Klab ng mga Senior

 
 


        Punung-puno ng tao ang sayawan habang todo-todo ang lakas ng musika sa mga

ispiker. Iwinawagwag ang mga kamay sa hangin at mga paa’y mabilis na umiikot, ito’y

siguradong isang parti.

       People packed the dance floor as the music blasted over the speakers. With hands in the air and feet twirling around,

it definitely was a party.


       Hindi, hindi ito ang pinakabagong klab na sayawan sa Hollywood. Ito ay isa lamang

pangkaraniwang araw sa “Silverlake Adult Day Care Center.”

       No,  this is isn’t the newest dance club in Hollywood. It is just another typical day at the Silverlake Adult Day Care Center.


       Matatagpuan sa Temple Street sa puso ng Historic Filipino Town sa Los Angeles, ito 

ay puntahan ng mga dose-dosenang mga Pilipinong matatanda sa buong linggo.

Ngunit hindi ito isang lugar na pinagpapalipasan at aliwan lamang.

       Located on Temple Street in the heart of Historic Filipino Town, this Los Angeles center is host to dozens of Pilipino senior citizens

throughout the week. But don’t expect the typical leisure afternoons spent here.


       Nagsisimula ang araw at nagdadatingan ang mga matatanda sakay ng van ng sentro.

Marami sa sentro ay naging regular at ang karaniwan sa kanila ay ilang buwan nang 

pumupunta sa sentro. Habang pumapasok sila, nagtitipon-tipon sila sa isang seksyon

ng malawak na pasilidad na may mahahabang mga mesa. Bago magsilbi ng almusal,

dalawang pambansang awit ang pinatutugtog: Amerikano at Pilipino. Dahil sa lokasyon,

hindi nakakapagtaka na karamihan, kung hindi man lahat sa kanila ay mga Pilipino.

Pagkatapos nito, magsisimula na silang magsikain.

       The day begins when many of the citizens are brought over by the van provided by the center. Many are regular visitors and have

been coming for months now. As they enter, they assemble in one section of the facility’s large space filled with long tables.  Before

breakfast is served, two national anthems are played in the room: American and Pilipino. Because of its location, its no surprise that

many, if not all them are Pilipino. After both anthems are played, breakfast is served.


       Pagkatapos, ng agahan, may mga programang nakahanda para sa mga matatanda

para sa maghapon.  Mula sa arts and crafts, pag-eehersisyo, at maging pag-aaral ng

kompyuter upang malibang ang kanilang mga sarili sa buong araw. Pero siyempre,

dahil maraming Pilipino, ang paborito ng lahat ay magkaraoke at sumayaw.

       Afterwards, there is usually a program that the center provides for the citizens for the rest of the morning and afternoon. From arts

and crafts, to exercising and even computer classes, the seniors have many activities to entertain themselves throughout the day.

But of course, being a center with so many Filipinos, everyone’s favorite thing to do is sing karaoke and dance.


       Mayroong isang malaking screen ng TV sa harap ng malawak na sayawan.  Dito

nakakabit ang paboritong Magic Mic ng mga Pilipino. Nagsasalit-salitan ang mga

matatanda sa pagkanta ng mga klasiko at modernong awitin sa Filipino at sa Ingles.

Ang mga kanta nina Lea Salonga at Frank Sinatra ay popular sa mga kumakanta at sa

mga nakikinig.  Maya-maya, ang mga magpapareha ay magsasayaw sa saliw ng

klasikong himig na pang-ball room at muling bubuhayin ang kanilang paboritong

libangan. Susundan ito ng pinakahuling sayaw na kinahuhumalingan mula sa

programang "Wowowee" na isang palabas sa telebisyon at mag-uumpukan ang

balana upang matutunan ang pinakabagong sayaw.

       There is a large screen TV that sits at the front of the massive dance floor. Hooked up to it is the Filipino favorite: Magic Mic.

The seniors took turns singing both classics and modern day songs, in both Filipino and English. Songs of Lea Salonga and Frank

Sinatra were popular among the crooners and audience. Couples soon entered the dance floor as classic ball room music came to

relive a favorite pastime. And not too long after the latest dance craze from “Wowowee” played on the television and speakers as

the crowd assembled to learn the new dance.


       Ang pagkakaibigan dito ay nauuwi sa isang pamilya. Ang isa sa mga matatanda, si

Aleng Teresita, ay ikinukuwento sa akin maging ang tungkol sa kanyang lingguhang

pamamalengke at pagluluto sa gabi, kasama ng kanyang asawa at ng marami pang

ibang mga matatanda mula sa sentro. Si Aleng Teresita, tulad ng marami sa kanila ay

malayo sa kaniyang mga anak na nasa hustong gulang na at may kani-kanyang mga

anak at sari-sariling pamilya. Ang pagpunta sa sentro ay nagdudulot ng pakiramdam ng

isang pamilya na napakahalaga para sa mga Pilipino.

       Friendships here have turned into families. One of the seniors, Terisita, even told me about her weekly market shopping trips and

cooking nights she has with her husband and many of the other seniors from the center. Terisita, like many other seniors live far

from their children who have grown up and have children of their own. Being at the center provides the feeling of family that is so

important in the Philippines.


       Nagbibigay din ang sentro ng libreng health screenings para sa lahat ng mga

matatanda, tulad ng pagkuha ng presyon ng dugo at kolesterol.  Sa ganito, madali

para sa mga matatanda na magkaroon ng regular na pangangalaga at pagsubaybay

ng kanilang kalusugan.

       The center also provides free health screenings for all their citizens, like blood pressure and cholesterol. It allows seniors who may

not have easy access to this to regularly check their health and keep track of it.


       Malapit nang matapos ang araw pagkapananghalian.  Ihahatid sila ng van sa kani-

kanilang tirahan, at kung minsan ay sa pamilihan. Maaaring tila sasandali lamang ang

panahon na itinigil nila roon, ngunit ang mga matatanda ay masasaya na nagkita-kita

sila ng kanilang mga kaibigan, nakapagtawanan, at nakapagkantahan. At iyon marahil

ang pinaka-Pilipinong aspeto ng Silverlake Adult Day Care Center.

       The day nears its end in the afternoon after lunch is served. The van pool takes them home, sometimes to the market. It may not

seem like they spent much time there, but the seniors are happy with just being able to see their friends to laugh and sing with.

And that is probably the most Filipino aspect about the center.

 

 

 

Home Page

Tanya Corpus