Lumaki siyang tunay na mapanlikha at ang mga kulay ay laging yinayakap siya kahit saan siya magpunta sa pagkabata niya.
Dumating si Santa Claus sa kanyang klase sa elementarya niya at kinuha ang pula at kahel at inilagay sa kanyang sako. Wala nang anumang maliwanag na kulay ang mga libro nila, ngunit napuno ng itim ang teksto. Subali’t, hindi sa kanyang libro dahil naitago niya ang kulay pula at kulay kahel sa kanyang bulsa.
Naihip sa hangin ang lahat ng kulay gulay at ang lahat ng kulay asul sa paaralang primarya niya. Ang damo at ang langit ay naging abo. Nahulog ang panaginip at nangitim ang pera. Kaya lang, hindi nangitim ang sa kanyang mundo. Masikip na ginagap niya ang kulay luntian at asul at sinabi, “Hindi kailanman!”
Nakalimutan ang mga indigo at lila sa kanyang hayskul. Masyadong komplikado sila. Hindi siya; umuupo siya sa tabi nila araw-araw.
Matanda na siya at itim at puti na ang lahat ng tao.
Isang araw, may estrangherong nagtanong sa kanya, “Gagong bata, bakit may kulay ka? Walang kwenta ang mga ito.”
“Mayroon silang kwenta, kapag wala tayong kulay, walang paghihiwalay sa pagitan ng ngayon at bukas. Tinutulungan akong makita at maunawaan ang mga bagay na mahirap huluin nang malinaw. Ipinaaalala sa akin ang aking kabataan at ang aking hinaharap. Kapag tumatangis ako, nagiging aking araw sila At kapag mainit, sila ay nagiging yelo ko.”
Tumingin siya sa estrangero at tinanong ito, “Bakit ko kakalimutan ang mga magandang kulay sa aking buhay at bakit ako mamumuhay sa itim at puti na mundo?”
When he was a child, he grew up very imaginative and colors always hugged him wherever he went.
When he was in elementary school, Santa Claus came to his class and took red and orange in his sack. Their books had no bright colors any longer, but filled with black text. But not his, he hid red and orange in his pockets.
When he was in middle school, all the greens and all the blue blew away from everyone. The grass became gray and the so did the sky. Dreams fell and his money turned black. But not his, he held tight to green and blue and said “Never! Not you too!”
In his high school years everyone forgot Indigo and Violet. They were too complex. Not he; he sat next to them every day.
He is now an adult, and everyone is black and white.
One day, someone approached him and asked, “Oh silly child, why do you have these colors? They are childish”
“They are not childish, without colors there is no separation between today and tomorrow. These colors help my eyes see and understand elusive things clearly. These colors remind me of my childhood and my future. When I cry, they become my sun, and when I’m hot, they become my ice. ”
He looked at the stranger and asked, “Why would I forget such beautiful things and live my life in black and white?”