BUMISITA SI G. ORDONEZ, MAKATA-MANUNULAT SA UCLA

 
 

Los Angeles—Bumisita kamakailan si G. Rogelio Ordonez, isang premyadong kuwentista, nobelista, makata, at peryodista mula sa Pilipinas sa klase sa wikang Filipino ni Dra. Nenita Domingo sa UCLA noong huling linggo ng Mayo, 2010. 


Si Rogelio Ordonez ay isa sa limang awtor ng makasaysayang koleksyon ng mga maikling kuwento na Mga Agos sa Disyerto.  Ang kanyang panulat ay mapanuri at mapamuna sa mga katiwaliang nagaganap sa lipunan.


Ibinahagi ni G.Ordonez sa klase ang tungkulin at gawain ng isang manunulat.  Ito ay “maging konsesnsya ng bayan, mambabatas sa lansangan, at maging tagapamansag ng katotohanan.”


Sa isang tanong kung paano siya naging manunulat, isinagot ni G.Ordonez na: “ Hindi ko rin alam. Nag-aral ako ng engineering pero hindi ko nagamit dahil nahilig ako sa pagsusulat.”


Bumigkas din ng ilang tula si Prop. Ordonez nang walang tala. Isa sa mga tula na binigkas niya sa klase ay "Rahima Jamal. 19" tungkol sa isang Pilipinang nangibang bayan upang makapaghanap-buhay at ang kanyang masaklap na kapalaran.  Namangha ang klase dahil kabisado ni G.Ordonez ang nasabing tula.  Maaaring matunghayan ang tula sa Pinoy Weekly online sa http://pinoyweekly.org/new/2010/04/rahima-jamal-19/


Ang bilin ng makata sa mga mag-aaral: “ ipaglaban kung ano ang totoo, isulat kung ano ang katotohanan.”




Si Prop. Ordonez ng PUP (Polytechnic University of the Philippines). 
 

ni Al Garcia

< NaunaDistance_Learning__UCLA_at_UCB.htmlDistance_Learning__UCLA_at_UCB.htmlshapeimage_2_link_0
Susunod >Mga_Powerpoint_I.htmlMga_Powerpoint_I.htmlshapeimage_3_link_0