Sa isang bayan sa malayong-malayong lugar, may nakatira na isang babae na nagngangalang Mika. Napakayaman ng kanyang pamilya. Si Mika ay mayroong mga mahal na damit at bagong laruan.


Lagi siyang nagyayabang tungkol sa kanyang mga gamit sa ibang mga bata. Lagi siyang humihingi sa kanyang mga magulang ng mas maraming mga bagay.


Sa eskuwela, nakikipaglaro lamang siya sa mga batang mayayaman din. Matapobre sina Mika sa mga mahihirap na bata sa eskuwela, lalo na kay Anawin.


Si Anawin ay mula sa isang mahirap na pamilya. Luma ang mga damit ng kanyang kapatid na babae at naglalaro lamang sila ng mga sirang mga laruan. Kahit na wala siyang bagong gamit, at mga mamahaling bagay, siya ay nagpapasalamat para sa nakayanang ibigay ng kanyang pamilya sa kanya.


Isang araw, ang tatay ni Mika ay natanggal sa kanyang trabaho kung kaya ipinagbenta niya ang bahay at lahat ng mga mamahaling damit at mga laruan ni Mika.


Sa eskuwela sinubukan ni Mika na makipag-usap sa kanyang dating mga kaibigan pero iba na ang kanilang pakikitungo sa kanya ngayon dahil mahirap na siya. Hindi nila nais makipaglaro sa isang mahirap na bata.


Si Mika ay malungkot at mag-isang kumain ng tanghalian. Umupo si Anawin sa tabi ni Mika at nagtanong siya kung okey ito.


Anawin: "Bakit ka malungkot, Mika?"


Mika: "Dati, ako ang pinakahanep na babae sa eskuwela. Ngayon ni isa walang gustong maging aking kaibigan."


Anawin: "Sinong nagsabi na hindi ka hanep? Gusto kong maging kaibigan mo! Heto, may ilan akong sanwits!"


Mika: "Maraming salamat! Bakit mabait ka sa akin?"


Anawin: "Dahil gusto kong nakikipagkaibigan!"


Mika: "Waw na waw! Ikinalulungkot ko na suplada ako sa iyo noong nakaraan! Napakabuti mo!"


"Walang anuman. Maglaro tayo!" wika ni Anawin.





In a city far far away, there lived a girl named Mika. Her family was very rich. Mika had expensive clothes and shiny new toys.


She always bragged about her things to the other children. She always asks her parents for more things. At school, she only played with kids that were also rich. They were mean to the poor kids at school, especially Anawin.


Anawin is from a poor family. She wears her sister's old clothes and plays with broken toys. Even though she does not have new, expensive things, she is grateful for what her family gives her.


One day, Mika's dad loses his job. He has to sell the house and all of Mika's expensive toys and clothes.


At school, Mika tries to talk to her old friends, but they are mean to her now. They do not want to hang out with any of the poor kids.


Mika is sad and sits by herself at lunch time. Anawin sits down next to Mika and asks her if she is okay.


"Why are you sad?" asks Anawin.

"Before, I was the coolest girl in school. Now no one wants to be my friend," says Mika.


"Who says you're not cool anymore? I want to be your friend! Here, have some of my sandwich," says Anawin.


"Thank you! Why are you being so nice to me?" asks Mika.


"Because I like making new friends!" exclaims Anawin.

"Wow! Sorry I was mean to you in the past. You're so nice!" says Mika.


"No worries. Let's play!"

Bagong Kaibigan ni Mika

ni Linda Reyes

drowing ni Raymond Carpio