Ang Chocolate Hiils ay isa sa maraming magagandang tanawin sa Pilipinas. Mayroong mga 1,776 burol na nakalatag sa ibabaw ng 50 kilometro kuwadrado, lumilikha ng isang kapansin-pansing tanawin. Bawat cone-shaped na burol ay nalulukuban ng berdeng damo na natutuyo at nagkukulay tsokolate kapag panahon ng tag-init. Tapos, napapalitan ang lugar ng walang katapusang hanay ng mga burol na parang “Hershey’s chocolate kisses” kung saan nakuha ng mga burol ang pangalan nila.
Dahil nagiging napakasikat na tourist attraction sa Pilipinas ang Chocolate Hills, naging 3rd National Geological Monument din ito, at kino-consider na mapasama sa listahan ng mga lugar ng UNESCO World Heritage.
Ang alamat ng Chocolate Hills: Ito ang sabi nila sa Pilipinas, na dahilan kung bakit nagkaroon ng ganyang anyo ang Chocolate Hills. May dalawang higante na nag-aaway noon at naghagis sila ng mga malalaking bato, at buhangin sa isa’t isa. Ang kanilang paglalaban ay tumagal nang apat na araw, at napagod nang husto ang dalawang higante. Sa kanilang kapaguran, nakalimutan nila ang kanilang alitan at naging magkaibigan sila. Pero, nakalimutan din nilang maglinis ng mga kalat nila. Sa ganito nagkaroon ng mga burol na kapag tag-init ay mistulang Chocolate Hills.
Kung gusto n’yong maglakbay sa Chocolate Hills, mayroong mga lugar doon na may “viewing decks,” halimbawa sa Chocolate Hills Complex sa Carmen, Bohol at sa Sagbayan Peak, isang “mountain resort” sa bayan ng Sagbayan. Sa Sagbayan Peak, hindi lang may 360 degrees na perspektibo ng Chocolate Hills sa isang “viewing deck,” matatanaw din doon ang asul na dagat sa pagitan ng Bohol at Cebu.
Ingles:
The Chocolate Hills are one of the Philippines’ most spectacular sceneries. There are 1,776 hills spread over an area of more than 50 square kilometers, creating a breathtaking view. Each cone-shaped hill is covered in green grass that turns brown during the dry season. The area is then transformed into seemingly endless rows of “Hershey’s chocolate kisses” and giving the hills its name. They rise from 30-50 meters high.
The Chocolate Hills have become such a famous tourist attraction, that they have been declared the country’s third National Geological Monument and considered for inclusion in the UNESCO World Heritage List.
Legend behind chocolate hills: There once were two feuding giants who hurled rocks, boulders, and sand at each other. Their fighting lasted for days, and tired out the two giants. In their exhaustion, they forgot about their feud and became friends. However, when they left, they forgot to clean up the mess they had made during their battle. Hence, the Chocolate Hills were formed.
If you would like to visit the Chocolate Hills, there are several places that have viewing decks, including the Chocolate Hills Complex in Carmen, Bohol and Sagbayan Peak, a mountain resort in Sagbayan town. In Sagbayan Peak, the viewing deck not only includes a 360 perspective of the Chocolate Hills, but also views of the blue sea that separates Bohol and Cebu.