UCLA Medical Center now has accompanying voice through the hard work and kindness of Mrs. Ofelia Corpus Biado and Ezra Biado. The dialogs include medical scenarios commonly encountered in clinics and hospitals. We hope that these medical scenarios can be of great use to medical providers to enable them to better serve the Filipino community who are linguistically challenged towards better community health.
Aside from our regular contributors, we are very fortunate to have in this issue, the works of students from University of Hawaii at Manoa, UC Riverside, and the Japanese students of Osaka University. The works reflect the current consciousness and issues at the heart of the youth’s preoccupation.
May this site help the youth to find their own voice, express what they believe in, and their ardent hopes for a better society. May this also serve as a beacon for future contributors and the next writers, editors and designers of Liwanag at Dilim to spread the truth, utilize their special talent, originality, and creativity.
Special thanks to Pia Arboleda (UH Manoa), Bernardo Bernardo (UCR), Maria Josephine Barrios Le Blanc (UCB), Maria Luisa Peñaranda (CSU East Bay and Ohlone College), Atilio Alicio (UCSD and SDSU), Galileo Zafra (Research Institute for World Languages, Osaka University) and Sally Idos, president, Council for Teaching Filipino Language and Culture who gladly shared their students’ works and contributed their time and knowledge regarding the state of the teaching of Filipino in their institutions. Most of all, we thank UCLA for the technical support and for affording the students a venue for their creative output.
This (site) is not perfect; but do enjoy the fruit of our labor!
Nenita Pambid Domingo
Pangkalahatang Tagapamahala
Overall Coordinator
Lecturer, UCLA
Filipino Language, Literature and Culture
Asian Languages and Cultures
Hunyo 2010