May maliit na baranggay, o marahil walang baranggay, hindi ko matandaan.

Isang maliit na kayumangging batang lalake ang nagtatrabaho sa palayan.

Isang araw, naglalakad ang maputing batang lalake papalapit sa maliit na

kayumangging batang lalake. “Mas maganda ako sa iyo. Mas mayaman rin at mas

mahalaga. Mas malakas rin ako.” Tumakbo ang maliit na batang lalakeng

kayumanggi na umiiyak pauwi sa kanyang tahanan.


“Nanay!” habang tumutulo ang luha niya, “Sabi po ng maputing batang lalake

na pangit at walang katuturan ako!”


“Huwag kang makinig sa kaniya,” sabi ng nanay, “hindi niya alam kung anong

sinasabi niya.”


Hindi naintindihan ng bata ang nanay niya, kaya’t gumawa siya ng putik na

manyika.


“Bakit pangit tayo?” Tanong niya sa putik na manika.


“Hindi tayo pangit,” sumagot ang putik na manyika, “at hindi tayo mahina at

walang katuturan.”


“Anong ibig mong sabihin?”


“Hindi ba maganda ang mga puno? Hindi ba kayumanggi ang mga puno?”


“Siyempre.”


“Hindi ba kayumanggi ang mga oso? Sino ang mas malakas ang loob? Ang puting

kuneho o ang oso?”


“Ang oso!”


“Hindi tayo inutil. Hindi ba tayo ang nagtatanim ng pagkain? Itinatanim ang

binhi sa kayumangging lupa at inaani ng mga katawang kayumanggi. Kung walang

kayumanggi, wala tayong kanin. Hindi maaaring mabuhay ang mga puting batang

lalake at maging ikaw.”


“Mahalaga ang kayumanggi para sa lahat!”


Naging masaya ang batang lalake, “Ipinagmamalaki ko ako’y kayumanggi.”

Pagkasabi niya nito, masaya siyang nagtrabaho sa palayan sa bagong kaalaman

na may halaga siya para sa lahat.



----

There was a little village, or maybe not, I don’t remember.  A little brown

boy was working in the rice fields.  One day, a light skinned boy walked by

the little brown boy. “I am more handsome than you. I am also richer and

more important than you. I am stronger than you too.” The little brown boy

ran home crying.  “Mama!” he cried, “a little light skinned boy told me that

I am ugly and worthless!”


“Do not listen to him,” said the mom, “he does not know what he is talking

about.”


The boy does not understand his mom, so he made a mud doll.


“Why are we ugly?” he asked the doll.


“We are not ugly,” the doll replied, “and we are not worthless or weak.”


“What do you mean?”


“Aren’t trees beautiful? Aren’t trees brown?”


“Of course.”


“Isn’t the bear brown? Who had more courage? The white rabbit or the bear?”


“The bear!”


“We are not worthless. Don¹t we grow food?  Grains are planted in brown and

is plucked by brown. Without brown, we would not have rice. Neither you nor

the light skinned boy will be able to survive.”


Brown is essential for all!  The boy is happy. “I am proud to be brown.”

After saying that, he worked in the fields happy knowing that he is

important to all.

Kayumanggi

ni Timothy Biley