Ang Boses

ni Enelia

ni Ailene Ignacio

Ika-26 ng Pebrero, 2010


    Noong unang panahon, sa tahimik na bayan ng Das, may nakatirang batang

babae na ang pangalan ay Enelia. Isang espesyal na bata si Enelia.  Magmula

noong siya ay ipinanganak, wala siyang boses. Kapag siya ay umiiyak, walang

tunog. Kapag gusto niyang magsalita, ang naririnig lamang ay katahimikan.

Ang pangyayaring ito ay ibinigay sa kaniya ng lola niya sa tuhod na si

Eneri. Kinuha ni Eneri ang boses ng kaniyang apo sa tuhod para iligtas siya

sa salbaheng Nam. Si Nam ay isang halimaw na nagnanakaw ng boses ng mga

babae sa bayan ng Das; itinataboy ang mga babaeng ninakawan niya ng boses na

masiraan ng bait kaya sila ay nangamatay sa katahimikan. Naisip ni Eneri na

kung hindi alam ni Enelia na magsalita, siya ay mabubuhay nang masagana at

magiging-ligtas sa masamang Nam.


    Walang alam si Enelia tungkol kay Nam, pero alam ni Nam ang tungkol kay

Enelia. Siya lang ang batang babae na hindi niya nanakawan ng boses. Siya ay

nahuhumaling dito at sa kaniyang kawalan ng boses. Hindi maintindihan ni

Enelia kung bakit hindi siya makapagsalita, pero alam niya na lahat ng tao

ay may boses. Ginawa ni  Eneliang misyon sa kaniyang buhay na magkaroon ng

boses.