Malakas na si Nanay
ni Patrik Gopez
Natatandaan ko ang panahon na palaging may sakit si Nanay. Kasi dati, malakas si Nanay at araw-araw kaming naglalaro ng langit-lupa at piko. Pero isang araw nagkasakit siya at nawala ang kanyang malay.
Ako ay nagtanong kay Tatay kung bakit nawala ang malay ni Nanay. Sinabi niya, dahil sa isang multo na ang tawag ay Sakit, kinuha ni Sakit ang malay ng Nanay ko noong namamalengke siya. “May isang paraan para makuha ulit ang malay ng Nanay mo,” ang sabi ni Tatay. “ Kung kaya mong mapatay si Sakit, babalik ang Malay ng Nanay mo.”
Noong narinig ko ‘yun, alam ko na ang dapat kong gawin. Kailangan kong mapatay si Sakit para pwede na kaming maglaro ni Nanay.
Nakatira si Sakit sa malayong lugar sa gubat at malayo rin ang linakbay ko bago ko nakita si Sakit. Noong nagkita kami, sinabi ko kay sakit, “Ibalik mo ang malay ng Nanay ko para pwede na kaming maglaro!” At sabi niya, “hindi pwede dahil nasa akin na ang malay niya!”
Matigas ang ulo ni Sakit sapagkat siya ay kontrabida ng mundo. Pero dahil mahal ko si Nanay, kumuha ako ng malaking bato at binato ko kay Sakit at tinamaan siya sa ulo. Siya ay namatay at ang malay ni Nanay ay bumalik.
Tumakbo ako pabalik sa bahay at noong nasa bahay na ako, nakita ko si Nanay at malakas na siya! Ang unang ginawa ko ay naglaro kami nang piko at langit-lupa.
Kami ay natutuwa dahil wala na si Sakit at pwede na kaming mabuhay na walang problema.