Ang Lagay ng Pagtuturo ng Wikang Filipino

Nenita Pambid Domingo


University of California, Los Angeles (UCLA)



-Maari po bang magbigay kayo ng ilang tala tungkol sa inyong sarili at sa pagtuturo ninyo ng wikang Filipino/Tagalog?


    Kasalukuyang nagtuturo ako ng Introductory Filipino 1, 2, 3, at Intermediate Filipino 4, 5, 6 sa UCLA. Nagturo rin ako ng Filipino 172 (Reading & Writing), Filipino 174 (Philippine Short Stories) at Filipino 175 (Survey of Philippine Literature). Nagtapos ako ng pagkadoktorado sa Piipinolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas.  Nagkaroon din ako ng pagkakataon na magturo ng

wika at kalinangang Filipino sa Unibersidad ng Peking. Inilimbag ng University of the Philippines Press ang pag-aaral ko na may pamagat na Anting-Anting o Kung bakit nagtatago sa loob ng bato si Bathala.  Dati freeway flyer ako.  Nagturo ako sa California State University, Long Beach (CSULB) ng Pilipino/a American Experience, at Filipino Language and Culture;

sa Loyola Marymount University (LMU) ng Elementary Filipino at Intermediate Filipino, at sa University of Southern California (USC) ng Tagalog sa pagtataguyod ng Asian Pacific American Student Services (APASS).


-  Gaano po kalalaki ang klase?  Ilan ang estudyante sa bawat klase?

Sa UCLA, 49 ngayon ang nakaenrol sa Introductory Filipino at 14 sa Intermediate.  May 2 estudyante mula sa UCLA na kumuha ng distance learning ng Advanced Filipino sa UC Berkeley.


- Gaano na po kayo katagal nagtuturo?

    Matagal-tagal na rin akong nagtuturo.  Una akong nagturo sa Unibersidad ng Pilipinas.  Nagturo ako ng Survey of Philippine Literature at Acting for Stage and Film. Sa Unibersidad naman ng Peking, nagturo ako ng Thesis Writing in Filipino, Oral and Written Filipino.


- Ano po ang inyong panuntunan o pedagogy sa pagtuturo ng wikang Filipino?

    Sumusunod ako sa mga guidelines ng ACTFL (American Council for the Teaching of Foreign Language) at sa National Standards for the Teaching of Foreign Language. Halu-halong mga lapit sa pagtuturo ng wika ang aking ginagamit: content-based, functional-situational, grammar, TPR (total physical response), Strategies-Based, atbp. Depende sa pangangailangan ng mga mag-aaral.


- Ano po ang binibigyang-diin ninyo sa klase?

    Binibigyang-diin ko ang pagsasalita,pagsulat, pagbasa, at pakikinig. Sinisikap kong magkaroon ng kaugnayan sa buhay ng mga mag-aaral ang mga leksyon na kinukuha namin sa klase.  Higit sa lahat, gusto ko na masaya ang mga estudyante sa klase sa pag-aaral ng wika. Ikinikintal ko sa isipan ng mag-aaral na mahalaga ang makapagtawid ng gusto nilang sabihin sa isang paraang mauunawaan sila.


- Sa kasalukuyang umiiral na budget cuts, ano naman po ang lagay ng

pagtuturo ng wikang Filipino sa inyong lugar o paaralan?


    Ang Asian Languages and Cultures Department ay ginagawa ang lahat upang mapanatili ang mga klase sa Introductory at Intermediate Filipino pati na ang iba pang mga wika ng Timog-Silangang Asya tulad ng Thai, Indonesian, at Vietnamese.


- Ano po sa palagay ninyo ang hinaharap ng pagtuturo ng wikang Filipino sa inyong paaralan at sa Estados Unidos?

    Sa pagbuti ng ekonomiya, inaasahan na madadagdagan ang mga klase ng Filipino at makapagbubukas ng mga klaseng Advanced Filipino na nakadepende sa grant. Sa kasalukuyan, pangatlo sa pinakamalaking bilang ng populasyong Asyano ang mga Pilipino. Hangga¹t may mga mag-aaral na Pilipino na nag-aadhika at nagtataguyod ng mga klase ng Filipino na naitatag dahil sa pagsusumikap ng mga mag-aaral kapanabayan ng pagtatatag ng Ethnic Studies sa UCLA ngayon na nagdiriwang ng 40 taong anibersaryo, magpapatuloy at yayabong ang pagtuturo ng wika at kalinangang Filipino. Noong 2005, naipasa ang AB 420 bilang batas na nag-aatas ng sertipikasyon ng pagtuturo ng wikang Filipino sa Estado ng California para sa K-12. Mahalaga na kinikilala ng gobyerno ang lakas at kontribusyon ng mga Pilipino sa

pamamagitan ng mga batas tulad ng AB 420 at sa pagpopondo sa mga klase ng Filipino.

Susunod >Mga_Klase_ng_Filipino.htmlMga_Klase_ng_Filipino.htmlshapeimage_2_link_0
< NaunaAtilio_V._Alicio.htmlAtilio_V._Alicio.htmlshapeimage_3_link_0