Araw ng mga Nanay!!

 
Para sa Nanay ko:
    Maraming naituro sa akin ang Mama ko, at mas marami akong kailangang pasalamatan para sa lahat ng naibigay at nagawa at pinagpapatuloy na ibinibigay at ginagawa niya para sa akin.
    Tinuruan ako ng Mama kong maging mapagmahal at mapagbigay, kahit na walang maibabalik sa akin...
    Tinuruan ako ng Mama kong ngumiti imbes na umiyak para hindi mag-alala ang ibang tao...pero, siyempre, kung kailangang umiyak, bubuksan niya ang sarili niya para yakapin ako at umiyak sa kanya sa halip na umiyak ako nang mag-isa...
    Tinuruan ako ng Mama kong parating maging totoo sa aking sarili at sa lahat ng pinaniniwalaan ko sa buhay....
    Marami pang ibang bagay at halagahin sa buhay na naituro sa akin ng Mama ko at siyang ipinagpapatuloy na itinuturo sa akin hanggang ngayon na mas mahigit pa sa lahat ng bagay sa buong mundo...
    Sa lahat ng mga ito, ang nais kong matutunan ay sana, sa darating na panahon, maging kasing husay at kasing mapagmahal akong Mama sa aking sariling anak, katulad ng Mama ko.
    ~Happy Mother's Day~
Nagmamahal, 
~Lea
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mahal kong Nanay,
    Nagpapasalamat po ako sa lahat ng ginagawa ninyo para sa akin. Salamat sa pagpunta ninyo sa lahat ng mga pagtatanghal at mga gawad para sa akin. Salamat po sa pagbabayad ng upa ko sa unang araw ng buwan.  Salamat sa first-aid kit na ibinigay ninyo sa akin noong lumipat ako sa aking apartment. Nars po kayo, at alam ko na kalimitan nag-aalaga kayo sa lahat ng tao. Gusto kong maging magulang na kapareho ninyo. Alam ko na mahirap akong alagaang bata kasi lagi kong inaaway ang aking mga kapatid, pero ipinakita mo ang pag-ibig para sa pamilya natin. Salamat pong muli para sa lahat.
Nagmamahal,
AC
----------
Dear Mom,
I am very thankful for all that you are doing for me. Thank you for going to all my performances and award shows. Thank you for paying my rent when it is the first of the month.. Thank you for the first-aid kit that you gave me when I went to the apartments. You are a nurse, but I know you generally care for all people. I want to be a parent like you. I know I was difficult when I was a child because I would fight with my brothers, but you showed your love for our family. Thank you again for everything.
Love,
AC
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jason:

Mahal na ina,
    Maligayang araw ng mga ina!  Gusto ko lang po pasalamatan kayo para sa lahat. Hindi ko po kayo napapasalamatan nang sapat para sa mga nagawa at ginagawa ninyo para sa akin.
Mula pa nang ako ay maliit, lagi ninyo kaming inuuna bago ang iyong sarili.  Kaya ako po ay nagpapasalamat para sa inyong suporta sa akin at sa aking buhay. Harinawang lumaki akong isang anak na maipagmamalaki ninyo.
    Sa hinaharap, gusto ko pong ibigay sa inyo kung ano ang inyong ibinigay sa akin. Kayo po ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako sa aking buhay. Balang araw, nais ko lamang po maging isang anak na maipagmamalaki ninyo.
Laging nagmamahal,
Jason
Dear Mom,
    Happy mothers day! I just want to thank you for everything.  I do not thank you enough for what you do for me.
Ever since I was little, you have always put us before yourself.  I am so thankful for supporting me in my life.  Hopefully I have grown into the son that you want me to be, one that you are proud of.
I want to give you what you have given me in the future. You are the reason why I try so hard in life.  All I want is for you to be proud of me.
Love always,
Jason 
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Charisma:

Sa aking Nanay,
    Hindi ko alam kung papaano ko simulan ang gusto kong sabihin sa inyo. Una sa lahat, gusto ko po na malaman ninyo kung gaano kita kamahal bilang aking ina. Salamat sa lahat ng sakripisyo, pasensya, determinasyon, at lalong lalo na, sa pagpapalaki mo sa akin at sa pagpapakilala mo ng Diyos sa aking buhay. Nagpapasalamat ako na ikaw ang naging ina naming lahat (ng mga kapatid ko) kasi sa tunay mong pagmamahal at pag-aaruga, lahat kami ay maraming natutunan tungkol  sa buhay at sa paggiging maawain at maintindihin sa kapwa tao. Tinuruan mo rin kami kung papaano ipaglaban ang aming sarili kung kinakailangan at kung papaano maging matibay sa aming pananampalataya. Sabi ninyo, importante ang panindigan ang lahat ng aming pinaniniwalaan kung kaya dapat ay hindi lang ito binibitawan at binabale wala.  Ng dahil sa iyong pagmamahal at pagpapakilala mo sa amin ng Diyos, alam ko ang tama o mali, at talagang ginagawa ko sa abot ng makakakaya ko ang paggawa ng tama sa kapwa tao. Salamat sa lahat nanay! Mahal kita na mahal kita at patuloy kitang mamahalin bilang isang pinakamatalik kong kaibigan, bilang isang gabay, at bilang isang ina! =)

