Gusto kong pumunta sa Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue kasi kumakain ako ng kanin araw-araw, pero hindi ko alam kung paano magtanim at mag-ani ng palay. Gusto kong pumunta doon habang tagsibol kasi iyon ang panahon na pinakamaberde ang hagdan-hagdang palayan at inaani ang bigas. Napakatanda ng hagdan-hagdang palayan ng Banaue. Ito ay ginawa halos dalawang libong taon na ang nakalilipas. Magandang-maganda rin ang tanawin ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue.
Ang ayaw ko lang sa Banaue ay ang layu-layo mula sa lungsod. Upang makarating doon, kailangan kong sumakay ng bus ng siyam na oras mula sa Maynila. Kapag nakarating na ako doon, maglalakad ako sa mga landas at pilapil at lalangoy ako sa malapit na talon. At saka, lilitratuhan ko ang tanawin at ang buhay sa mga baranggay.
-------
Ingles:
I would like to go to the Rice Terraces of Banaue because I eat rice everyday, but I do not know how rice is grown and harvested. I want to go there in the Spring because that is when the terraces are the greenest and when the rice is harvested. The Rice Terraces of Banaue are very old. It was created about two thousand years ago. The Rice Terraces of Banaue are also very beautiful.
The only thing I do not like about Banaue is that it is very far from the city. To get there, I would have to take a nine hour bus ride from Manila. When I get there, I will hike the trails and swim by the waterfalls. Also, I will photograph the landscape and life in the villages.