Liwanag at Dilim
Liwanag at Dilim
Bago siya binaril sa Luneta o Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre, 1898, lumikha si Rizal ng kanyang huling akda. Hindi niya nilagyan ng pamagat ang tula, pero kilala ito ngayong “Huling Paalam” sa Filipino; ito ay isang pagsasalin ng pamagat sa Espanyol na “Último Adios.” Ngayon, maliban sa daigdig ng mga nagsasalita ng Espanyol, kapag binabasa ang tula, binabasa ito sa salin. Ibig sabihin kahit mga Pilipino mismo ay nakilala ang akda sa wikang kaiba sa orihinal, maaaring sa Ingles o sa Filipino.
Hindi simple ang proseso ng pagsasalin, lalo na kapag ang pagsasalinang wika ay napakadayuhan gaya ng mula Espanyol tungo sa Tagalog. Isa sa mga una at mahalagang pagsasalin ng huling akda ni Rizal ay ginawa ni Andres Bonifacio noong 1897. Sa unang pagbasa ay makikita na magkaibang-magkaiba ang dalawang bersyon. Iba ang mga salita at mga saloobin. Sinasalamin ng dalawang bersyon ang dalawang bayan na magkaibang-magkaiba. Sa sanaysay na ito, susuriin ko ang “Último Adios” at ang “Huling Paalam.” Susubukan kong ipakita ang pagkakaiba ng pag-iisip ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Bibigyang-diin ko ang tatlong sumusunod na paksa: 1) ang mga pagkakaiba ng konsepto ng nasyon (bayan bersus patria), 2) ang mga pagkakaiba ng milieu (ilustrasyon o kaliwanagan bersus pag-iisip na popular ng mga Pilipino), at 3) ang mga pagbabago sa kahulugan dahil sa pagsasalin.
Una, pansinin ang pagbabago sa kahabaan. Nang inihulog sa Tagalog ni Bonifacio ang tula, humaba ang akda. Sa pagsasaling Pilipino, naging doble ang haba ng tula. Ito ay dahil sa pagkakaiba ng wika. May mahirap sabihin sa Tagalog na madaling masasabi sa Espanyol (o Pranses, Ingles, at iba pa). Makikita sa bantog na kasabihan ni Rizal sa dalawang wika:
“Ang hindí marunong lumingón sa pinanggalingan ay hindí makararatíng sa paroroonan.”
“Él/la que no sabe su origen no llegaría a su destinación.”
Naging doble ang haba.
Malinaw agad ang ilang pagkakaiba ng pagsasalin ni Bonifacio sa simula ng tula. Nagiging iba ang kahulugan ng maraming salita sa pagsasalin. Ikumpara ang unang saknong ng dalawang bersyon. Isinalin ko nang literal sa Ingles ang mga saknong para maipakita itong pagkakaiba.
Adios, Patria adorada, region del sol querida,
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden!
A darte voy alegre la triste mustia vida,
Y fuera más brillante más fresca, más florida,
Tambien por tí la diera, la diera por tu bien (Rizal).
Goodbye, beloved Nation, region of the beloved sun,
Pearl of the Orient Sea, our lost Eden!
I'll give you the sad gay life limp,
And outside brighter fresher, more florid,
Also for you give it, give it for your sake.
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. (Bonifacio)
Bidding goodbye to my beloved country,
Land beloved by the splendor of the sun,
Important pearl of the Eastern seas,
Glory to us to die for you.
Ang unang pagkakaiba na mapapansin ay ang kahabaan ng mga linya na indibidwal at ang kahabaan ng mga taludtod sa saknong. Ang bersyong Tagalog ay mas maigsi. Merong dalawang dahilan. Una, pinaigsi ni Bonifacio ang tula. Waring hindi niya sinasadyang isali ang bawat salita, ang buong saknong, sa Tagalog, kaya kaiba ang anyo ng pagsasalin niya, dahil sa pagbabago ng pormat. Ikalawa, sa proseso ng pagsasalin, nagiging mas napakahaba o napakaigsi ng mga salita o prase. Datapwa’t maipapakita sa isang simpleng halimbawa: ang sikat na kasabihan ni Rizal, una sa Tagalog at sunod sa Espanyol.
Sino ang mga kababayan? Magkatulad ang kahulugan at kasaysayan ng salitang Filipino na bayan at ang salitang Espanyol na patria. Ang ibig sabihin ng bawat isa ay isang pook na lokal—puwedeng lungsod, rehiyon, at iba pa—at sa panahong ito, ibig nilang ipakahulugan ay nasyon. Hindi pareho ang kahulugan ng “nasyon” sa dalawang bersyon ng tula.
Ora por todos cuantos murieron sin ventura,
Por cuantos padecieron tormentos sin igual,
Por nuestras pobres madres que gimen su amargura;
Por huérfanos y viudas, por presos en tortura
Y ora por tí que veas tu redencion final (Austrian-Philippine Website).
Pray for those who unfortunately died
For those that suffered unequalled torment
For our mothers bitterly wail
For orphans and widows, tortured prisoners
And for you, that you may see your final redemption
Idalanging lahat yaong nangamatay,
mangagtiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang mga bao't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.
