Mahal na inay at itay, ako po’y nagpapasalamat sa inyong walang tigil na pagsuporta sa akin. Simula noong pagkabata ay talaga namang ibang klaseng pagmamahal na ang inyong ibinigay sa akin. Naimpluwensiyahan n’yo rin akong maging isang mabuting alagad ng Diyos, kaya naman ang Kanyang mga magagandang biyaya sa atin ay wala ring tigil.
Ang inyong pagpapalaki sa akin at ang paghamon na ibinigay sa akin, lalo na ang paghamon ni itay na simulan ang aking paghahanda para sa hinaharap kong buhay ay akin ding pinasasalamatan. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ko maisasagawa ang paglipat dito sa Amerika at hindi ko matututunan ang lahat ng aking natututunan ngayon. Patuloy kayong magsisilbing inspirasyon ng aking buhay. At lahat ng aking ginagawa ngayon ay inaalay ko po sa inyo.
Maraming-maraming salamat mahal na inay at itay. Mahal na mahal ko po kayo!
-----------
English Translation:
To my beloved mother and father, I thank you for your never ending support for me. Ever since I was a child, you have showed and given me a different kind of love. You have also influenced me how to become a good servant of God, that is why He has always been good to us.
I also thank you for bringing me up the best way, and also for the push that you gave me, especially papa’s way of pushing me to start working for my future at a very young age. If not for you I really would not have been able to move here to the U.S and learn all the new things that I am learning today. You will always be my inspiration mama and papa. Everything I do, I offer to you both.
Thank you so much mama and papa. Love you!