For my mom,
    I don’t know how I can start to tell you what I want to say. First of all, I would like for you to know how much I love you as my mom. Thank you so much for all the sacrifice, patience, determination, and most of all, for raising me and introducing God into my life. I am very grateful that you are the mother of all of us (of my siblings) because of the true and unconditional love and care you’ve given us, all of us have learned so much about life and about being empathetic and kind to others. You taught us how to fight for ourselves when needed and how to be strong for our own beliefs. You said that it is very important to stand for everything that you believe in and that we should not just ignore and forget them. Because of your love and your utmost devotion to God, I know right from wrong, and I try, to the best of my abilities, to do the right thing to others. Thank you so much mom! I love you and I will always love you as my best friend, my guide, and my mother!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mahal na Mommy,
    Ito  po ang araw para sa'yo. Maligayang araw ng mga Nanay. Salamat sa lahat ng ginagawa ninyo para sa akin at sa kapatid ko. Itinuro ninyo sa amin ang ibig sabihan ng walang-pasubali ng pagmamahal. Natuto rin ako na merong malalakas na babae sa iyong pagkatao. Kahit na wala ako sa bahay at nandito ako sa UCLA, masaya ako na nakakausap po kita araw-araw at nalalaman ninyo ang buhay ko dito. At sana naroon po ako para sa inyo sa pagtanda ninyo. Alam ko po na hinding-hindi ko masusuklian ang utang na loob ko sa inyo.
Nagmamahal,
Gabby
Dear Mom,
    This is a day for you. Happy Mother's Day. Thank you for all that you do for me and my brother. You taught us the meaning of unconditional love. I also learned that there are strong women through your example. Even though I am not home and I'm at UCLA, I'm glad that we are able to talk everyday and that you know what is going on in my life. Hopefully when I'm older I'll be able to support you and Dad. There is no way I can ever repay you for all that you have done for me.
Love,
Gabby
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tula galing kay Fern:

Ang Aking Nanay
Sulatin ni Fernalie Aranzazu
Malakas
Matapang
Mabait
Mapagbigay
Ilan lang sa mga katangian
Nanay ko, kayo
Ang aking lakas
Ang aking motibasyon
Ang rason sa aking pagkabuhay
Ang nagbibigay ng pag-asa sa hinaharap
Walang araw na lumilipas
Na hindi naiisip
Na hindi kinakausap
Na hindi ipinagdarasal
Na hindi nagpapaalam sa iyo
Nanay ko, kayo
Ang ilaw na nagbibigay liwanag sa aking daan
Ang tulay na nagduruktong ng ating pamilya
Ang tawang naririnig kapag nalulungkot
Ang tanging pwedeng makaintindi sa aking nadarama
Nanay ko,
Kayo ang aking buhay
Kayo ang lahat sa akin
Maraming salamat po
Sa lahat na ibinigay mo sa akin!
Mahal ko po kayo.
[English Translation]
My Mother
By Fernalie Aranzazu
Strong
Brave
Kind
Generous
Just some of her qualities
Mommy, you are
My strength
My motivation
My reason for living
My hope for the future
There isn’t a day that passes by
That I don’t think of you
That I don’t speak with you
That I don’t include you in my prayers
That I don’t seek your guidance
Mommy, you are
The light that guides my way
The bridge that connects our family
The laughter I hear when I am sad
The only one who understands what I feel inside
Mommy,
You are my life
You are everything to me
Thank you
For everything you’ve given me!
I love you.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nanay Card:
    Kung mayroong isang araw para magbigay pugay sa lahat ng ibinigay mo sa akin bilang ina, magiging Araw ng Nanay bawat araw. Kahit na parang hindi ako napapasalamat paminsan-minsan,  alam po ninyo na sa puso ko, patuloy ang pagtanaw ko ng utang na loob sa inyo. Maraming salamat kasi pinaaalala po ako ninyo palagi kung ano talaga ang importante sa buhay. Ito ang iyong araw! Maligayang araw sayo inyo, nanay!
    If there was a day for everything you have given to me as a mother, it would be Mother’s Day every day.  Even though I might not always seem grateful for everything, you know in my heart I am.  Thank you for reminding me what is important in life. Today is your day!
~Kat
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nanay.
Mom.
Salamat po para sa lahat ng mga pagtulong ninyo.
Thank you for all your help.
Ang nais ko po sana ay makasulat ako ng isang magandang kard para sa inyo, pero hindi ko alam kung paanong sisimulan ang mga salita.
My wish is to be able to write you a beautiful card, but I don’t know how to start the words.
Palagi po kayong umaasa sa mga himala. Nasaan po ang mga himala?
You always depend on miracles. Where are the miracles?
Ang nais ko ay matigil kayo sapag-asa sa isang himala upang mabago ang buhay natin.
My wish is for you to stop wanting a miracle to change our life.
Itigil na po ninyo ang pag-asam sa masuwerteng numero sa loteriya.
Stop thinking about the lucky lottery numbers.
Gusto kong magkasama tayong namumuhay sa realidad.
I want you to be able to live with me in reality.
Nay, salamat po para sa walang humpay ninyong paniniwala sa akin.
Mom, thank you for always believing in me.
Ang nais ko po ay matulungan kayo.
My wish is that I can help you.
Pero kung mahirap ang panahon, nasaan kayo?
But if times get hard, where are you?
Huwag kayong palaging umiiwas sa mga problema ninyo.
Stop always running from your problems.
Tawagan mo lang ako, kasi nandito ako para sa iyo. Gusto kong isang araw imumulat mo ang iyong mga mata upang makita ninyo ang ganda sa maliliit na mga bagay.
Just call me, because I’m here for you. I want you to one day open your eyes to be able to see the beauty in the little things.
Isang araw ipinapangako ko na bibigyan ko kayo ng kalayaan na gusto mo.
One day I promise to give you the freedom you want.
Isang araw hindi ka na mag-aalala sa mga problema mo.
One day you won’t worry about your problems.
Subalit hanggang sa dumating ang araw na iyon, maniwala lang kayo sa akin.
But until that day just believe in me.
Ako ang panganay mo.
I am your oldest daughter.
Maghintay lang po kayo.
Just wait.
Isang araw lahat ng mga problema ninyo ay magmimistulang isang biro.
One day all your problems will change into a joke.
Sa araw na iyon tatawa tayo.
On that day we will laugh.