Pray for all those who died
Who endured without comparison
Our unfortunate mothers
Pleading in anguish
Bereaving widow(er)s and orphans
Suffering prisoners
Pray that they see
Your freedom, the source of comfort
Makikita na hindi malaki ang mga pagkakaiba sa kahulugan, lalo na sa unang saknong. Merong suliranin ang katumbas na kahulugan. Kung isasalin ang salitang padecer sa Tagalog, puwedeng ang ibig sabihin nito ay pagdurusa, pero napakalakas ng konseptong Filipino; nawawala sa pagsasalin ang damdamin. Samakatuwid, tinitignan natin ang mga pakakaiba ng nasyong Filipino sa nasyong Espanyol (Europeyo) dahil ginagamit ni Rizal ang pananalitang (at kaya konseptong) kanluranin sa orihinal. Mapapansin kung gaano kaigsi ang pagsasalin sa Espanyol. Ang mga prase sa Espanyol ay hindi kasing-igsi ng mga prase sa Tagalog; depende sa kaso. Dahil sa pagbabago ng pormat, at mga pagkakaiba ng mga dalawang wika, nagiging kaiba ang kahulugan ng unang saknong.
Sa katotohanan, makikita natin ang maraming kaibang kahulugan kung papansinin ang mga salitang Tagalog na ginamit ni Bonifacio. Madalas ipinapakita kung paano iniisip ng mga mamamayang Pilipino ang tungkol sa bayan nila; makikita kung bakit walang katulad ang nasyonalismo ng mga manghihimagsik. Pansinin ang kahalagahan ng liwanag sa saknong na ito:
Deja á la luna verme con luz tranquila y suave;
Deja que el alba envíe su resplendor fugaz,
Deja gemir al viento con su murmullo grave,
Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave
Deja que el ave entone su cantico de paz (Rizal).
Let the moon watch me with calm, soft light;
Let the dawn its radiant flashes,
Let the wind moan with sadness,
And if you descend and rest on my cross a bird
Let the bird intone a chant of peace.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino man sa katotong giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing (Philippine-Austrian Website).
Let the fiery rays of the sun
rain be vaporized by the heat
return pristine to heaven
with my loud lamentation.
Let whoever, among beloved companion
gently weep for young life ceased
if someone says a prayer for me
Pray, Nation, my deep sleep
Dito ang diskurso ng liwanag, ang kapangyarihan at pinagmumulan ng nasyonalismong Pilipino (Ileto). Galing sa Ilustrasyon at kilusang Romantiko ang mga konsepto at wika ng mga nasyong Europeyo. Makikita kung bakit kaiba ang nasynalismong Pilipino. Walang pagbanggit ng Liberté, Egalité, et Fraternité, gaya ng mga Pranses o Life, Liberty, and Property, gaya ng mga Amerikano at Ingles. Sa halip, merong mga ideya ng liwanag at dilim, konseptong Pilipino at kahit na waring kristiyano ang pinagmulan (kapara ng mga konsepto ng Langit at Impiyerno), katutubo sa katotohanan. Kaya, nang isinalin ni Bonifacio ang tula, binago niya ang mga kahulugan ng mga salitang indibidwal. Naging isang tulang naiiba; isina-Pilipino niya.
Ayon kay Vicente Rafael, si Rizal ang isang “pigura ng pagsasalin (Rafael).” Ibig niyang sabihin na makakapagsalin si Rizal ng konseptong Espanyol (at Europeyo) sa mga Pilipino, at bise bersa. Kaya hindi umiiral ang iisang Rizal. Walang iisang Rizal; sa halip merong mga Rizal, iba’t ibang pag-intindi ng kahulugan ng tao. Kaiba siya sa mga Espanyol noong siglo ikalabinsiyam kaysa sa mga Espanyol ngayon, sa mga Pilipino noon at sa panahong ito. Ito ang kapangyarihan ni Rizal. Makikita ito sa mga kaibang bersyon ng huling tula. Baka ipinapakita ang kalikasan ng mga Pilipino sa kasaysayan at sa kasulukuyang daigdig na globalisado. Pigura ng pagsasalin tayo, at nakikita ng mga dayuhang tao ang iba’t ibang bagay kapag tinitignan nila tayo. Ang mga tao ng Rebolusyong Mapayapa (EDSA), ang tanging mga kristiyano sa Asya, ang mga nasyong halos nasa bawat sulok ng daigdig; ang mga impersonator ni Michael Jackson, at ang mga imbentor at umiibig ng karaoke; ang mga nars, ang mga sailor, at mga manggagawa sa call center—lumilikha ng maraming papel ang Pilipino ng iba’t ibang imahe ng mamamayan. Hindi singular ang mga Pilipino.
MGA SANGGUNIAN (References):
Kinuha ko itong bersyon ng huling tula ni Jose Rizal sa Project Gutenberg, “The Project Gutenberg EBook of Mi Ultimo Adiós, by Jose Rizal,” unang saknong. Hanapin sa: http://www.gutenberg.org/files/18600/18600-h/18600-h.htm (inakses noong a-12 ng Disyembre, 2009).
Kinuha ko itong bersyon sa Austrian-Philippine Website, “Tagalog Version of ‘Mi Ultimo Adios,’” trans. Andres Bonifacio, unang saknong. Hanapin sa: http://www.univie.ac.at/ksa/apsis/aufi/rizal/rzpoem7.htm (inakses noong a-12 ng Disyembre, 2009).
Reynaldo C. Ileto, Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910 (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1997).
Vicente L. Rafael, The Promise of the Foreign: Nationalism and the Technics of Translation in the Spanish Philippines (Durham: Duke UP, 2005).
Photo Credit: http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/b/be/Dr_Jose_Rizal.jpg
Date Accessed: 6/11/2010
ni Brandon Reilly
Bayan at Liwanag sa “Ultimo Adios” (1896) ni Rizal