~Barbara

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang Aking Ina

Sa unang tingin, aakalain mo na isa lamang tipikal na
babae ang aking ina. Maliit, maputi, at malinis ang aking
nanay. Siya ay nagtratrabaho sa isang accounting firm sa
Westwood. Marami siyang kapatid at may sarili siyang
pamilya. Simple lamang siyang manamit, at mahinhin ang
kanyang pagkilos.

Ngunit iyon ang mga bagay na bumabalot sa inosenteng
katauhan ng aking ina. Hindi ganoon katangkad ang aking
nanay ngunit nakikita ko at ramdam ko ang lakas ng
kanyang personalidad. Itinaguyod niya ang kanyang
pamilya sa kabila ng mga pagsubok na hinarap sa kanya
ng buhay. Walang sawa niyang iwinawasto ang aking mga
kamalian at walang sawa rin niya akong minamahal.

Malinis ang aking nanay sa labas at busilak din ang
kanyang kalooban. Lagi siyang nagdarasal at kapag
mayroong bumabahala sa kanya, ipinapasa-Diyos na
lamang niya ang lahat. Gagawin niya anuman ang kanyang
makakaya upang tumulong sa kanyang kapwa. Minsan
nga ay sumobra ang bili niya ng ticket. Sa halip na ibenta o
ibalik niya ang ticket, ipinamigay na lamang niya ito sa
unang taong nakita niya.

Staff accountant ang nanay ko sa Golbar & Associates sa
Westwood. Nagtratrabaho siya ng higit pa sa apatnapung
oras sa isang linggo, pati Sabado at Linggo, at kahit na
hindi binabayaran ang kanyang mga over time. Paminsan
pagud-na pagod na siya kapag umuuwi siya sa bahay.

Alam ko na ang pamilya niya ang pinaka-importanteng
bagay sa kanya. Lagi niyang ikinukwento sa akin ang
tungkol sa aking lolo at kung gaano siya kabuting ama sa
kanya at sa kanyang mga kapatid. Lagi rin niya akong
pinagsasabihan na pahalagahan ko ang oras ko kasama
ng aking pamilya.

Mahinhin kumilos ang aking nanay subalit pagdating sa
gawaing bahay, para siyang isang maton.  Lagi niyang nililinis ang bahay at inaayos ang mga gamit para lagi itong handa sa mga bisita.  Simple nga siyang magbihis pero ang lagi kong maaalala ay ang kanyang mala-bulaklak na amoy anuman ang kanyang gawin.

Mahirap ilarawan sa salita ang aking nanay dahil hindi ko
mailalagay sa pangungusap ang pagmamahal ko sa kanya.
Pero heto ang ilang mga salita: simple, maganda, mabango,
mabait, masipag, mapagmahal. Iyan ang aking ina.

~Marie de Austria
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~http://ccle.ucla.edu/mod/resource/view.php?r=112523http://ccle.ucla.edu/mod/resource/view.php?r=112523http://ccle.ucla.edu/mod/resource/view.php?r=112523http://ccle.ucla.edu/mod/resource/view.php?r=112523http://ccle.ucla.edu/mod/resource/view.php?r=112523shapeimage_1_link_0shapeimage_1_link_1shapeimage_1_link_2shapeimage_1_link_3shapeimage_1_link_4
<< nauna Mabuhay%21%21.htmlSa_Hirap_at_Ginhawa.htmlshapeimage_2_link_0
susunod >>Mga_Larawan_ko....htmlVictor_Bascara....htmlshapeimage_3_link_0